Wednesday, April 27, 2011

NDL batch ’75 ngayon, makalipas ang 36 na taon!



Grand Reunion – Masayang nakipagbiruan si Mayor Reynaldo F. Constantino (2nd-L) ng Malungon, Sarangani sa mga dating kaklase sa Notre Dame of Lagao, sa kanilang muling pagsama-sama makalipas ang may 36 na taon sa Family Country Homes and Convention Center, Gen. Santos City.  (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).







Classmates batch ’75 – Masayang nagkita-kita ang may 74 na mga dating magka-klase sa Notre Dame of Lagao (Batch ’75) kasama si Mayor Reynaldo “Bong” Constantino (5th -L) sa isinagawang reunion na may temang: “we’re still alive and kicking,” sa Family Country Homes and Convention Center, Gen. Santos City. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      
----------------------------------------------------------------------------------------------

GENERAL SANTOS CITY – Muli’y pinatunayan ng Notre Dame of Lagao batch ’75 ang kanilang matibay na samahan noong araw ng Lingo sa gitna ng isang grand reunion na may temang “we’e still alive and kicking,” sa Family Country Homes and Convention Center dito sa naturang lungsod. 

Ang pagtitipon ng 74 na mga dating magkaklase ay ‘di lamang nagbigay-daan para mabuksan muli ang mga masasayang alala ng nakaraan, kundi maging nakagawian nang  pagbibigayan at pagtutulungan sa mga higit na nangangailangan.   

“This get-together is a result of our December 2011 gathering where Mayor Bong Constantino brought out the idea of a reunion after our last meeting some 11 years ago. It’s quite a long time, with us a bit comprehensive of our slowly diminishing number, though it is not so alarming yet. A reminisces of our good classmates who passed away, and to those who would like to come but could not able to do. So this event was designed as a real memorable one, as we revive the spirit of camaraderie … for us to enjoy our remaining  time prior to the day that shall never come,” ang pabirong sinabi ni Victor Tiongson na siyang president ng mga magkaklase.   

Sa isinagawang pagtitipon ay isa si Constantino sa sentro ng mga biruan mula sa kaklase’t dating mga magtuturo, ‘di lamang dahil sa naitulong nito para sa kaganapan ng pagtitipon, kundi maging sa mga ipinagbago nito mula sa dating pasaway na estudyante patungo sa pagiging alkalde ng isa sa mga pinakamalaking bayan ng Sarangani.

Ayon sa teacher nito na si Gng. Sophia Bascon-Insoy, ang mga pagbabago sa buhay ni Constantino ay isang ehemplo na dapat lamang sundin ng mga mag-aaral lalo na yaong mga may “kapilyohan” sa klase.

“The kind of a Notredamian is really being lived-out by the mayor from a former happy-go-lucky guy during his days in high school. Today, his matured ways and being a  good leader of Malungon town is of great  pride for us teachers,” ani Mrs. Insoy.

Naging madamdamin naman sa kanyang ibinigay na mensahe si Constantino habang pilit nitong sinasariwa ang ilang tagpo ng nakaraan. 

“I have nothing to be proud of for I myself was even a victim of various political prosecutions, condemnation, trials and failures before I anchored to where I am these days. Yet, one lucky thing I did... was when I let dear God design my life specifically during my hardest trials,” ani Constantino, habang muli nitong sinariwa ang naging “tula” nito sa panahon ng kanyang pagsasanay na ayon pa'y nagsilbi ring inspirasyon sa kanyang buhay.

“Life is a Warfare: a warfare between two standards: the Standard of Christ and the Standard of Satan. It is a warfare older than the world, for it began with the revolt of the angels. It is a warfare wide as the world; it rages in every nation, every city, in the heart of every man. Satan desires all men to come under his Standard, and to this end lures them with riches, honors, power, all that ministers to the lust and pride of man. Christ on the contrary, invites all to fight under His Standard. But He offers no worldly allurement; only Himself. Only Jesus; only the Son of Man; born an outcast, raised in poverty, rejected as a teacher, betrayed by His friend, crucified as a criminal. And therefore His followers shall not be confounded forever; they are certain of ultimate victory; against them, the gates of Hell cannot prevail. The powers of darkness shall splinter before their splendid battalions. Battle-scarred but resplendent, they shall enter into glory with Christ, their king. Two armies, two Standards, two generals… and to every man there comes the imperious cry of command: Choose! Christ or Satan? Choose! Sanctity or Sin? Choose! Heaven or Hell? And in the choice he makes, is summed up the life of every man,” ang talumpating muli ay ipinarinig ni Constantino sa mga kaklase na minsa’y naging tagapakinig nito may 36 na taon na ang nakaraan sa naturang pamantasan. 

Ang ilan sa mga naging prime movers para sa kaganapan ng naturang reunion ay nakilalang sina: Antonio Niduelan, Lucy de Castro, Susan Tan, Willie Leoncio, Danilo Gomez, Ressie Yumang, Mayflor Maamo, Gliceria Villafuerte, Roland Aquino, Genevieve Diestro, Hazel Aparente, Rosita Taperia, Ramon Asuero, Patricio Cerera, Elvi Bensonan at Marichu Beronilla. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

Bagong sestima laban sa kalamidad, inilunsad!



Ahead of time - Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng bagong tatag na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang di umano’y mga epektibong pamamaraan para maiwasan ang anomang trahedya na maaaring idulot ng mga di inaasahang kalamidad sa bayan ng Malungon, Sarangani. Makikita sa larawan sina (2nd R) Kag. Mariano Escalada na siyang may akda ng SB resolution no. 11-2010-033 at chairman ng committee on Family and Social Services, (L-R) Mildred Bautista (MSWDO), P/CInsp. Alvin Martin (COP-PNP), MTO Nimfa Figueroa, Mun. Engr. Rodrigo Palec, MENRO Bert Allaga, BFP marshal Tito Young at ABC-Pres, Delia Constantino na pawang mga meyembro ng MDRRMC. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
        

MALUNGON, Sarangani – Mas binigyan ng diin ngayon ng lokal na pamahalaan na pagtibayin ang katatatag pa lamang na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na siyang tututok para mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga mamamayan laban sa mga trahedyang dala ng mga di inaasahang kalamidad.

Ayon kay Mun. Councilor Mariano Escalada, may akda ng naturang resolusyon at chairperson ng committee on Family and Social Services, ang MDRRMC ay binubuo ng mga opisyales na mula sa iba’t-ibang sangay ng lokal na pamahalaan tulad ng MMO, PNP, MSWD, MTO, MEO, BFP, MHO at ng MENRO.

“The council was formed for local officials to strategize, prepare and ensure risk reduction specifically during the occurrence of any natural or manmade calamity,” ani Escalada.

Ani Escalada, kasama sa pagtutuunan ng pansin ng MDRRMC ay ang mahigpit na  pagpapatupad ng environmental rules, mga bagay na dapat baguhin sa ilalim ng rural-urban mitigation patterns, human settlement, at mas malalim na pag-aaral sa pagpagawa ng patubigan, irigasyon at mga kakailanganing power generation resources.

“The new law will also integrate disaster risk reduction education in school curricula at the secondary and tertiary levels, national service training programs and the Sangguniang Kabataan. Aside, there will be mandatory training in DRR for public sector employees including those in formal and non-formal, vocational, indigenous learning and out of school youth courses and programs,” ani Escalada.  

Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang pagbuo ng MDRRMC sa ilalim ng R.A. 10121 na isang mandaturang nagpapatibay  ng Philippine Risk Reduction and Management Framework  ay isang mabisang kasagutan para mapagtanto, matutukan at mahanapan ng mga akmang pamamaraan ng LGU ang mga pinagmumulan ng  trahedya o sanhi ng kalamidad bago pa man ito  tuluyang tumama sa kabayanan. 

“With the creation of MDRRMC, we could able to motivate effective response to calamities rather than picking up the pieces after the catastrophe. Tungod kay ang mahimo nga obligasyon sini nga grupo amo ang mangita sang mga pamaagi para mahilayo ang aton nga mga katawhan sa disgrasya hilabi na gid sa panahon nga may ara sang kalamidad. Amo gani nga mas maayo gid nga preparado kita kaysa mag hulat pa sang trahedya para lang magamit naton ang aton quick response team. It is because I firmly believe that prevention is always better than cure. ” dagdag pa ni Constantino. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

Tuesday, April 19, 2011

Malungon, gagawing Defense Center ng ARESCOM!




ARESCOM Defense Force – Si Mayor Reynaldo F. Constantino, president ng Sarangani-League of Municipal Mayors (gitna), sa isang masinsinang pag-uusap kasama sina (pangalawa sa kaliwa) 2nd Lt. Mervin Rosal, exec-officer ng 1205th CDC (Arescom), S/Sgt. Jose Noe Lozada at mga mamamahayag na sina  Joseph Jubelag at Anton Teruel kasunod sa pag-apruba ng alkalde ng isang malawakang Special Basic Community Military Training (SBCMT) na gagawin ng ARESCOM at ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      
 
MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ang mataas na pila ng mga mamamayan na nagnanais maging reserbadong kawal ng  1205th (Sarangani) Community Defense Center  ng Hukbong Sandatahan sa ilalim ng 12th RDDC Army Reserve Command (Arescom) matapos aprubahan ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang naturang proposisyon kahapon.

Ayon sa ulat ay magiging “pilot project” umano ng naturang proyekto ang Malungon matapos mapapayag si Constantino na dito ikakasa ang unang pagsasanay ng may 125 na aplekante o maaring hihigit pa, para magsilbing taga-mentina ng katahimikan.           

“After the training, the trainees shall be enlisted into the Reserve Force of the AFP, and be designated as the DRRO Unit to be stationed at the sponsoring municipality or city. The training shall be conducted effective upon the approval by our Headquarters in the Philippine Army, “ ani 2nd Lt. Mervin Rosal, na siyang exec-officer ng 1205ht CDC, 12RCDC Army Reserve Command na naka-base sa Purok Asinan, Buayan, Gen. Santos City.

Ayon kay Rosal,  isa sa mga pangunahing konsepto ng nasabing programa ay ang pagsagawa ng special basic community military training (SBCMT) sa bawat munisepyo. Ito aniya ay gagawin sa loob ng 15 sunod-sunod na araw ng Lingo at Sabado o thirty days. Kasama aniya sa gagawing pagsasanay ang may 11 araw o 88-training period na tututok sa iba’t-ibang kaalaman hingil sa militar; 12 at kalahating araw o 100-training period tungkol sa environment protection; at anim at kalahating araw o 52-training period na inaasahang magpapatingkad sa kaalaman ng mga nagsasanay hingil sa Disaster Emergency Assistance Relief and Rescue Operations.

“Everybody is welcome provided that trainees must be residence of the sponsoring municipality. The approval of their application will be selected by the LGUs and 1205CDC, 12RCDC, ARESCOM. A minimum of 125 trainees will be accepted in every class. Trainees must be Filipino Citizen; Physically and mentally fit for military training; at least elementary graduate; Non-reservist; and at least 18 years old but not more then 45 years old,” ani Rosal, na lalong sumigla matapos sabihin ni Constantino na pumapayag ito na maging “pilot project” ng naturang programa ang kanyang munisipyo.       

Sinabi din ng alkalde na personal nitong hihilingin ang suporta ni Rep. Manny Pacquiao na isa ring reserbadong opisyal ng AFP, para madaling mapalawak  ng Arescom ang programa sa iba’t-ibang bayan ng Sarangani.  

“Napakalaking tulong nito para sa preserbasyon ng katahimikan sa bawat kabayanan kaya’t wala akong nakikitang dahilan para ‘di ko suportahan ang programang ito,” ani Constantino.
 
