MALUNGON, Sarangani – MULA sa malayong paglalakbay ay dinayo ng may 30 meyembro ng Davao Speedometrix at Sexy and Furious Moto Club ang Pacman Farm na pag-aari ni world eight (8) boxing division champ at Sarangani Rep. Mamny Pacquiao sa bayan ng Malungon.
Ayon kay photo journalist Mark Navales na tumatayong guide-leader ng dalawang grupo ay di na pinalampas pa ng mga motoristang nagmula pa sa isang bayanihan tour sa North Cotabato na di makita ang may siyam na ektaryang vegetable garden at cock farm ng Filipino ring idol na itinuturing na isa sa mga tourist destinations ng lalawigan ng Sarangani.
“Talagang pag-alis pa lamang namin ng Cotabato City ay isa na itong Pacman Farm sa mga nais naming makita, kasama nitong grupo na binubuo rin ng mga lokal na negosyante at professionals mula Cotabato, Davao at Tagum City,” ani Navales.
Ayon naman kay Sarangani board member at Tourism chairperson Eleanor Constantino-Saguiguit ay laging bukas ang Pacman Farm sa lahat ng mga turista na nagnanais makita ang pook na pinagkakaabalahan ng panahon ng kampeon kapag nais nitong magpahinga dito sa bayan ng Malungon, na tinataguriang isa sa pinakamalakas na political supporter ni Pacquiao noong panahon ng halalan.
Di naman nabigo ang sinasabing grupo sa kanilang inaasahan na magandang pakikitungo sa kanila ng lokal na pamahalaan datapwat nasa isang official business ang alkalde ng bayan na si Mayor Reynaldo F. Constantino.
“Si mayor bong kasi mismo ang tumawag sa amin ni Mun. Councilor Joseph Calanao na wa’g pabayaan ang mga bisita kaya’t andito kami para personal na masabayan sila sa pagkain, pamamasyal at photo taking dito sa loob ng farmland,” ani Saguiguit na nakakatandang kapatid ng alkalde.
No comments:
Post a Comment