Thursday, March 31, 2011

Women’s Culmination day, “puno” ng pag-asa mula kay RFC







SWEET FULFILLMENT - Si Mayor Bong Constantino habang pinapaabot ang nakabadyang paglabas ng may P4.5 milyones na pondo mula kay Rep. Pacquiao, Gob. Dominguez at ng LGU-Malungon para sa mga piling proyekto na ibibigay sa may 2,000  meyembro ng Malungon Women’s Council sa naturang bayan ng Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      

----------------------------------------------------------------------------------------------------
 
SARANGANI PROVINCEPUNONG-PUNO ng pag-asang aasenso mula sa  kasalukuyang katayuan sa buhay at mabigyan ng nararapat na edukasyon ang mga anak ng may 2, 000 libong kasapi ng Malungon Council of Women sa ginanap na pagtitipon ng 55 grupo ng mga kababaihan para sa tradisyonal na silebrasyon ng Women’s Month sa buong bansa dito sa naturang bayan.

Kaugnay nito’y nag-uumapaw din Kahapon (araw ng Huwebes) sa kasiyahan ang bawat puso ng may 500 kababaihan na mula sa iba’t-ibang bayan sa ginawang pagdiriwang ng International Women’s Celebration and Provincial Culmination sa ilalim ng temang: Magna Carta ng mga kababaihan, kaagapay sa pag-unlad ng ating buhay,” sa A-Montana Resort ng bayan ng Alabel, Sarangani.

Ayon kay Board Member Eleanor Constantino-Saguiguit, chairperson ng committee on women, children and committee relations ay nararapat lamang na bigyan din ng sapat na pansin at karangalan ang bawat sakripisyong ginagawa ng mga kababaihan ‘di lamang bilang tagapangalaga ng pamilya, kundi direktamenteng tagapagtaguyod din ng bawat tahanan at kinabukasan.

“Sarangani recognizes women as one strong pillar towards development, and the fervent need of their contribution for everybody to achieve a progressive and well-develop kind of society,” ani Saguiguit, sa gitna ng nasabing pagtitipon na kung saa’y sabay na nanumpa sa kani-kanilang tungkulin ang mga bagong napili na mga opisyales ng Women in Development of Sarangani Council.

Samantala, naging malaking usapin din sa grupo ng mga kababaihan ang nababadyang paglabas ng may P4.5 milyones pesos na pondo para sa mga samo’t saring programa ng pamahalaan sa may na 55 grupo ng mga kababaihan sa bayan ng Malungon.

Ayon kay Gng. Roselyn, maybahay ni Mayor Reynaldo F. Constantino at honorary chairperson ng Malungon Women Council (MWC), ang pondong magmumula kina Rep. Manny Pacquiao, Gov. Miguel Dominguez at lokal na pamahalaan ay gagamitin umano sa ilang mga piling micro-financed projects ng gobyerno para matulungang makapagpatayo ng kani-kanilang mapagkakakitaan o negosyo ang mga meyembro ng MWC sa bayan.

“Sa ganitong paraan ay hindi lamang magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababaihan na maipakita ang kani-kanilang kontribusyon para sa ikakaunlad ng pamumuhay, kundi maging sa paghubog ng magandang kinabukasan ng kani-kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagtulong sa mga ito na makapag-aral sa mga matataas na uri ng pamatasan,” ani FL Roselyn.

Ayon naman kay Mayor Constantino, taging ang mataas na pinag-aralan lamang ang nakikita nitong daan para sa matagumpay na kalayaan ng sambayanan mula sa kahirapan.

“I am always serious in my governance and mission for the good of our children through proper education kay gina-preparar ko gid ini sila para makakuha sang maayo nga klase sang trabaho kag pangabuhian kung sila naman ang ara sa aton lugar bilang mga ginikanan sa pag-abot sang tama nga panahon. And with your presence, I was already inspired of doing what I have started for the good of our children,” ani Constantino.
Ayon din kay Constantino, sa pagdating ng pagkakataong ito ay nagkaroon din ng karagdagang lakas ang kanyang administrasyon sa pagsusumikap nito na  patuloy na maitaguyod ang pagbigay ng libreng edkasyon sa may 517 na mga  LGU-financed  scholars na sa kasaluyan ay tumatangap umano ng tig P10, 000 ang bawat isa, bawat taon.
“Sa pag-abot sini nga bulig halin sa aton pinalanga nga Congressman Pacquiao kay Gobernador Dominguez, nagapati gid ako nga mabuligan nyo (women’s) na ako subong nga mapatapos ta ang aton nga mga kabataan sa ila nga gina-ambisyon nga kurso sa umaabot nga panahon,” ani Constantino. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

No comments:

Post a Comment