“Diale of Malungon” – Nabigo man sa hangaring maiuwi ng 22-anyos na si WBO Oriental Flyweight Champion Arden Diale ang korona mula kay Mexican WBO flyweight champion Julio Miranda ay nagpakita pa rin ng matibay na pagtitiwala’t suporta sa kanyang kakayahan bilang boksigero ang mga kababayan sa pag-uwi ni Diale sa bayan. Makikita din sa larawan noong araw ng Miyerkules sina (L-R) Vice Mayor Ben Guilley, Diale at Mayor Reynaldo “Bong” Constantino bago ibinigay ng alkalde ang halagang P50, 000 na financial assistance sa gagawing pagsasanay ni Diale sa Digos, Davao Del Sur. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Walang nabago sa ipinakitang paghanga, respeto’t pagtiwala ng mga kababayan sa kakayahan ng 22-anyos na boksingerong si Arden B. Diale sa pag-uwi nito sa Malungon, Sarangani sa kabila ng pagkabigo nitong masungkit at maiuwi ang korona mula kay WBO flyweight champion Julio Cesar “Pingo” Miranda sa Queretaro, Mexico.
Bagama’t naitumba ni Diale (W14-L6-D3-7KO) sa pamamgitan ng isang matulis na kanan si Miranda sa unang round ay nagawa pa rin umanong maidepensa ng mas nakakatanda’t biteranong si Miranda ang korona nito matapos talunin sa pamamagitna ng TKO si Diale sa ika 1:29 ng ika-apat na round.
Gayon pa man ay masayang nagbunyi pa rin ang mga kababayan at lokal na opisyales ng pamahalan dahil sa ipinakitang katapangan ni Diale, sa kabila ng katutuhan ayon pa, na naging salat na ito sa panahon, tamang preparasyon at maging ilang kagamitan para sa gagawing paghahanda laban kay Miranda, na di umano’y siya ring tumalo sa isa pang pambato na boksingero ng Sarangani na si World Boxing Organization (WBO) Oriental flyweight champ Richie “Magnum” Mepranum na mula sa bayan ng Maasim, noong nakaraang taon.
Kaugnay nito’y nangako naman ng suporta kay Diale ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynaldo F. Constantino, na kung saan ay agad iniabot kahapon (Huwebes) ang halagang P50, 000.00 financial assistance ng LGU sa boksingero.
“Nakita man naton ang ginhimo nga pagsakripisyo sini nga bata (Diale) para lang mairepresentar man ang aton nga Malungon didto sa lain nga nasyon. Luwas sini, nakabalo man kita sa iya ginpakita nga kaisug sa pag-paninguha sini nga magdaug man tani kontra sa representante sang Mexico, nga isa sa mga ginakilala nga mga higante nga nasyon nga naga suporta sang amo nga hampang sa sports sa bilog nga kalibutan. Gani, tungod sang aton nga pagkilala sa iya nga mga pagpaninguha bilang isa ka taga-Malungon, nagapasalig ako upod ang aton nga mga opisyales kag LGU, nga magahatag na kita sang suporta sa aton nga ginakilala nga atleta sang aton banwa,” ani Constantino.
Ayon sa pinakabagong ulat, bagama’t maaaninag pa rin ang ilang mga pasa’t pamamaga sa mukha at katawan ni Diale ay kasalukuyan na rin umano itong naghahanda para maging isa sa mga under cards ng parating na Pacquiao-Mosley boxing clash sa ika a-7 ng buwan ng Mayo, nitong taon.
Maliban kay Diale ay nakatakda na rin ang muling paghaharap ni Mepranum at nang 30-taong gulang na si Miranda (35W-5L-1D with 28 knockouts) sa pamamagitan ng isang rematch.
Idinagdag din ni Constantino na maliban sa pagbibigay ng financial support sa kanilang atleta ay kasalukuyan na rin umanong pinagtutuunan pansin ni world 8 division boxing champion at Sarangani Rep. Manny D. Pacquiao kung ano-ano ang mga dapat gawin para sa lalong ikasisigla ng sports at boxing sa buong lalawigan. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
Ayon sa pinakabagong ulat, bagama’t maaaninag pa rin ang ilang mga pasa’t pamamaga sa mukha at katawan ni Diale ay kasalukuyan na rin umano itong naghahanda para maging isa sa mga under cards ng parating na Pacquiao-Mosley boxing clash sa ika a-7 ng buwan ng Mayo, nitong taon.
Idinagdag din ni Constantino na maliban sa pagbibigay ng financial support sa kanilang atleta ay
No comments:
Post a Comment