Monday, March 28, 2011

“Iresponsabling” empleyado, pinatalsik ni Constantino




DOLE-SPES PROJECT – MULING sumigla ang mga mag-aaral na kasama sa programang Special Program for Employment of Students (SPES) ng DOLE matapos akuin ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang may P110, 000 na naantalang sahod ng mga naturang estudyante sa Malungon, Sarangani. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).    
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
Malungon, Sarangani – AGAD na pinaalis sa trabaho ang isang kawani ng lokal na pamahalaan dahil sa umano’y kapabayaan nito sa tungkulin na muntik nang naging dahilan sa pagkatunaw ng sweldo ng may 45 mga estudyante na namasukan sa gobyerno sa ilalim ng programa ng DOLE na Special Program for Employment of Students.

Ayon sa impormasyon ay ‘di umano naasikaso’t naipasa sa itinakdang sandali ang mga papeles ng mga mag-aaral sa DOLE kaya’t nagkaroon ito ng gusot. 
Ang mga mag-aaral ay panandaliang namasukan ng trabaho sa LGU noong bakasyon para ayon pa, kahit pano’y kumita at makaipon ng pandagdag matrikula mula sa programa ng DOLE na Special Program for Employment of Students (SPES). 

Sa isinagawang pulong-pulong noong araw ng Miyerkules ay mapakumbaba na humingi ng despensa si Mayor Reynaldo F. Constantino sa lahat ng mga summer job students at kani-kanilang mga magulang dahil sa ayon pa’y pagkadilata sa sahod ng mga kabataan mula sa pamahalaan.
Hindi naman tumagal at muling sumigla ang paligid matapos sabihin ni Constantino na aakuin nito ang ang lahat ng responsabilidad para maisa-ayos ang lahat ng mga nabinbing obligasyon ng gobyerno sa mga mag-aaral. 

“I am facilitating in my own personal capability, the immediate release of the P110, 000 that is intended for the payment of students’ wages para may magamit na ini sila dayon sa ila nga pag-eskuwela,” ani Constantino.
Gayon pa man ay muling pinaalalahanan ng alkalde ang mga estudyante na ‘wag maging pabaya sa eskuwela.   

“What I am only asking from you students is to study well because I may not assure you employment after your graduation. All I am sure is that I have able to equip you with something that will be yours … forever. And that is – education,” ang sabi ni Constantino.

Dahil na rin sa pagnanais ng mga lokal na opisyales ng bayan na mabigyan ng sapat na importansiya ang programa sa edukasyon ay naglagay ng may P5.6-M na pondo si Constantino para sa scholarship program ng lokal na pamahalaan.
   
Samantala, ayon naman sa chief executive secretary ng alkalde na si Cristina Constantino-Lapaz, layunin ng programang DOLE-SPES ang matulungan ang mga mahihirap na mga mag-aaral, lalo na yaong may sapat na angking talino’t kakayahan.       

“SPES aims at helping the poor but worthy students pursue their learning by encouraging their employment during summer vacations. Its purpose is to expand the intellectual capabilities of children specifically of the deprived families, and harness their potentials for the future,” ani Lapaz. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma)

2 comments:

  1. kawawa ang mga estudyante...buti na lang nabuking ang pagiging iresponsable nang empleyado na yan at mabuti na rin dadil nasolusyonan ni mayor ang problema ng mga spes sa kanilang sweldo.

    ReplyDelete