-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang kumentong ito ay ipinalabas ng alkalde kasunod ng opisyal na pagbukas ng mga taga-gobyerno sa pamumuno nina Sarangani Gov. Migs Dominguez at Bise Mayor Benjamin Guilley ng may P14M na Pangyan-Kalonbarak road rehabilitation project ng Departamento ng Agrikultura (MRDP) noong araw ng Huwebes (April 18, 2013) sa Brgy. Poblacion.
Sa isinagawang pakikipagpanayam ng Bombo Radyo Gensan kay Constantino kahapon (Abril 23, 2013) ay malugod din na pinasalamatan ng alkalde si Rep. Manny Pacquiao at ang naturang gobernador dahil sa ayon pa’y patuloy na pagbuhos ng suporta at samot-saring proyekto mula sa Congressional Office at Provincial Government, dito sa bayan.
Ang naturang FMR project ng DA-MRDP ay kasunod sa isinagawa sa naunang pagsaayos at pagsemento (concreting of road) ng dati’y matarik at madulas na daan papuntang Brgy. Malabod na noo’y kilala bilang pugad ng mga bandido at mga armadong grupo na nakahimlay sa triangular boundaries ng mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani at Davao Del Sur.
Samantala ay personal namang pinangasiwaan ni DILG provincial director Flor Limpin ang pagbubukas ng isang potable water project sa ilalim ng programang ‘Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat’ o SANLINTUBIG ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Brgy. Lutay na isa rin sa mga pinakaliblib na pook na nagsisilbing hanganan ng lalawigan ng Sarangani at Davao Del Sur noong araw ng Miyerkules (April 17, 2013).
Ayon kay Limpin, ang proyekto ay bahagi ng P17M na pundong inilaan ng departamento sa pagpapatayo ng mga proyekto para sa malinis na tubig sa iba't ibang panig ng lalawigan.
Maliban dito ay nasa pagtatapos na bahagi na rin ang multimillion-worth ‘four lanes,’ rehabilitation at road expansion project ng DPWH dito sa bayan. Ayon pa, ang nasabing proyekto ang siyang pinakaunang 4-lane project sa buong lalawigan.
“Nagapati ako nga bilang representante sang aton probinsiya, dako gid ang ginahatag nga prebilihiyo sa aton sang aton mahal nga Kongresista nga si Pacquiao, para matagaan ang aton munisepyo sang mga amo sini nga klase nga mga proyekto halin sa aton gobyerno. Gani wala ako sang nakita nga rason kung nga-a indi ta man pagsuportahan kag ibalik sa aton Kongresista ang iya kaayo pinaagi sa pagsuporta sang iya asawa nga si Jinkee nga karon nagapapili para sa pagka-bise gobernadora sang probinsiya,” ani Constantino.
Sa kasalukuyan ay nangunguna sa ngalan ng progreso ang bayan ng Malungon sa buong lalawigan dahil sa mga namamayagpag nitong mga programa sa Edukasyon at Pangkalusugan, lakip na ang naghaharing katahimikan sa buong kabayanan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment