Monday, March 28, 2011

Multimillion Palm oil company, itatayo sa Sarangani




FOREIGN INVESTORS  –  DUMATING mula bansang Malaysia sina (L-R) K. Dega Miega, taga-pamahala ng Ashada Properties na naka-base sa Kuala Lumpur, at Allan Sopronio, presidente ng Green Castor Oil Philippines Inc., para personal na maiparating kay Mayor Reynaldo “Bong” Constantino (2nd- L) ang hagarin na makapagtanim ng may 30, 000 - ektarya ng Palm at Castor oil sa Malungon, Sarangani. Ang dalawang Malayo ay inihatid kay Constantino ng kababayang si Vicente Bas Bertiz at ni Nida Vasquez ng Curcas Oil Philippines Inc., isang kumpanya din ng langis na sa kasalukuyan ay nagpapatanim ng may 10, 000 na ektarya ng Jatropha dito sa  bayan. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).       


MALUNGON, Sarangani – Pormal na humarap kay Mayor Reynaldo F. Constantino ang mga negosyanteng Malayo (Malaysians) para ipa-abot sa lokal na pamahalaan ang hangarin na makapagpatayo ng planta at  makapagtanim ng may 30, 000 na ektarya ng Palm at Castor Oil dito sa naturang bayan.      

Sa ginawang pakikipagpanayam kay Allan Sopronio, president ng Green Global Castor Oil Philippines Inc. (kasalukuyang nasa-proseso ng DTI) at K. Dega Miega na tagapahala ng Ashada Properties ay sinabi ng mga ito na kusa nilang pinuntahan si Constantino para maipaabot sa alkalde ang hangaring makapagpatayo ng negosyo sa panig na ito ng lalawigan.        
“First we are attracted on how peace and order is being handled in this own. Then we also found out that Malungon’s soil is really soothed for palm and castor oil plantations,” ani Sopronio.  

Idinagdag din ng mga nasabing imbestor na maliban sa pagtatanim ng Tangan-Tangan (Ricinus communis) ay hangarin din ng kanilang kompanya na makapagpatayo ng isang planta sa bawat 10, 000 na ektarya ng palm at castor oil para sa gagawing pag-proseso ng kanilang produkto.

“So we are also here today to solicit the local government’s permission for GGCOPI surveyors to conduct land assessment activities in some other parts of the municipality,” ani Miega ng Ashada Properties na naka-base sa Kuala Lumpur.

Ayon naman kay Constantino ay laging bukas ang kanyang bayan para sa mga business investors na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya at katayuan sa buhay ng kanyang mamamayan.
“We’re glad you visited us and see for yourselves the serenity and business potentials of our place, including the friendly culture of my people,” ang sabi ni Costantino, na agad namang nagbigay pahintulot na makapaglibot sa nasasakupan ang mga dayuhan.
Ayon sa ulat ay unang nakita ng Malaysia Department of Agriculture ang kahalagahan ng palm oil (Elaeis guineensis) bilang mura at numero unong alternatibo sa tumataas ng halaga ng langis noong taong 1969. Ito rin ang nagbigay daan  sa pagpatayo ng bansang Malaysia ng Universiti Pertanian Malaysia (UPM) noong dekada ’70,  na sinundan ng Palm Oil Research Institute at iba pang mga pamantasan ng mga sumunod na taon.
Samantala, ang castor oil o kilala bilang Tagan-tagan dito sa Pilipinas ay isang kapaki-pakinabang na uri ng halaman na kung saan, ang nakukuhang langis mula sa mga bunga nito’y maaring gamitin para sa paggawa ng plastic, textiles, pintura, sabon, mga pampaganda, tinta at iba pa. Maari din umano itong gamitin na pampamanhid at gamot sa kabila ng di magandang amoy at panlasa na naging dahilan kung bakit kadalasan ay iniiwasan itong tikman o gamitin ng may mga karamdaman. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

2 comments:

  1. sana matuloy na nga yan...di matulad sa isang company.

    ReplyDelete
  2. I am presently producing castor seeds brazilian variety 52 to 58 percent oil content.Do you buy/

    ReplyDelete