CBMS project – Si Nonito Nunez, Municipal Planning and Development Coordinator, habang ipinapaabot nito sa mga barangay captains at opisyales ang kahalagahan ng Community-Based Monitoring System noong araw ng MIyerkules sa bayan ng Malungon, Sarangani. Makikita din sa larawan sina Mayor Reynaldo F. Constantino, at Bren Evangelio na kumakatawan kay Sarangani Rep. Manny D. Pacquiao. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
MALUNGON, Sarangani – MAHIGPIT na ipinagutos ng lokal na pamahalaan ang muling paglulunsad ng programang Community-Based Monitoring System (CBMS) sa lahat ng mga bumubuong barangay matapos ang ayon pa’y unang pagkabigo ng proyekto dahil sa kapabayaan at kakulangan ng dedikasyon mula sa mga tao na unang humawak nito sa bayan ng Malungon, Sarangani.
Sa isinagawang pagtitipon ng Association of the Barangay Captains (ABC) noong araw ng Miyerkules ay diretsahang sinabi ni Mayor Reynaldo F. Constantino na hindi na ito makapapayag na muling mabigo ang naturang proyekto na nagsisilbing “mata” ng pamahalaan para malaman ang kinakailangang impormasyon hingil sa totoong katayuan ng mga mamamayan, lalo na doon sa mga namumuhay sa mga kabukiran at malalayong bahagi ng bayan.
Sinasabing unang inilunsad ang CBMS nang taong 2007-08 subalit ‘di ito naging epektibo dahil sa kapabayaan ng ilan sa mga personahi na naging kasapi nito, sa pagiging salat sa kaalaman ng taongbayan hingil sa kahalagahan ng proyekto … at maging sa kakulangan na rin ng kooperasyon mula sa taongbayan.
“Our past failure is a lesson for us to learn. And I will never accept this to happen again. That is why I have already instructed our MPDC to see to it that we will attain what we are aiming for this time, tungod kay dire mag-umpisa ang tanan naton nga pag-programa sang aton nga mga ginahandum. Because I believe through CBMS gathered data, we could able to monitor all of those who are in dire need of government assistance,” ani Constantino.
Pinasalamatan din ng LGU ang pamunuan ng Sagittarius Mines Inc. sa ayon pa’y pag-sponsor nito sa naturang programa, na pinaglaanan din ng may P400, 000 na counterpart ng administrasyong Constantino.
Gayon pa man ay sinisiguro naman ni Constantino na hindi kailanman maaapektohan ng mga donasyon na ito ng SMI ang lokal na pamahalaan, lalo na sa ginagawa nitong eksplurasyon sa bayan.
“Hindi pa rin dapat isipin ng SMI na maiimpluwensiyahan na nito (donasyon) ang kanilang ginagawang eksplurasyon sa ating Malungon dahil para sa akin, ang desisyon pa rin ng bayan ang higit kung paniniwalaan pagdating ng takdang panahon,” ani Constantino.
Ayon kay MPDC Nonito Nunez ay nangako di umano ang pamunuan ng SMI na magbibigay ng mga computer sets na maaring gamitin para sa monitoring system ng 31 barangay ng bayan, maliban pa sa mga karagdagang na mag gastusin na ayon pa'y kakailanganin ng CBMS sa darating na mga araw.
No comments:
Post a Comment