Aniya, bilang president ng Sarangani-LMP ay ipapaabot din ni Constantino sa mga kasamahang mayores ang pagdating ng Arescom sa Malungon para mapag-isipan din umano ng mga ito ang kagandahan at proteksiyon na maaring ibigay ng naturang programa ng AFP sa kani-kanilang mga bayan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

Monday, April 18, 2011

Tamang preserbasyon ng kapaligiran, ipinatupad sa Brgy. Kawayan



“Lingap” sa Kawayan – Si MHD Dra. Jean Galay (kanan) habang abala sa pagbubunot ng ngipin ng mga kabataan sa isinagawang “Lingap sa Barangay” noong araw ng Huwebes ni Mayor Reynaldo F. Constantino sa Brgy. Kawayan, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).   
 
MALUNGON, Sarangani – MAHIGPIT na ipinapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ang tamang segregasyon at pagtapon ng basura sa buong bayan bilang isang epektibong pamamaraan ng maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng isang malinis at malayo sa sakit na kapaligiran.

Sa pangalawang “Lingap sa Barangay” program ng LGU para sa kasalukuyang taon ay muling nagbigay ng kautusan si Mayor Reynaldo F. Constantino sa mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) para ipaabot sa mga mamamayan at opisyales ng Brgy. Kawayan, Malungon North District ang mga tamang pamamaraan sa pag-implimenta ng “appropriate discharge and segregation of solid waste,” kasabay sa pagpaalala ng mga pangunahing alituntunin sa pag-protekta ng kalikasan.

Matatandaang kamakailan lang ay mismong si Constantino ang nagbigay ng derektiba sa MENRO para mapabilis ang paglipat ng dating dumping site o tambakan ng basura na nakahimlay malapit sa motor pool area ng Brgy. Poblacion patungong  Sitio Nanima, para umano mailayo ang mga mamamayan sa “sakit” na sanhi ng maruming kapaligiran.

“Nakahibalo man gid ang tanan nga ang numero uno nga ginahalinan sang lain-lain nga mga sakit amo ang mahigko nga palibot, panginawi kag kapabayaan sa paglimpyo sang aton kaugalingon nga ugsaran. Gani sayang lang ang aton ginagahin nga dako nga pondo para sa aton medical care kung pabay-an ta ini nga sestima,” ani Constantino na laging namumuno sa pag-akyat ng LGU sa mga kabukiran para personal na makita nito ang totoong kalagayan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito ay nagbigay din ng mahigpit na kautusan si Constantino kay MENRO Bert Allaga laban sa iligal na pamumutol ng kahoy at maling sestima ng pagtatanim (kaingin system) sa kagubatan.

Ayon naman kay Allaga ay gumagawa ng iba’t-ibang hakbang ang kanyang pamunuan para matugunan ang mga direktibang ipinalabas ng lokal na pamahalaan.   

Kasama sa isinagawang “Lingap” ay ang pagbibigay ng Muncipal Health Office (MHO) ng libreng kunsultasyon at gamot sa mga may-sakit lakip na ang circumcision (tuli) at pagbunot ng ngipin.

Sa naturang pagtitipon ay masaya ring ipina-abot ng alkalde ang umano’y nalalapit na tulong para sa ibayong kalakasan ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng Departamento ng Edukasyon ng karagdagang 10 elementary at secondary schools sa nasabing bayan. (MIO-Malungon/ ippalma).

Friday, April 15, 2011

Sarangani Big Brother, inilunsad sa Malungon!



Big BrotherMatagumpay na nailunsad noong araw ng Martes ang programang Sarangani Big Brother  (SBB) ng Provincial Government, DepEd, Panlalawigang Federasyon ng Sangguniang Kabataan, Alcantara Foundation Inc. at ng lokal ng pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani. Makikita sa larawan sina Mayor Bong Constantino (2nd R) at sina LGU Admin-officer IV Bienvenida Llego at SBB program manager, Annalie Edday. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).    
 
 
MALUNGON, SaranganiTinatantiyang aabot sa mahigit-kumulang 100 na mga boluntaryong magtuturo ang dumalo noong araw ng Martes, sa  pormal na pagbubukas ng programang Sarangani Big Brother (Season VI) ng probinsiya’t lokal na pamahalan dito sa bayan.
 
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang SBB ay unang inilunsad ng provincial government at ng Panlalawigang Federasyon ng Sangguniang Kabataan noong taong 2008 para maging kaagapay ng Departmento ng Edukasyon sa pagtuturo ng wastong sestima ng pagbabasa sa mga estudyante ng una at ikalawang ba’ytang sa mababang paaralan.   
Datapwat hindi nakadalo ang inaasahang 120 volunteer teachers  sa pagbubukas ng naturang programa ay naging masaya’t matagumpay naman ito sa pangunguna ng alkalde ng bayan, SBB program manager Annalie T. Edday at ni  LGU Admin officer IV, Bienvenida G. Llego.  
Ayon kay Constantino, ang muling pagbukas ng SBB ngayong bakasyon sa ilalim ng temang: "Engaging oneself as Big Brother or Big Sister to help Sarangani kids ready for the opportunities in the future" ay isa na naman umanong malaking tulong para sa mga taongbayan dahil kaalinsabay din ito sa mga pangunahing programa ng kanyang administrasyon.
“Dungan sa pag-abri sang SBB nga naga-hatag sang dako nga pabor sa aton mga kabataan nga naga-eskuwela sa elementarya amo ang pag-lunsar man sang aton nga Alternative Learning System nga kon diin kapin sa 100 ka mga opisyales sang nagkalain-lain nga mga barangay ang nagpartisipar. Liwan pa sini nga mga programa, may ara pa gid kita sang 517 ka mga estudyante sa kolehiyo nga ginapa-eskuwla sang aton LGU subong sa idalom sang Educational Assistance Program sang gobyerno. Gani, daw naga-amat na sang tin-aw ang akon handum nga madamo ang matagaan sang nagakaigo nga edukasyon diri sa banwa sang Malungon bag-o man lang matapos ang akon termino diri sa aton lokal nga pangamhanan. Kay nagpati gid ako nga ang igo nga kaalam kag maayo nga klase sang trabaho ang toud-tuod nga dalan para makalingkawas kita sa kapobrehon,” ani Constantino.   
Ayon  kay Gov. Miguel A. Dominguez, ang SBB ay isang programa na maliban sa pagtuturo ng wastong pamamaraan sa pagbasa ay nagbibigay din ito ng malinaw na ehemplo ng boluntarismo sa panig ng mga volunteer teachers.
Kaugnay nito ay nanawagan din ang gobernador sa mga magulang na suportahan at bigyan ng sapat na pansin ang pagpasok ng kani-kanilang mga anak sa mga nakatalagang SBB remedial classes sa buong lalawigan.  (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

Tuesday, April 12, 2011

Mahigit 100 barangay officials, “balik-eskuwela” sa ALS





ALS Salvo – Makikita ang pananabik at interes sa pagmumukha ng may 120 barangay officials at lokal na mamamayan na nagsisikap humabol ng kaalaman sa pamamagitan ng programang Alternative Learning System (ALS) ng lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng administrasyong Constantino sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      

MALUNGON, Sarangani – NAGING kapana-panabik para sa humigit-kumulang 120 opisyales na mula sa 31 barangay na bumubo ng naturang bayan ang muling pagbalik-eskuwela sa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS) na inilunsad kahapon (Martes) ng lokal na pamahalaan.      
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang ALS ay sadyang denisenyo ng Departamento ng Edukasyon para makapagbigay ito ng pagkakataon na makapag-aral muli ang mga di nakapagtapos sa pamamagitan ng community-based education program.
“This program for illiterate out of school youths, children, adults and even the literates who have not completed their 10-year basic education is of great help especially to our barangay officials who are the tasked planners of our local communities. Aside from being good leaders today, at least, maayo gid atong nakahibalo sila magsulat kag magbasa bilang mga lideres para makapartisipar ini sila sang maayo hilabi na sa pag-indusar sang mga balaud kag kung ano pa man nga mga kaayuhan para sa ila lugar sa  panahon sang pagtililipon sang mga matag-as nga opisyales sang gobyerno,” ani Constantino, na malaki ang paniniwalang matiwasay na makapagtapos ang lahat ng mga opisyales nito.      

