Thursday, March 1, 2012
LGU, AFP nakiisa sa PNP symbolic torch run para sa kapayapaan
MALUNGON, Sarangani – DALA-dala ang liwanag na umano’y simbulo ng kapayapaan, masiglang nakibahagi sa isinagawang ‘Torch Run for Peace” ng Philippine National Police noong araw ng Miyerkules ang mga lokal na opisyales nitong bayan, Armed Forces, non-government organizations, Philippine Boy Scouts at iba pang sektor para sa pagbabandila ng pinagkaisang hangarin na makamtan ang tunay na kahulugan ng kapayapaan dito sa Rehiyon 12.
Ayon kay Police Supt. Rolly Octavio, ang ‘torch run for peace’ ay masiglang tinagap at sinabayan ng mga mamamayan ng bayan ng Malungon at ng Armed Forces sa pamumuno nina Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino at Col. Glorioso Miranda, 1002nd Army brigade commander, sa pagdating nito mula sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Timog Kotabato at lungsod ng Heneral Santos para maiparating sa lahat ang tunay na kahulugan ng mapayapa at tahimik na pamumuhay sa panig na ito ng Mindanao.
“This is a sort of advocacy to figuratively show that we could attain lasting peace in Mindanao not through guns and violence but through unity as peace-loving citizens,” ani Octavio.
Samantala, matibay naman ang kasiguruhan na ipinarating ni Col. Miranda na ayon pa’y laging bukas umano ang hukbong sandatahan para sa anomang usapin para sa kapayapaan.
“We are maybe bounded by different faith and occupation but all in one, I believe we have of same objective. This is to live in peace, security and stability. That is why we are very supportive in the peace development outreach program or PEDOP of our government. Because it is a philosophy in the AFP to offer supplemental support to the LGU, in order them to extend more ample services to our poor brothers that are living in the isolated villages,” ani Miranda.
Sinabi naman ni Constantino na dapat lamang na pahalagahan ang programang ito ng pulisya dahil malaki umano ang paniniwala nito na sa pamamagitan ng isang seryoso’t makatutuhanang usapin para sa kapayapaan ay makakamtan ng sambayanang Pilipino ang minimithing progreso.
Matatandaan na mula sa pagiging “Haven of cattle rustlers” o “ sanctuary of lawless elements” noon ay naitaguyod ni Constantino na maging isa sa pinakatahimik at progresibong bayan sa boong lalawigan ng Sarangani ang Malungo kasunod sa pagsuko ng mga kilalang bandido sa kanyang administrasyo noong 2007.
“Nagapati ako nga indi lamang pinaagi sa g’yera naton makuha ang simpatiya sadtong aton mga kauturan nga padayon nga nagapanago sa mga kabukiran. Kundi yara ini sa matuod-tuod nga pamaagi sang rekonsilasyon, upod sang seryoso nga pagbulig sang aton nga pangamhanan. Gani, daku ang akon pagpasalamat sa sini nga mga aktibidades sang aton Philippine National Police tungod kay tungod sini, maipaabot naton sa tanan kung ano kaseryoso ang aton gobyerno sa ginatawag nga programa sini para sa rekonsilayon kag panag-hiusa, para sa kaayuhan sang tanan,” ani Constantino.
Wednesday, February 15, 2012
COYUGG mass feeding, isinagawa sa MCES
COYUGG nourishes the children– More or less 290 pupils in Malungon Central Elementary School (MCEL) savor the great taste of “arroz con caldo” (otherwise known as Spanish chicken soup) during a mass feeding stressed by the Concern Youth United for Good Governance (COYUGG) in Malungon, Sarangani. The group, led by founder Thessa (2nd daughter of Mayor Reynaldo F. Constantino), was also assisted by (L-R) Malungon town first lady Roselyn D. Costantino, COYUGG Board of Trustee Mark Henson Villareal and MCES principal Leah Farnazo Tingson during the said activity. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
MALUNGON, Sarangani – AABOT sa mahigit-kumulang 290 na mga batang ma-aaral ang
masayang nakibahagi sa isinagawang “mass feeding” activity noong araw ng B’yernes ng
grupong Concern Youth United for Good Governance o COYUGG sa Malungon CentralElementary School dito sa naturang bayan.
Ayon kay COYUGG founder Thessa Constantino, pumapangalawa sa apat na anak ni Mayor Bong Constantino, ang adhikain ng kanilang samahan ay ‘di lamang nakatuon sa pagbigay-daan para sa mga angking kakayahan at talento ng mga kabataan sa entablado, kundi maging sa pagtaguyod na rin ng tunay na kahulugan ng unidad at wastong pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay isa ang mga COYUGG Dancers sa mga naging ‘finalists’ ng programang Showtime ni Vice Ganda sa ABS-CBN giant television network na naka-base sa kauluhang Maynila.
Maliban dito, noong mga nagdaang araw ay unti-unti na ring nakilala ang COYUGG dahil sa ipinapakitang pagpapahalaga sa mga kabataan, lakip na sa pamimigay ng mga used clothing, laruan, medisina at iba pang bagay na nakakapagpasaya sa mga dukha’t walang-wala tuwing kapaskuhan.
Ayon kay Thessa ay kasalukuyan din nitong pinag-aaralan ang pagpapatayo ng isang talent studio sa lokalidad.
“Sana po ay kaawaan pa ako ng ating mahal na Poon nang sa gayo’y mas lalo ko pang matulungan ang mga naghihikahos kong mga kababayan,” ani Thessa, na sa kasalukuyan ay nananalangin din na sana’y mapabilang ito sa mga palaring makapasa sa BAR Exams para sa kurso nitong Abogasiya. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma)
Tuesday, January 31, 2012
Granada para kay ABC chair, na recover!
Saturday, January 21, 2012
Problema sa SarGen border, tututukan nina Custodio at Constantino
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – ISANG masigla’t seryosong pag-uusap ang namagitan kina Malungon town Mayor Reynaldo F. Constantino at City Mayor Darlene Antonino-Custodio noong araw ng Martes sa hangaring mabigyan na ng sapat na solusyon ang may ilang dekada na ring usapin hingil sa wastong hanganan sa may Hilaga’t Katimogang bahagi ng Lungsod ng Heneral Santos at nang bayan ng Malungon sa kalapit na lalawigan ng Sarangani.
Sa isang pribadong pag-uusap sa Bahay Pamahalaan ng Lungsod ay napagpasyahan ng dalawang mayores ang pagbuo ng grupo o survey team para sa isasagawang ‘actual ground survey’ sa darating na araw ng Martes (January 24) sa may Brgy. Upper Labay at Sitio Pulatana ng magkaratig na pook para matukoy kung saan ang totoong hanganan na ayon pa’y naging sentro na rin ng ilang kontrobersiya noong mga nagdaang dekada.
Ayon kay Malungon municipal assessor Honnelyne J. Gilley-Toyogon, inaasahan din na kasama sa sinasabing survey team ang ilang personahe mula Department of Environment and Natural Resources at ahensiya ng pamahalaan.
“Nakita ta man kung gaano ka seryoso si Mayor Darlene Custodio gani nagapati gid ako nga sa pagbinuligay namon nga ini, mahimo na nga masolusyonan ang madugay na nga ginahulat sang tanan. Ini amo ang pag-locate naton kung asta diin gid ang boundary para madula na ang madugay nga nagapalibog sa ulo sang aton mga katawhan,” ani Constantino. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
Unang representante ng IP, swak na sa SB!
MALUNGON, Sarangani – KASUNOD ng maiinit na ‘pagsalang’ nito para sagutin ang ilang maiinit na katanungan mula sa Sangguniang Bayan at sa tulong na rin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay matagumpay na hinirang si Malungon Municipal Tribal Chief at kasalukuyang Provincial Tribal Chieftain Edmund Pangilan bilang ‘pinakaunang’ SB ex-officio representative para sa grupo ng mga indigenous peoples sa bahaging ito ng SOCSARGEN Growth Area.
Ayon kay DILG provincial director Flor Limpin, sa bisa umano ng R.A, 8371 o 1997 IPRA Law ay si Pangilan ang maiging pinakauna na manunungkulan sa SB bilang representante ng indigenous peoples dito sa Sarangani, at maging sa mga karatig na lungsod ng Heneral Santos, Koronadal at lalalawigan ng South Cotabato.
Sinabi n Limpin na una umanong nabigyan ng pagkakataon para sa kahalintulad na katungkulan si Pastor Tito Isla ng bayan ng Maasim ngunit sa di inaasahan ay maaga itong namayapa bago pa man opisyal na nakapagsimula ng kanyang katungkulan noong nakaraan na taon.
Ipinaliwanag ni Limpin na sa bisa umano ng ‘mandatory representation’ ay manunungkulan si Pangilan bilang ex-officio na kung saan ay legal na maari itong makikibahagi sa lahat ng mga usapin at diskusyon sa loob ng Sangguniang Bayan.
“He has now the right to fully participate in all levels of decision making in a bid to ensure that the indigenous peoples shall be given the right to present their voice in policy-making,” ani Limpin.
“The Republic Act 8371 or Indigenous Peoples Right Act mandates the right for the IPs to take part fully, if they choose, at all levels of decision-making in matters which involve their rights, lives and destinies through procedures determined by them, as well as to maintain and develop their own indigenous political structures,” ang paliwanag ni Limpin.
Ayon kay Constantino, ang pagkakaroon ng representate mula sa tribo ay isang kasiguruhan para sa mas lalong mapatibay ang mga karapatan ng mga ito.
