MALUNGON, Sarangani - IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ng tumatakbo sa pagka-bise gubernadora na si Jikee, maybahay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang mga lumalabas na aligasyon na may iba pa umano itong sinusuportahang mga pulitiko maliban sa mga lihitimong nasa hanay ng People’s Champ Movement sa bayan ng Malungon, Sarangani Province.
Ayon sa partido, ang mga aligasyong ito ay gawa-gawa lamang ng iilan na nagnanais magdulot ng kalituhan sa publiko, lalo na yaong mga nasa kabilang bakod na “ngayo’y unti-unti ng nakakaramdam ng pagkatalo.”
“Gusto lang nako ipaabot sa tanan nga ang mga Pacquiao wala na’y laing gisuportahan luwas atong mga kapartido namo sa People’s Champ Movement, taliwala sa mga ginapagawas nga mga aligasyon karon sa pipila ka mga kaatbang sa pulitika para lamang madaot ang among kampanya,” ani Jinkee Pacquiao sa harap ng mahigit kumulang ‘sanlibo katao na nakiisa sa isinagawang pagtitipon noong araw ng Linggo (April 07, 2013) sa Brgy. Banate, isa sa mga itinuturong balwarte ng mga Constantinos mula dekada '70, na nakahimlay sa may hilangang bahagi ng naturang bayan.
Sinabi din ni Jinkee na ang kanyang pagtakbo sa pulitika ay bahagi ng matagal na nitong mithiin na makatulong sa isinusulong na adhikain ng asawang Kongresista, at mabigyan ng sapat na pansin ang mga pangangailangan ng mga Sarangans tulad ng tamang edukasyon, priserbasyon ng kultura't kalikasan, at mga karagdagang proyekto mula sa pamahalaan.
Samantala, maliban sa mga tumatakbong kasamahan na sina dating konsehal Jeszsie Dela Cruz (now vying for the vice mayoralty seat), incumbent municipal councilors Mariano ‘Jun’ Escalada, Mario Tan, Edelberto Yuzon, Joseph Calanao; former kagawad Ben Santos at nang mga bagong m’yembro ng PCM na sina Nene Espinosa-Santos at Mark Henson Villareal ay matibay na enendorso din ni Mayor Constantino sa mga taga-Banate ang kandidatura ng mga tumatakbo sa pagka-board member ng Sangguniang Panlalawigan na sina incumbent Board Members Adulracman Pangolima, Virgilio Tobias, Armand Guili ng Malungon (Sarangani ex-officio) at dating konsehal na si Cesar Nallos ng Brgy. Malalag Cogon. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment