ARESCOM Defense Force – Si Mayor Reynaldo F. Constantino, president ng Sarangani-League of Municipal Mayors (gitna), sa isang masinsinang pag-uusap kasama sina (pangalawa sa kaliwa) 2nd Lt. Mervin Rosal, exec-officer ng 1205th CDC (Arescom), S/Sgt. Jose Noe Lozada at mga mamamahayag na sina Joseph Jubelag at Anton Teruel kasunod sa pag-apruba ng alkalde ng isang malawakang Special Basic Community Military Training (SBCMT) na gagawin ng ARESCOM at ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ang mataas na pila ng mga mamamayan na nagnanais maging reserbadong kawal ng 1205th (Sarangani) Community Defense Center ng Hukbong Sandatahan sa ilalim ng 12th RDDC Army Reserve Command (Arescom) matapos aprubahan ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang naturang proposisyon kahapon.
Ayon sa ulat ay magiging “pilot project” umano ng naturang proyekto ang Malungon matapos mapapayag si Constantino na dito ikakasa ang unang pagsasanay ng may 125 na aplekante o maaring hihigit pa, para magsilbing taga-mentina ng katahimikan.
“After the training, the trainees shall be enlisted into the Reserve Force of the AFP, and be designated as the DRRO Unit to be stationed at the sponsoring municipality or city. The training shall be conducted effective upon the approval by our Headquarters in the Philippine Army, “ ani 2nd Lt. Mervin Rosal, na siyang exec-officer ng 1205ht CDC, 12RCDC Army Reserve Command na naka-base sa Purok Asinan, Buayan, Gen. Santos City.
Ayon kay Rosal, isa sa mga pangunahing konsepto ng nasabing programa ay ang pagsagawa ng special basic community military training (SBCMT) sa bawat munisepyo. Ito aniya ay gagawin sa loob ng 15 sunod-sunod na araw ng Lingo at Sabado o thirty days. Kasama aniya sa gagawing pagsasanay ang may 11 araw o 88-training period na tututok sa iba’t-ibang kaalaman hingil sa militar; 12 at kalahating araw o 100-training period tungkol sa environment protection; at anim at kalahating araw o 52-training period na inaasahang magpapatingkad sa kaalaman ng mga nagsasanay hingil sa Disaster Emergency Assistance Relief and Rescue Operations.
“Everybody is welcome provided that trainees must be residence of the sponsoring municipality. The approval of their application will be selected by the LGUs and 1205CDC, 12RCDC, ARESCOM. A minimum of 125 trainees will be accepted in every class. Trainees must be Filipino Citizen; Physically and mentally fit for military training; at least elementary graduate; Non-reservist; and at least 18 years old but not more then 45 years old,” ani Rosal, na lalong sumigla matapos sabihin ni Constantino na pumapayag ito na maging “pilot project” ng naturang programa ang kanyang munisipyo.
Sinabi din ng alkalde na personal nitong hihilingin ang suporta ni Rep. Manny Pacquiao na isa ring reserbadong opisyal ng AFP, para madaling mapalawak ng Arescom ang programa sa iba’t-ibang bayan ng Sarangani.
“Napakalaking tulong nito para sa preserbasyon ng katahimikan sa bawat kabayanan kaya’t wala akong nakikitang dahilan para ‘di ko suportahan ang programang ito,” ani Constantino.
No comments:
Post a Comment