Wednesday, July 3, 2013

Walang makapagbabago sa samahan namin ni Mayor Constantino – Pacquiao

Assumption as new ABC president – Si Upper B’yangan Punong Barangay Reumero Geonzon sa kanyang panunumpa bilang bagong presidente ng Association of the Barangay Captains. Nanumpa si Geozon kay Mayor Bong Constantino at sa harap ng mahigit sanlibo katao bilang kapalit ni dating ABC president at Malandag Brgy. Capt. Delia F. Constantino na aakyat bilang ex-officio sa Sanggunian Panlalawigan, kasabay sa isinagawang oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyales ng lokal na pamahalaan noong araw ng B’yernes (June 28, 2013) sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
Then ABC chair-turned SP ex-officio member in Sarangani – Si Malandag Brgy. Capt. Delia Figueroa-Constantino na ina ni Mayor Reynaldo ‘Bongbong’ Constantino, sa kanyang panunumpa sa katungkulan bilang kapalit ni dating SP ex-officio Mac Perrett matapos manalo ang huli sa pagka-Alkalde sa bayan ng Maitum. Ang panunumpa ay binigyang daan ni outgoing Gov. Miguel Alcantara-Dominguez sa gitna ng isinagawang oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyales sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. ( Jay Galindez-KATROPA News/ ippalma).
What Migs did for Malungon – “Wag po sana ninyong kalimutan na naging bahagi din ako sa pag-unlad ng Malungon.” Ito ang iilan sa mga nilalaman ng maiksi ngunit madamdaming bahagi ng mensahe ni outgoing Gov. Miguel Alcantara-Dominguez sa mga mamamayan, sa gitna ng isinagawang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyales ng bayan noong araw ng B’yernes (June 28, 2013) sa Malandag Gym, Malungon, Sarangani Province. Para sa mga karagdagang ulat, bumisita sa malungon.blogspot.com (Jay Galindez - KATROPA News/ ippalma).

A clarion call of Friendship – Si Rep. Manny Pacquiao samantalang ibinabahagi sa harap ng mahigit ‘sanlibo katao na wala umanong makapagbabago sa samahan nila ng matalik nitong kaibigan na si Mayor Reynaldo “Bongbong” Constantino, sa gitna ng isinagawang oath taking ceremony noong araw ng B’yernes (June 28, 2013) sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. Mkikita din sa larawan sina (L-R) Councilors-elect Mark Henson Villareal, Joseph Calanao, Jun Escalada, Mayor Constantino at outgoing Gov. Miguel A. Dominguez na katatapos lamang ng kanyang 9 na taong (three consecutive terms) panunungkulan sa lalawigan. Para sa mga karagdagang ulat, bumisita lamang sa malungon.blogspot.com (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – “Walang pwedeng magbago sa samahan namin ni Mayor Constantino.” Ito ang malinaw na mensaheng ipinaabot ni Sarangani Rep. Manny D. Pacquiao sa harap ng makapal na bilang ng mga taong nagsipagdalo sa ginanap na oath taking ceremony ng mga bagong halal na mga opisyales ng lokal na pamahalaan noong araw ng B’yernes (June 28, 2013) sa Malandag Gymnasium nitong bayan.
                
Ang mga tinuran ng Kongresista ay siyang tumunaw at nagbigay kasagutan, sa mga lumalabas na haka-hakang nagkakaroon na umano ng lamat ang pagkakaibigan nina People's Champ Movement top guns Pacquiao at Constantino na siyang executive vice president ng naturang partido.
                
Dahil sa nakita na magandang samahan ng magkaibigan ay tuluyan na ring naglaho ang mga spekulasyon sa umano’y planong pagtiwalag ng alkalde sa grupo - na ayon naman sa iba’y gawa-gawa lamang ng ilang mga naging kalaban ni Constantino sa pulitika nitong nakaraang halalan.
                
“Dako gyud ang akong pagpasalamat sa pamilya Constantino ug hilabi na kang Mayor Bongbong Constantino na itinuturing ko na higit pa sa isang kaibigan. Para sa akin, si Constantino ay isa kong kamag-anak, kapatid at kapamilya. Kaya sa harapan ngayon ng maraming tao ay ipinapaalam ko na kahit hindi man kami magkita ng mahabang panahon ay matindi pa rin ang aming samahan at walang makapagpabago sa pagiging magkaibigan namin ni pare Bong,” ani Pacquiao.
               
Sinabi din ng Kongresista na naging malapit ang Malungon sa kanyang puso, dahil minsan na rin itong naging bahagi ng naturang administrasyon o lokal na pamahalaan sa pagiging LGU Tourism Chair nito noong hindi pa ito naging representante ng lalawigan.
                
“Ang kasingkasing ni Manny Pacquiao naa perme sa Malungon bisan pa atong di pako-congressman. Gani dili kita pwede magkahiwa-hiwalay kay ang maapektuhan mao ang katawhan. So maraming salamat labi na gyud sa imong but-an nga asawa pare nga si First Lady Roselyn, kay mam Delia, ug sa imong mga kaigsuonan hilabi na sa nahimong kaatbang sa akong asawa – walang samaan ng loob tungod kay ang mga tao man ang nihatag sa ilahang disisyon. So kalimtan na nato ang tanan ug magtinabangay ta kung ang atong pagtan-aw para gyud sa kaayuhan sa katawhan,” ang dagdag na tinuran ni Pacquiao.
                
Nagpasalamat din ang Congresista kay Gob. Dominguez – “kay bisag sa tan-aw ko nga mo laylo usa kini siya, kabalo ko nga magbabalik pa rin si diego salvador. Pero matagal pa naman yon ... so maraming salamat sa lahat ng mga suporta at accomplishments na nagawa mo dito sa bayan at sa probinsiya Gobernor. Maraming salamat din kay Governor-elect Steve Solon. Samahan din natin siya sa atong paghiliusa sa tumong nga kalambuan para sa tanan,” ani Pacquiao. (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment