Monday, March 28, 2011

Tourism Hub



Tourism Hub- Makikita sa larawan si Mayor Reynaldo F. Constantino habang nagbibigay ito ng mensahe sa gitna ng opisyal na pagbubukas kahapon ng P4.5M Tourism Center Project ni Rep. Manny D. Pacquiao sa bayan ng Malungon, Sarangani. Sa bandang ibaba naman ay makikita sina (L-R) mun. engr. Rodrigo Palec, Mayor Constantino, Sarangani board member Eleanor Constantino-Saguiguit at mga project contractors habang masusing tinitingnan ang kabuunang mapa ng Sunken Arena Development Plan. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).         
--------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani – MATIWASAY na isinagawa kahapon (February 15, 2011) ng Department of Public Works and Highways at ng lokal na pamahalaan ang opisyal na pagbubukas o “groundbreaking” ceremony ng P4.5M-worth Sarangani Tourism Center sa bayan ng Malungon, Sarangani.

Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang naturang proyekto ay bahagi ng P21M na pondong inilaan ni eight (8) division world boxing champion at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao para sa Sunken Arena Development Plan ng Malungon.

 “That was in 1995 or 16 years ago when my father, the late town mayor and Sarangani vice governor Felipe K. Constantino instructed me nga ipapatag ang amo nga lugar which was then a hilly portion located at the back of our municipal hall. He said, dira ko gina-plano nga tipunon ang aton 31 ka mga barangay pag-abot sang panahon. That is why when I assumed office in 2007, I immediately called for a meeting with all the barangay captains and told them about my plan. And this is now where the 31 Bahay- Kubos stands, to symbolically replicate the 31 barangays that comprises the entire municipality of Malungon. And of course this was materialized through the help of my good friend Manny Pacquiao who is now Congressman of Sarangani Province. Pero wala didto natapos ang suporta ni Rep.  Pacquiao,” ani Constantino.

Sinabi din ng alkalde na noong 41st –year anniversary ng bayan ay muling nagbigay ng malaking tulong si Pacquiao mula sa kanyang sariling kakayahan at bilang Municipal Tourism Chairman ng bayan, para sa pagsaayos ng sunken arena.    

Ayon naman kay Sarangani board member Eleanor Constantino-Saguiguit na dati’y deputy chairman ng tourism council sa naturang bayan ay magsisilbi umanong Tourism Center ng buong lalawigan ang nasabing proyekto, kung saan ay matatagpuan dito ang isang musoleo, theatro, gymnasium na may boxing ring at sapat na kagamitan para sa naturang  sports, cafeteria na may malaking larawan ni Pacquiao (Pacman praying at the ring corner), at malaking sculpture na naglalarawan ng tribal culture sa Malungon.   

 “This will be a major tourism center in the province, as we develop more from a plan that was conceptualized as brainchild of both Mayor Constantino and the former Tourism Council Chairman who is now Congressman of Sarangani Province,” ani Saguiguit.  

Ani Brend Evangelio, chief of staff ng Congressional Office at  kumakatawan kay Pacquiao ay ipinapakita lamang ng Kongresista kung paano ito tumupad sa kanyang mga pangako lalo na doon sa mga nakatulong ng malaki sa kanya. "Actually di pa man nanalo bilang Congressman si sir Manny ay naging bahagi na ito ng bayang ito kaya't di na rin dapat na ipagtaka pa kung bakit ganito kalapit sa kanya ang mga taga Malungon."
Ayon kay Constantino, ang Sunken Arena Development Plan ay ang pinakauna sa mga malalaking proyekto na balak ipatayo ni Rep. Pacquiao sa Sarangani. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

No comments:

Post a Comment