-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DIGOS CITY – MATAPOS ang may ilang dekada nang usapin hingil sa pagtumbok ng totoong hanganan na maghihiwalay sa bayan ng Malungon, Sarangani at Kiblawan, Davao Del Sur ay inaasahan ngayon ang mabilis na solusyon ng mga itinuturong conflicted borders matapos ang isinagawang pagpupulong noong araw ng b’yernes (July 26, 2013), ng mga matataas na opisyales ng pamahalaan ng magkaratig pook sa pangunguna ni Gob. Claude Bautista, dito sa naturang lungsod.
Sa paguusap nina Malungon Mayor Reynaldo F. Constantino at Mayor Jimmy Camanero ay wala namang ipinakita na pag-aatubiling sumagayon ang huli na mapupunta sa lalawigan ng Sarangani ang may 3, 380 na ektaryang lupain (contested borderlines), na ayon pa’y pagmamayari ng bayan ng Malungon.
Isa sa mga isinumiteng ‘matibay’ na basihan ng Sarangani ay ang mapa na sinasabing mula sa kauluhang tangapan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (DENR), at ng Kawanihan ng Pamamahala sa Lupa (Bureau of Lands), na naka base sa Binondo, Manila.
Ayon kay Malungon municipal assessor Honnelyne Guilley-Toyogon ay nakatuon ang pansin ngayon ng lokal na pamahalaan na ilagay sa ilalim ng kanyang jurisdiction ang sitio Bulol Salo, na ayon sa ilang peace advocates ay naging sentro ngayon ng ilang kontrobersiya dahil sa sunod-sunod na inkuwentro ng militar at mga armadong grupo, at madugong sagupaan sa gitna ng tribong B’laan at nang mga Kristiyano dahil sa ‘clan war.’
“At least kung makukuha na ng bayan ang nasabing sitio ay mababawasan na rin ang konplekto sa mga hanganan, na lubhang nakapagpabagal sa mga nais naming ipatupad na progreso, kaayusan at katahimikan (progress, peace and order) sa mga matataas na bahagi ng barangays lalo na sa Datal Batong, Datal Bila, Malabod at Upper B’yangan, nitong bayan,” ani Toyogon.
Dahil dito ay sinabi ni Constantino na maari na umanong simulan ng lokal na pamahalaan ang pagaaral kung pano matulungan ang mga residente ng Bulol Salo, lakip na ang pagpairal ng wastong katahimikan sa naturang pook na siyang nais isakatuparan sa mga malalayong komunidad ng tribong B’laan, bago pa man tuluyang magtapos ang pangatlo at panghuling termino nito (Constantino)sa serbisyo publiko sa taong 2016.
Sinisiguro din ni Gob. Bautista na handa itong maki-isa at sumuporta sa mga proyekto ng mga karatig na bayanan lalo na sa usaping pangkatahimikan, - "para mabigyan ng magandang kabuhayan, edukasyon, at kinabukasan ang mga maralitang kababayan - lalo na ang mga kabataan." (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment