Thursday, April 18, 2013

'Wala ko'y laing gisuportahan luwas sa partido' - Jinkee Pacquiao



First Ladies in tandem for a cause – Sina PCM campaign manager Roselyn (front left), maybahay ni Mayor Bong Constantino (L), at vice gubernatorial bet Jinkee, asawa ni (uncontested) Rep. Manny Pacquiao habang magkaakbay na tinatahak and daan papunta sa entablado noong araw ng b’yernes (April 12, 2013), sa gitna ng isinagawang pagtitipon ng People’s Champ Movement sa Bgry. Malalag Cogon, Malungon, Sarangani Province. Makikita din sa bandang kanan sina UNA-PCM mun. councilor reelectionist Joseph Calanao at aspirante sa pagka-konsehal na si Mark Henson Villareal. (Mark Eudela – MALUNGON INFORMATION OFFICE).

PCM rally in Malalag Cogon – Si People’s Champ Movement (PCM) vice gubernatorial candidate Jinkee, maybahay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao habang mainit na kinakamayan nito ang mga dumalo noong araw ng b’yernes (April 12, 2013) sa isinagawang PCM sortie sa Brgy. Malalag Cogon, Malungon, Sarangani Province. Makikita din sa larawan sina (L-R) Mayor Reynaldo F. Constantino, maybahay nitong si Roselyn (PCM local campaign manager) at kasamahan sa partido na si reelectionist councilor Joseph Calanao (rear side) habang sinasabayan si Ms. Pacquiao patungo sa entablado. ( Mark Eudela – MALUNGON INFORMATION OFFICE).

UNA-PCM sign – A listener to the recently held People’s Champ Movement sortie flashes the UNA-PCM sign in front of popular pinoy singer- balladeer Max Surban, as Pacquiao-led candidates (L-R) for mun. councilor Nene Espinosa-Santos, board member Armand Guili and Cesar Nallos, councilors Edelberto Yuzon, Benjamin Guilley, Ben Santos and Mario Tan, Mayor Reynaldo F. Constantino, vice gubernatorial bet Jinkee Pacquiao, vice-mayoralty aspirant Jessie Dela Cruz, councilors Joseph Calanao, Mark Henson Villareal and Mariano ‘Jun’ Escalada looks on in front of a the huge crowd in Brgy. Malalag Cogon, Malungon, Sarangani Province. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – Patuloy na lumalakas ngayon ang nakukuhang suporta ni Jinkee, maybahay ni (uncontested) Rep. Manny Pacquiao dito sa bayan, sa gitna ng ayon pa’y patuloy na paggamit ng pangalan nito ng ilang mga nasa kabilang partido para makakalap lamang ng boto sa darating na halalan ngayong buwan ng Mayo, 2013.  
                
Gayon pa man, sa gitna ng kampanya ay patuloy na ikinakaila ito ni Jinkee, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-bise gubernadora ng lalawigan ng Sarangani.
                
“Dili jud nako kana ugali labi na sa nakita pud nako nga pagpaningkamot sa akong mga kapartido para sa akong kandidatura ug kadaugan, “ ang mahigpit na tugon ni Ms. Pacquiao sa isinagawang rally ng PCM sa Brgy. Banate at Malalag Cogon, na tinataguriang balwarte si PCM candidate for board member Cesar Nallos sa hilagang bahagi ng Malungon.
            
Sa ilang araw na paglilibot nito sa pangunguna ni Mayor Bong Constantino na siyang ehekutibo bise presidente ng grupong PCM ay makikita na naging kampante si Jinkee dahil sa mainit na pagtangap sa kanya ng mga residente sa halos saan mang panig ng kabayanan.

Ayon kay Jinkee, bilang may dugong Blaan na tulad ni Constantino ay gagawin din nito ang lahat para sa ikagaganda ng estado sa buhay ng mga maliliit na mamamayan, lalo na yaong mga namumuhay sa mga malalayong bahagi ng kabundokan.

Aniya, kabilang sa kanyang plataporma de gobyerno ay ang pamamahagi ng mga samot-saring pagkakakitaan ng mga kababaihan at pagsulong ng mga karagdagang proyekto bilang suporta sa adhikain ng asawa nitong kongresista na matulongan ang mga Sarangans.

Kasama ni Ms. Pacquiao na nagpapapili ngayong halalan ay sina incumbent-reelectionist Mayor Constantino, vice-mayoralty candidate Jessie Dela Cruz, incumbent vice mayor Benjamin Guilley na ngayo’y nagpapapili sa pagka kosensehal matapos ang kanyang huling termino, kagawad reelectionists Joseph Calanao, Mariano ‘Jun’ Escalada, edelberto Yuzon, Mario Tan at Ben Santos. Kasama din ng nasabing grupo sina municipal kagawad aspirants Nene ‘Tibang’ Santos at Mark Henson Villareal.  

Ang mga tumatakbo sa pagka-board members para sa segundo distrito (Glan, Malapatan, Alabel at Malungon) ay sina incumbent PCM board members Virgilio Tobias, Eugene Alzate, Hermie Galzote - at sina SP ex-officio Armand Guili, kabilang na rin si dating konsehal Cesar Nallos na pawang mula sa bayan ng Malungon.  (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment