Thursday, March 31, 2011

US immigration enforcers, nagsagawa ng human trafficking seminar sa Sarangani




US-Malungon Anti-HT enforcers – Sina Mayor Reynaldo F. Constantino, US Embassy attache James Illusurio (L) at deputy Attache Eric D. Macloughlin ng US Department of Homeland American Embassy I Manila, habang seryosong nag-uusap hingil sa lumalalang kaso ng human trafficking sa bansa sa isinagawang pagdalaw ng mga foreign anti-human trafficking enforcers sa Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      
      
-------------------------------------------------------------------------------------------------------                                          
MALUNGON, Sarangani – MAINIT na tinangap ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang pagdating ng mga kumakatawan ng embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas para magbigay ng mga karagdagang kaalaman sa mga lokal na opisyales ng pamahalaan kung paano maiiwasan ang lumalaganap na kaso ng Human Trafficking sa bansa.

Ayon kay US embassy attache James Illusurio ay nagpasya silang pumunta sa mga liblib na pook ng bansa para isulong ang kanilang kampanya laban sa lumalalang bilang ng mga pilipino na nagiging biktima ng Human Trafficking.

Sinabi ng mga taga-embahada na dumayo sila hangang Mindanao para mamahagi ng mga karagdagang kaalaman hingil sa human trafficking, lalo na sa mga mag-aaral ng iba’t-ibang pamantasan dahil kadalasan ay ito ang mga nagiging biktima ng mga taong nasa likod ng naturang sindikato.           
               
Ayon kina Illusurio at deputy attache nitong Eric D. Mcloughlin ng US Department of Homeland American Embassy I Manila ay nagsagawa na rin sila ng kahalintulad na pagtuturo sa karatig lungsod ng Heneral Santos kamakailan lang dahil sa isang derektamenteng imbitasyon na mula kay Mr. Warren Manila ng Golden State College o STI.
               
Sa isinagawang pakikipagpanayam nina Illusurio at Mcloughlin sa mga lokal na opisyales ng bayan ay sinabi ng mga ito na dapat lamang na seryosuhin at bigyan ng sapat na pansin ang problema ng bansa sa Human trafficking dahil kadalasan ay yaong mga nagmumula sa mga probinsiya o tagong pook ng bansa nangagaling ang mga nabibiktima dito.
 
“We are here to help protect Filipinos against human trafficking which is the main cause of prostitution of children, sex tourism and sex slavery. That’s why we are calling the attention of each and everyone to report to us or any government authorities the presence of any suspicious human trafficker in the locality,” ani Illusurio na isang ring Fil-Am.
   
Ayon naman kay Constantino ay napakalaking tulong umano ang ginawang pagdalaw at pagbigay ng mga natatanging impormasyon ng mga taga US embassy hingil sa human trafficking dahil magagamit ito ng mga lokal na opisyales at mga maykapanyarihan laban sa pagpasok ng mga ganitong uri ng sindikato sa kanyang nasasakupan.
 
“Nakabalo gid kita nga amo ini sila (human traffickers) ang hinungdan sang pagkausyami sang mga manami kag matag-as nga handum sang aton nga mga kabataan. Gani ginasiguro ko gid nga matagaan sang insakto nga proteksiyon kag gabay ang tanan para wala sang mahimo nga mabiktima sang sini nga mga klase nga modus diri sa aton nga banwa sang Malungon,” ani Constantino. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

No comments:

Post a Comment