Tuesday, April 12, 2011

Kasalang Bayan ay “insurance” ng bawat tahanan - Constantino



Legal kisses – (L-R) Brgy. Capt. Eusebio Moral, Mayor Bong Constantino and local civil registrar Lydia Erasmo contentedly looks on as newly-wed Juvie and Narcissa Tulop, one of the 27 couples who recently participated the “Kasalang Bayan” program of the local government, exchange sweet kisses in Brgy. Kinabalan, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

 
MALUNGON, Sarangani - Muling pinaalalahanan ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang mga mamamayan na sa bisa ng “Kasalang Bayan” ay nalalagay sa siguro ang bawat tahanan na makamtan nito ang samo’t-saring benepisyo na nagmumula sa lokal na pamahalaan.   

Ayon kay Pastora Tessie Sugabo ng Evangelical Christian Outreach Foundation Inc. (ECOFI) at tumatayong tagapagsalita ng lokal na pamahalaan para sa tribong Taga-Kaulo at B’laan, ang patuloy na paglobo sa bilang ng mga nakikibahagi sa programang ito na umabot na maging sa mga kasulok-sulokang bahagi ng bayan ay isang malinaw na indekasyon lamang na natutunan na ng kanyang mga ka-tribo ang kahalagahan ng legalidad sa pagsasama ng bawat mag-asawa sa ilalim ng batas at ng simbahan.

“Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 1, 800 pamilya na dati’y nagsasama ng walang legal na basihan ang napasailalim sa naturang programa. At dahil dito, tuluyan nang namulat ang tribo sa mga maaring makamtang benepisyo sa ilalim ng ating gobyerno,” ani Sugabo.

Sa katatapos na “mass wedding” ng may 27-pareha sa Barangay Kinabalan ay muling pinaalalahanan ni local civil registrar Lydia Erasmo ang mga mamamayan at lumads na matapos ang gagawing pagiisang dibdib ay magiging bawal na ang “duwaya,” o pagkakaroon ng dagdag na asawa’t pamilya na tulad ng nakagawian ng mga meyembro ng indigenous peoples’.

Ayon kay Constantino, sa pamamagitan ng pagpapakasal sa gobyerno ay agarang makakamtan ng bawat mag-asawa ang benepisyo mula sa PhilHealth program ng kanyang administrasyon, lakip ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ni pangulong P-noy Aquino na sa kasalukuyan ay binabagi na sa may mahigit 255 kabayanan, 15 lungsod at may 45 lalawigan sa buong bansa.

“Nakita ta kung ano kasinsiro ang aton pang-gobyerno sa pagbulig sini sa mga pobre ta nga mga kauturan. Gani para matagamtaman ta man ini nga programa, dapat lamang nga magin legal ang aton tagsa-tagsa ka pamilya kay sa idalum sang programa nga PPPP, mahimo nga maka-avail sa sulod sang lima (5) ka tuig sang tig-P1,400 ang matag-panimalay, nga kon diin nakahibalo gid ako kung ano kadako nga bulig ini para sa aton nga mga pumuluyo diri sa banwa sang Malungon,” ani Constantino. (MIO-Malungon/ ippalma).

No comments:

Post a Comment