Friday, April 15, 2011

Sarangani Big Brother, inilunsad sa Malungon!



Big BrotherMatagumpay na nailunsad noong araw ng Martes ang programang Sarangani Big Brother  (SBB) ng Provincial Government, DepEd, Panlalawigang Federasyon ng Sangguniang Kabataan, Alcantara Foundation Inc. at ng lokal ng pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani. Makikita sa larawan sina Mayor Bong Constantino (2nd R) at sina LGU Admin-officer IV Bienvenida Llego at SBB program manager, Annalie Edday. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).    
 
 
MALUNGON, SaranganiTinatantiyang aabot sa mahigit-kumulang 100 na mga boluntaryong magtuturo ang dumalo noong araw ng Martes, sa  pormal na pagbubukas ng programang Sarangani Big Brother (Season VI) ng probinsiya’t lokal na pamahalan dito sa bayan.
 
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang SBB ay unang inilunsad ng provincial government at ng Panlalawigang Federasyon ng Sangguniang Kabataan noong taong 2008 para maging kaagapay ng Departmento ng Edukasyon sa pagtuturo ng wastong sestima ng pagbabasa sa mga estudyante ng una at ikalawang ba’ytang sa mababang paaralan.   
Datapwat hindi nakadalo ang inaasahang 120 volunteer teachers  sa pagbubukas ng naturang programa ay naging masaya’t matagumpay naman ito sa pangunguna ng alkalde ng bayan, SBB program manager Annalie T. Edday at ni  LGU Admin officer IV, Bienvenida G. Llego.  
Ayon kay Constantino, ang muling pagbukas ng SBB ngayong bakasyon sa ilalim ng temang: "Engaging oneself as Big Brother or Big Sister to help Sarangani kids ready for the opportunities in the future" ay isa na naman umanong malaking tulong para sa mga taongbayan dahil kaalinsabay din ito sa mga pangunahing programa ng kanyang administrasyon.
“Dungan sa pag-abri sang SBB nga naga-hatag sang dako nga pabor sa aton mga kabataan nga naga-eskuwela sa elementarya amo ang pag-lunsar man sang aton nga Alternative Learning System nga kon diin kapin sa 100 ka mga opisyales sang nagkalain-lain nga mga barangay ang nagpartisipar. Liwan pa sini nga mga programa, may ara pa gid kita sang 517 ka mga estudyante sa kolehiyo nga ginapa-eskuwla sang aton LGU subong sa idalom sang Educational Assistance Program sang gobyerno. Gani, daw naga-amat na sang tin-aw ang akon handum nga madamo ang matagaan sang nagakaigo nga edukasyon diri sa banwa sang Malungon bag-o man lang matapos ang akon termino diri sa aton lokal nga pangamhanan. Kay nagpati gid ako nga ang igo nga kaalam kag maayo nga klase sang trabaho ang toud-tuod nga dalan para makalingkawas kita sa kapobrehon,” ani Constantino.   
Ayon  kay Gov. Miguel A. Dominguez, ang SBB ay isang programa na maliban sa pagtuturo ng wastong pamamaraan sa pagbasa ay nagbibigay din ito ng malinaw na ehemplo ng boluntarismo sa panig ng mga volunteer teachers.
Kaugnay nito ay nanawagan din ang gobernador sa mga magulang na suportahan at bigyan ng sapat na pansin ang pagpasok ng kani-kanilang mga anak sa mga nakatalagang SBB remedial classes sa buong lalawigan.  (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

No comments:

Post a Comment