Thursday, April 18, 2013

‘Di corrupt si Rep. Pacquiao, siya ang gina-corrupt! – Constantino



Trillo ‘rocks’ PCM sortie in Mal’gan – Halos di magkamayaw ang libo-libong taga-suporta ng grupong People’s Champ Movement sa biglaang pagsipot ng kilalang aktor na si Dennis Trillo para ipakita ang kanyang suporta sa kandidatura ni Jinkee (seated center), asawa ni Rep. Manny Pacquiao na nagpapapili para sa pagka-bise guberanadora, sampu ng mga kasamahan nito sa pamumuno ni Mayor Bong Constantino sa isinagawang PCM rally noong Linggo ng gabi (April 14, 2013) sa Brgy. Malandag na sinasabing balwarte ng mga Constantinos sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. Makikita din sa larawan (seated L-R) sina Gng. Roselyn, may bahay ng alkalde na siyang tumatayo bilang campaign manager ng PCM sa bayan, municipal councilor aspirants Ben Santos, Joseph Calanao, Mario Tan, Benjamin Guilley, incumbent-reelectionist Mayor Constantino, vice gubernatorial bet Jinkee Pacquiao, uncontested aspirant for governor Steve Solon, vice mayoralty candidate Jessie Dela Cruz, at sina Edelberto Yuzon, Mariano ‘Jun’ Escalada at Mark Henson Villareal na pawang tumatakbo rin sa pagkakonsehal. For more information, please visit malungon.blogspot.com (Mark Eudela – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
  

A poise of confidence – (L-R) Sina Mayor Bongbong Constantino, maybahay nitong si Roselyn na tumatayong People’s Champ Movement campaign manager, Jinkee Pacquiao, asawa ni Rep. Manny Pacquiao  na kumakandidato  sa pagka-bise gubernadora ng lalawigan, at Association of the Barangay Captains (ABC) president Delia Figueroa-Constantino na ina ng alkalde sa isang masayang paguusap matapos ang isinagawang rally na dinaluhan ng may ilang libo katao noong araw ng Linggo (April 14, 2013) sa Brgy. Malandag na sinasabing balwarte ng mga Constantinos sa Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).


Proud to be Sarangan – Taas noong ipinagmalaki ni Jinkee, asawa ni Rep. Manny Paquiao na kumakandidato sa pagka-bise gubernadora ng Sarangani, ang pagiging isang Sarangan na may dugong ‘Blaan’ sa harap ng libo-libong mga residente noong Linggo ng gabi sa Brgy. Malandag, balwarte ni Mayor Bong Constantino (seated center) sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. Makikita din sa larawan sina (from left) PCM campaign manager Roselyn na maybahay ng alkalde, candidates for councilor Ben Santos, Joseph Calanao, Mario Tan, Benjamin Guilley, Jessie Dela Cruz na kumakandidato sa pagka-bise mayor, Nene ‘Tibang’ Espinosa-Santos, Mariano ‘Jun’ Escalada at Mark Henson Villareal. For more information, please visit malungon.blogspot.com (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



MALUNGON, Sarangani – Ito ang matatag na mga salitang binitiwan ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino sa harap ng libo-libong tagasuporta sa isinagawang pagtitipon ng People’s Champ Movement (PCM) kamakailan lang sa tinataguriang ‘balwarte’ ng mga Constantinos sa Brgy. Malandag, Malungon, Sarangani Province.
                
Sa harap ng mga nahihiyawang kababayan ay walang pagaatubili na enendorso din ng alkalde ang maybahay ni Rep. Manny Pacquiao na si Jinkee Jamora-Pacquiao, para sa pagpapapili nito bilang bise-gubernadora ng lalawigan, na sinabayan ng una ng pagbalik-tanaw sa lahat ng mga ayon pa'y nagawa ng malapit na kaibigang Kongresista kahit pa man noong wala pa ito sa pulitika, para sa kapakanan at progresibong pamumuhay ng mga Malungonians.
                
“Amo gani nga gintinguhaan ko gid nga masunod ang tanan nga gusto matabo nga kabag-uhan sang akon amigo (Rep. Pacquiao) para mapakita sa iya nga wala ko ginsayangan ang ginhatag nya sa akon nga pabor para makadalagan liwat sa pulitika sadtong 2007. Ini amo ang paglikaw sa mahigko kag dinamak nga klase sang pulitika, kag ang paghatag sang nagakaigo nga serbisyo publiko para sa katawhan sang Malungon, hilabi na gid sa mga pobre ko nga mga kauturan nga yara nagapuluyo sa mga matag-as nga parte sang mga kabukiran,” ani Constantino.
     
Sinabi ni Constantino na ang pagtakbo ni Jinkee Jamora-Pacquiao para sa pagka-bise gubernadora ng lalawigan ay isang maliwanag na palatandaan lamang na nais ng mag-asawang Pacquiao na mabigyan ng nararapat na serbisyo publiko ang mga Saragans, at mapabilis ang pag-asenso ng nasabing lalawigan.
               
 “Gani sa nakita ko nga pagserbisyo sang aton Kongresista, wala gid ako nagapati sang ginasiling sang iban nga corrupt and administrasyon ni Rep. Pacquiao. Kay ang matuod-tuod sina, siya ang gina-corrupt sang pipila ka mga tawo nga gintagaan sini sang tuman nga pagsalig. Nagkalain-lain nga klase sang mga tawo indi lamang atong yara sa pulitika, kundi magin yadtong mga naga reprisentar sang naglain-lain nga katilingban nga nagapakuno-kuno nga paga-tabangan ang Kongresista para sa kaayuhan sang tanan. Tungod sini, wala kita sang rason para indi naton pagsuportahan si Jikee sa pagkabise-gubernadora kay ini sila, nahibal-an naman naton nga nagagasto sang ila personal nga kwarta para lamang makabulig sa mga kabos kag nanginahanglan, bisan pa man gani didto sa mga indi taga diri sa aton lalawigan,” ani Constantino.  
          
Matatandaan na kasunod ng pagkatalo noong 2004 elections ay muling nakabalik sa pulitika si Constantino matapos muling patakbuhin ni Pacquiao at manalo laban kay dating Mayor Teody Padernilla noong taong 2007. Sa unang pagkakataon ay nagwagi ito (Constantino) sa di kalakihang kalamangan na ayon pa'y nasa humigit-kumulang 1, 800 na boto lamang.
                
Dahil sa patuloy na suporta ni Pacquiao at ipinakita na magandang liderato ni Constantino, sa muling inkuwentro-pulitikal ay lumamang na ito ng may 12, 000 na boto laban kay Padernilla noong taong 2010. Bagay na nakapagtala ng may pinakamalaking kalamangan sa eleksiyon mula ng maitatag noong dekada '70, ang bayan ng Malungon.
                
Dahil sa magandang liderato at patuloy na suportang nagmumula sa Kongresista at Provincial Government sa pangunguna ng kasalukuyang gobernador na si Gov. Miguel Dominguez ay umangat mula sa dating kulelat na pwesto ang naturang bayan, na ngayo'y patuloy na namamayagpag sa ngalan ng progreso at katahimikan sa buong lalawigan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment