Wednesday, April 27, 2011

Bagong sestima laban sa kalamidad, inilunsad!



Ahead of time - Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng bagong tatag na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang di umano’y mga epektibong pamamaraan para maiwasan ang anomang trahedya na maaaring idulot ng mga di inaasahang kalamidad sa bayan ng Malungon, Sarangani. Makikita sa larawan sina (2nd R) Kag. Mariano Escalada na siyang may akda ng SB resolution no. 11-2010-033 at chairman ng committee on Family and Social Services, (L-R) Mildred Bautista (MSWDO), P/CInsp. Alvin Martin (COP-PNP), MTO Nimfa Figueroa, Mun. Engr. Rodrigo Palec, MENRO Bert Allaga, BFP marshal Tito Young at ABC-Pres, Delia Constantino na pawang mga meyembro ng MDRRMC. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
        

MALUNGON, Sarangani – Mas binigyan ng diin ngayon ng lokal na pamahalaan na pagtibayin ang katatatag pa lamang na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na siyang tututok para mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga mamamayan laban sa mga trahedyang dala ng mga di inaasahang kalamidad.

Ayon kay Mun. Councilor Mariano Escalada, may akda ng naturang resolusyon at chairperson ng committee on Family and Social Services, ang MDRRMC ay binubuo ng mga opisyales na mula sa iba’t-ibang sangay ng lokal na pamahalaan tulad ng MMO, PNP, MSWD, MTO, MEO, BFP, MHO at ng MENRO.

“The council was formed for local officials to strategize, prepare and ensure risk reduction specifically during the occurrence of any natural or manmade calamity,” ani Escalada.

Ani Escalada, kasama sa pagtutuunan ng pansin ng MDRRMC ay ang mahigpit na  pagpapatupad ng environmental rules, mga bagay na dapat baguhin sa ilalim ng rural-urban mitigation patterns, human settlement, at mas malalim na pag-aaral sa pagpagawa ng patubigan, irigasyon at mga kakailanganing power generation resources.

“The new law will also integrate disaster risk reduction education in school curricula at the secondary and tertiary levels, national service training programs and the Sangguniang Kabataan. Aside, there will be mandatory training in DRR for public sector employees including those in formal and non-formal, vocational, indigenous learning and out of school youth courses and programs,” ani Escalada.  

Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang pagbuo ng MDRRMC sa ilalim ng R.A. 10121 na isang mandaturang nagpapatibay  ng Philippine Risk Reduction and Management Framework  ay isang mabisang kasagutan para mapagtanto, matutukan at mahanapan ng mga akmang pamamaraan ng LGU ang mga pinagmumulan ng  trahedya o sanhi ng kalamidad bago pa man ito  tuluyang tumama sa kabayanan. 

“With the creation of MDRRMC, we could able to motivate effective response to calamities rather than picking up the pieces after the catastrophe. Tungod kay ang mahimo nga obligasyon sini nga grupo amo ang mangita sang mga pamaagi para mahilayo ang aton nga mga katawhan sa disgrasya hilabi na gid sa panahon nga may ara sang kalamidad. Amo gani nga mas maayo gid nga preparado kita kaysa mag hulat pa sang trahedya para lang magamit naton ang aton quick response team. It is because I firmly believe that prevention is always better than cure. ” dagdag pa ni Constantino. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

1 comment:

  1. Tanong ko lang po... In the absence of an MDRRMC member during a meeting and she/he has sent a representative in his/her behalf and in the event that a choice is expected from an MDRRMC, can that representative also vote in his/her behalf?

    ReplyDelete