“Kinakabig ko nga isa ka dako nga prebelihiyo ang pagkabutang sang isa ka m’yembro sang tribo sa konseho para magin’ tingog pakadto sa kaayohan sang aton nga mga utod nga Blaan, Kalagan kag Tagakaulo. Gani sa bulig man sang mga kauturan ta nga mga kosehiyales nga halin man sa tribo, nagapati ako nga mas magin’ masanag na ang b’was damlag sang mga kabataan kag umaabot nga henerasyon satong mga nagapangabuhi sa aton mga kabukiran,” ani Constantino.
Si Pangilan ay kasamang inindorso nina Atty. Joel Jumalon, NCIP legal officer for Central Mindanao at NCIP provincial director Luciano Lumancas. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Agila at LGU, namahagi ng tulong sa sinalanta ni ‘Sendong’
MALUNGON, Sarangani – Bagama’t nababakas ang labis na pagod ay makikita naman sa pagmumukha ng mga nakilahok sa 4 na araw na relief operation ng grupong The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) ang labis na kasiyahan dahil sa pagkatupad ng hagaring makatulong sa mga sinalanta ng bagyong si ‘Sendong’ sa magkaratig na lungsod ng Iligan at Cagayan De Oro, Northern Mindanao Region.
Sa isang eksplusibong pakikipagpanayam kay TFOE nat’l president Salvador T. Ramos ay inilarawan nito ang mga nakapanlulumong tanawin na dinatnan ng kanyang convoy, lakip na ang nakakaawang katayuan ng mga biktima dahil sa biglaang pagtaas ng tubig na siyang itinuturong dahilan sa pagkamatay ng may dalawang libo katao sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglobo sa bilang ng mga nasawi, kung saan may mangilan-ngilan pa ring bangkay na umano’y natatagpuan sa mga karatig na pook ng nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, ang mga bangkay na ito ay ‘maaring’ napadpad sa malalayong lugar dahil sa malakas na agos-baha sa kasagsagan ng bagyo.
Kaugnay nito ay labis na pinasalamatan din ni Ramos ang mga nagbigay ng donasyon para sa isakatuparan ng nasabing humanitarian mission. Illan sa mga ito ay ang lokal na pamahalaan ng Malungon sa pangunguna ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino (P200, 000 relief goods), KCC Mall of Gensan (medicine worth P120, 000), Davao Eagles Club (various relief goods worth P100, 000), Periodico Banat, Mindanao Bulletin at Sapol News Bulletin newspaper publications (coverage and assorted dry goods) at sina Atty. Tomas Falgui at Bong Aquia ng Mohamad Aquia Trading.
Sa inilaging apat na araw ng grupo ay pinuntahan ng mga ‘Agila’ ang mga pook na labis na napinsala tulad ng Xavier Heights Covered Court; Emily Subd; Villa Nena P1 Subd; Tent City sa Brgy. Tambo; Erlinda Ville Subd; Bry. Del Carmen at Lanville Subd sa lunsod ng Iligan at Cagayan De Oro. Ilan sa mga pook na ito ang ayon pa’y halos winalis ng baha na kung saan nagmula ang may ilang daan na bilang ng mga namatay sa trahedya.
Bago lumisan ang convoy ay nagbigay naman ng kanyang suhistiyon si Mayor Constantino sa Philippine Eagles, na kung maari ay personal na maiparating ng grupo sa mga ‘tunay’ na sinalanta ng bagyo ang tulong na pinagtulungan na ipunin ng kanyang mga maliliit na mamamayan mula sa 31 barangay na bumubuo ng kanyang bayan.
“Nakita naman naton kung ano kapait ang sitwasyon sang aton nga mga kauturan sa Northern Mindanao. Gani ginapangayo ko nga mapaabot gid ang amo nga bulig dito sa mga direktamente nga mga biktima para bisan ano man ini ka gamay (relief goods), makabulig gid kita sa aton mga kautoran didto sa Iligan kag Cagayan,” ani Constantino.
Kusa umanong lumaan sa pamamagitan ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Malungon ng may P.4M na pondo para sa Norte. Gayon pa man ay nilinaw ni Constantino na sa paunang P200, 000 na halaga ng relief goods ay nakahanda pa rin umano ang LGU para sa pagpadala ng karagdagang tulong sa gitna ng nauulat na patuloy na pagbuhos ng ayuda mula ibang bayan.
Sinabi din ni Ramos na malaki ang naitulong ng mga nakabase na ‘Agila’ sa isinagawang relief operation.
Kaugnay nito ay pinasalamatan din nito (Ramos) ang KCC Mall di lamang dahil sa ibinigay nito na mga medisina, kundi maging sa pagpagamit ng mga sasakyan lakip na ang isang 10-wheeler wing van na siyang kumarga ng lahat ng mga relief goods patungo sa naturang lalawigan. (Isagani P. Palma/ MIO Malungon, Sarangani
Subscribe to:
Posts (Atom)