RFC concern – MABABAKAS ang labis na kasiyahan kay Lolo Marcelino Diana habang nilalaro nito ang isa sa kambal na apo matapos maipasuri at mabigyan ng kinakailangang gamot sa muling pagbubukas ngayong taon ng programang “Lingap sa Barangay” ni Mayor Reynaldo F. Constantino at Rep. Manny Pacquiao sa bayan ng Malungon, Sarangani. Ang mga Diana ay isa lamang sa mga pamilya ng mga magsasakang namumuhay sa liblib na pook ng sitio Landayan, na nakahimlay may apat na kilometro ang layo mula sa may kataas-taasang bahagi ng Brgy. Kinabalan. (Ni JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
MALUNGON, Sarangani - MASIGLA ang naging pagsalubong ng daan-daang residente sa muling pag-akyat ng buong puwersa ng lokal na pamahalaan noong araw ng Huwebes para sa muling pagbubukas ng programang “Lingap sa Barangay” ngayong taon sa Brgy. Kinabalan na isa sa mga liblib na pook na nakahimlay sa mga bulo-bundoking bahagi ng bayan ng Malungon, Sarangani.
Ang muling pagbubukas ng naturang programa ay bahagi umano ng tuloy-tuloy na pagserbisyo publiko ng administrasyong Constantino na pansamantalang naantala dahil sa kakapusan nang pondo sa pagtatapos ng taong 2010.
Ayon din sa ulat, dahil sa walang patid na pag-ikot ng lokal na pamahalaan (3-4 rounds per barangay last year) sa 31 barangay ay malaki din umano ang naitulong nito sa tuluyang pagsuko kay Consatntino ng mga natitira pang grupo ng mga bandido sa Brgy. Malabod at Bo. B’laan na noo’y tinataguriang “pugad ng mga pusakal na bandido” sa buong SouthCentral Mindanao region.
“Ang sa amin lang naman ay makita ang sersiridad ng mga tauhan ng pamahalaan na matulungan ang mga B’laan, mabuksan ang mga daan sa kabukiran, at mabigyan ng sapat na tulong sa kalusugan at edukasyon ang aming mga kabataan dito sa kabukiran,” ani Kum. Uba Buan sa sarileng nitong pananalita sa isang eksplusibong pakikipagpanayam may ilang araw bago ito sumuko sa pamahalaan.
Sa nasabing pagbaba ng may 12 bandido na kung saan ilan dito’y may mga nakabinbin ng kaso ng pagpatay at pagnanakaw sa korte ay dala-dala ng mga ito ang kanilang armas-de-fuego para ayon pa, sa tuluyang pagsuko kay Constantino at dating 1002nd Army Brigade commander na si Brig. Gen. Rainer Cruz na itinalaga kailan lang bilang bagong deputy chief for operations ng Philippine Army sa AFP 10th Infantry Division, Panacan, Davao City.
Ayon kay Constantino ang, pagsusumikap na marating ang kabundokan ay bahagi ng patuloy na pagpadama nito sa mga taongbayan na abot-kamay lamang ng lahat ang kanyang administrasyon.
“Ipinapa-abot ko sa lahat ang aking pasasalamat dahil sa nakita kong suporta at kooperasyon. At dahil na rin sa tulong na ipinapakita ng ating mga barangay officials, sinisiguro ko rin na hindi ako kailanman susuko sa paghanap ng paraan para lalo ko pang mapaganda’t mapagtibay ang kakayahang tulugan di lamang yaong mga taga Brgy. Kinabalan, kundi lahat ng aking kababayan,” ani Constantino.
Kasama din ni Constantino sa muling pag-akyat nito sa kabundokan sina MENRO Bert Allaga na nakibahagi sa pamamagitan ng pagbigay ng tamang edukasyon hingil sa kahalagahan ng wastong waste disposal management and segregation, at ni Agri-Flagship project director Nelson Sadang para sa lalong ikakatibay ng partisipasyon ng mga mamamayan sa pagtatanim o agrikultura.
No comments:
Post a Comment