COYUGG-Mom – First Lady and MNO action officer Roselyn D. Constantino together with Brgy. Capt. Ruben Pinol serves hot “aroz-caldo” on Friday, amid a mass feeding activity spearheaded by Concerned Youth United for Good Governance (COYUGG) led by founder Ma. Theresa Constantino in Brgy. Banahaw, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Banahaw, MALUNGON – MAKIKITA ang labis na kasiyahan sa mata ng bawat residente sa pagdating kahapon ng mga kabataan na bumubuo ng Concerned Youth United for Good Governance (COYUGG) organization para mamahagi ng mga damit, pagkain, laruan at entertainment (aliw) sa Brgy. Banahaw, Malungon, Sarangani.
Ayon kay Ma. Theresa D. Constantino na siyang tumatag (founder) ng nasabing samahan na binubuo ng may 2,000 kabataan ay bahagi umano ang naturang pagtitipon sa pagnanais ng grupo na makatulong sa lokal na pamahalaan at maipadama rin ang kanilang presensiya’t pagmamahal doon sa mga nakatira sa mga liblib na pook ng naturang bayan.
Lakip dito, sinabi din ni “Tessa” na sa pamamagitan ng wastong gabay ay unti-unting nahasa’t naturuan ng wastong pakikipagkapwa ang bawat meyembro ng kanilang grupo na sa kalaunan aniya, nadama’t niyakap ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng pagkakaisa, pagbibigay, at pagtulong lalo na doon sa mga higit na nangangailangan mamamayan ng Malungon.
“Our group was organized not only to support the activities and programs of the local government but most likely to enhance the social, political, economic, cultural, spiritual, and physical aspect of the youth,” ani Tessa, na pumapangalawa sa apat na mga anak ni Mayor Reynaldo F. Constantino.
Ang COYUGG ay itinatag ni Tessa noong taong 2006, bago pa man tuluyang nagtapos ito ng kursong abogasiya sa Ateneo De Davao University, at kasalukuyang nag-rerepaso para sa pagkuha nito ng Bar examination sa susunod na taon sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa ulat, naging dahilan din ang COYUGG para makakalap ng mahigit 4, 000 na boto si Constantino mula sa grupo ng mga kabataan noong 2007 elections. Bagay na nakapagtala din ito (Mayor Constantino) noong 2010, ng may pinakamataas na kalamangan sa lahat ng mga kumandidato sa pagka-mayor mula ng maitatag ang bayan ng Malungon noong dekada ’70.
“It is because my father acknowledges that the youth of today has its vital role in nation building. That is why we encourage every member of COYUGG to work hand in hand for the development of the community in the society at large, and build better relation to those living in upland villages and the far flung barangays through mass feeding programs, donation of toys, used clothing, and anything that is found to be useful and important nowadays,” dagdag pa ni Tessa.
Kasama din sa naturang programa ang Muncipal Nutrition Council (MNO) na nagkibahagi sa pamamagitan ng isang mass feeding program sa pamumuno ng ina ni Tessa na si (FL) Gng. Roselyn Constantino at ng nakakatandang kapatid nito na si Cristina Constantino-Lapaz.
No comments:
Post a Comment