Ayon sa programa, maari din umanong makiisa dito ang mula 15 taong gulang na hindi pa nakapag-aral sa anomang pamantasan lakip na yaong mga nagsipaghinto ng pag-aaral sa elementarya at mataas na paaralan.

“Isa ito sa pinakahihintay ko na programa ng ating pamahalaan dahil sa hangarin ko na maging edukado at makakuha ng kani-kanilang mga kurso ang karamihan sa aking mga nasasakupan. Dahil naniniwala ako na ito lamang ang taging daan para makaahon sila sa kahirapan pagdating ng takdang panahon,” dagdag pa ni Constantino, na kasalukuyan ay may pinapaaral din na 517 mga student scholars sa ilalim ng LGU-Educational Assistance Program na kung saan ayon pa’y gumagastos din ang pamahalaan ng mahigit-kumulang sa P10M bawat taon para sa mga allowances ng mga naturang magaaral na pawang nasa kolehiyo. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

Kasalang Bayan ay “insurance” ng bawat tahanan - Constantino



Legal kisses – (L-R) Brgy. Capt. Eusebio Moral, Mayor Bong Constantino and local civil registrar Lydia Erasmo contentedly looks on as newly-wed Juvie and Narcissa Tulop, one of the 27 couples who recently participated the “Kasalang Bayan” program of the local government, exchange sweet kisses in Brgy. Kinabalan, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

 
MALUNGON, Sarangani - Muling pinaalalahanan ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang mga mamamayan na sa bisa ng “Kasalang Bayan” ay nalalagay sa siguro ang bawat tahanan na makamtan nito ang samo’t-saring benepisyo na nagmumula sa lokal na pamahalaan.   

Ayon kay Pastora Tessie Sugabo ng Evangelical Christian Outreach Foundation Inc. (ECOFI) at tumatayong tagapagsalita ng lokal na pamahalaan para sa tribong Taga-Kaulo at B’laan, ang patuloy na paglobo sa bilang ng mga nakikibahagi sa programang ito na umabot na maging sa mga kasulok-sulokang bahagi ng bayan ay isang malinaw na indekasyon lamang na natutunan na ng kanyang mga ka-tribo ang kahalagahan ng legalidad sa pagsasama ng bawat mag-asawa sa ilalim ng batas at ng simbahan.

“Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 1, 800 pamilya na dati’y nagsasama ng walang legal na basihan ang napasailalim sa naturang programa. At dahil dito, tuluyan nang namulat ang tribo sa mga maaring makamtang benepisyo sa ilalim ng ating gobyerno,” ani Sugabo.

Sa katatapos na “mass wedding” ng may 27-pareha sa Barangay Kinabalan ay muling pinaalalahanan ni local civil registrar Lydia Erasmo ang mga mamamayan at lumads na matapos ang gagawing pagiisang dibdib ay magiging bawal na ang “duwaya,” o pagkakaroon ng dagdag na asawa’t pamilya na tulad ng nakagawian ng mga meyembro ng indigenous peoples’.

Ayon kay Constantino, sa pamamagitan ng pagpapakasal sa gobyerno ay agarang makakamtan ng bawat mag-asawa ang benepisyo mula sa PhilHealth program ng kanyang administrasyon, lakip ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ni pangulong P-noy Aquino na sa kasalukuyan ay binabagi na sa may mahigit 255 kabayanan, 15 lungsod at may 45 lalawigan sa buong bansa.

“Nakita ta kung ano kasinsiro ang aton pang-gobyerno sa pagbulig sini sa mga pobre ta nga mga kauturan. Gani para matagamtaman ta man ini nga programa, dapat lamang nga magin legal ang aton tagsa-tagsa ka pamilya kay sa idalum sang programa nga PPPP, mahimo nga maka-avail sa sulod sang lima (5) ka tuig sang tig-P1,400 ang matag-panimalay, nga kon diin nakahibalo gid ako kung ano kadako nga bulig ini para sa aton nga mga pumuluyo diri sa banwa sang Malungon,” ani Constantino. (MIO-Malungon/ ippalma).