Monday, April 8, 2013

COYUGG, SK Federation bubuhos ng suporta para sa administrasyon

COYUGG feed-a-child program – Brgy Capt. Ruben Penol contentedly looks on while Concerned Youth United for Good Governance organization founder, Atty. Ma. Theresa D. Constantino serve children of Brgy. Banahaw with nutritious Filipino congee ‘arroz con caldo during a mass feeding program in Malungon, Sarangani Province. (File photo-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Bangsa Moro/UNICEF advocacy on educationGandhi Kinjiyo, regional monitoring and evaluation officer of the Bangsamoro Development Agency, give lectures to children and their guardians amid a Bangsa Moro-UNICEF advocacy program Thursday (April 04, 2013), during a local government's weekly ‘Lingap sa Barangay’ program in Brgy. Talus, Malungon, Sarangani Province. (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani – Nagbigay ng matibay na deklarasyon  ang dalawang mga pangunahing grupo ng mga kabataan sa bayang ito hingil sa kanilang mahigpit na pagsuporta para muling pagkahalal sa pwesto ng kasalukuyang alkalde, sampu ng mga kasamahan nito sa konseho sa darating na eleks’yon. 
             Sa pagharap sa libo-libong mga taga-suporta ng grupong People Champ Movement noong araw ng Lingo ay hayagan na ipinaabot ni SK Federation vice chairman Earl Jared Galvez ang umano’y matibay na pagsuporta ng kanilang grupo sa kandidatura ni incumbent at last termer Mayor Reynaldo F. Constanino, dahil sa nakitang pagbabago, progreso at magandang liderato sa loob ng may anim na taong pangangasiwa nito sa lokal na pamahalaan.
              “Marami na po tayong nakikita na mga makabuluhang pagbabago ngayon na noo’y sinasabing 'napakasalat' na tanawin dito sa bayan. Mga pagbabago na alam namin na napakalaki ng maaring maidulot 'di lamang para sa kinabukasan at kaayusan ng buhay naming mga kabataan, kundi maging sa mga naghihikahos naming mga kababayan na naninirahan sa mga liblib na bahagi ng mga kabundukan,” ang pamamahayag ni Galvez. 
                Samantala, seryoso rin sa kani-kanilang paniniwala ang may 2, 000 m’yembro ng grupong Concerned Youth United for Good Governance (COYUUG), na malaki ang nagawa ng administrayon ni Constantino para sa kapakanan ng mga kabataan lalo na sa edukasyon. 
            Ayon sa ulat, maliban sa taon-taon na pagtaguyod  ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng lokal na pamahalaan at ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE), aabot na rin umano sa may P5-M piso ang pondong nilalaan ng lokal na pamahalaan bilang suporta sa humigit-kumulang 517 na mga estudyanteng benepisaryo ng Educational Assistance Program (EAP).
Ayon kay COYUGG founder Atty. Ma. Theresa Constantino, anak ni Mayor Constantino, maliban umano sa dalawang scholars na ngayo’y nasa medical proper na ng kursong medisina sa lungsod ng Cebu, umaasa ang mga lideres ng mga kabataan na sa pamamagitan ng tulong pinansiyal na natatangap ng bawat mag-aaral bawat taon (P5, 000/ semester) ay makabubuo na ng sapat na bilang ng mga professionals ang bayan bago pa man tuluyang magtapos ang kabuunang termino ni Constantino sa taong 2016.  

Sinasabi rin na noong mga nakaraang eleksiyon ay naging dahilan ang COYUGG para makakalap ng mahigit 4, 000 na boto si Constantino mula sa grupo ng mga kabataan. Bagay na nakapagtala din ito (Mayor Constantino) ng may pinakamataas na kalamangan sa lahat ng mga kumandidato sa pagka-mayor mula pa ng maitatag ang bayan ng Malungon noong dekada ’70.

“It is because my father acknowledges that the youth of today has its vital role in nation building. That is why we encourage every member of COYUGG to work hand in hand for the development of the community in the society at large, and build better relation to those living in upland villages through mass feeding programs, donation of toys and used clothing, that are usually useful and important for those who needs it most,” dagdag pa ni Tessa. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment