Tuesday, April 12, 2011

Mahigit 100 barangay officials, “balik-eskuwela” sa ALS





ALS Salvo – Makikita ang pananabik at interes sa pagmumukha ng may 120 barangay officials at lokal na mamamayan na nagsisikap humabol ng kaalaman sa pamamagitan ng programang Alternative Learning System (ALS) ng lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng administrasyong Constantino sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      

MALUNGON, Sarangani – NAGING kapana-panabik para sa humigit-kumulang 120 opisyales na mula sa 31 barangay na bumubo ng naturang bayan ang muling pagbalik-eskuwela sa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS) na inilunsad kahapon (Martes) ng lokal na pamahalaan.      
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang ALS ay sadyang denisenyo ng Departamento ng Edukasyon para makapagbigay ito ng pagkakataon na makapag-aral muli ang mga di nakapagtapos sa pamamagitan ng community-based education program.
“This program for illiterate out of school youths, children, adults and even the literates who have not completed their 10-year basic education is of great help especially to our barangay officials who are the tasked planners of our local communities. Aside from being good leaders today, at least, maayo gid atong nakahibalo sila magsulat kag magbasa bilang mga lideres para makapartisipar ini sila sang maayo hilabi na sa pag-indusar sang mga balaud kag kung ano pa man nga mga kaayuhan para sa ila lugar sa  panahon sang pagtililipon sang mga matag-as nga opisyales sang gobyerno,” ani Constantino, na malaki ang paniniwalang matiwasay na makapagtapos ang lahat ng mga opisyales nito.      

Ayon sa programa, maari din umanong makiisa dito ang mula 15 taong gulang na hindi pa nakapag-aral sa anomang pamantasan lakip na yaong mga nagsipaghinto ng pag-aaral sa elementarya at mataas na paaralan.

“Isa ito sa pinakahihintay ko na programa ng ating pamahalaan dahil sa hangarin ko na maging edukado at makakuha ng kani-kanilang mga kurso ang karamihan sa aking mga nasasakupan. Dahil naniniwala ako na ito lamang ang taging daan para makaahon sila sa kahirapan pagdating ng takdang panahon,” dagdag pa ni Constantino, na kasalukuyan ay may pinapaaral din na 517 mga student scholars sa ilalim ng LGU-Educational Assistance Program na kung saan ayon pa’y gumagastos din ang pamahalaan ng mahigit-kumulang sa P10M bawat taon para sa mga allowances ng mga naturang magaaral na pawang nasa kolehiyo. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

No comments:

Post a Comment