Thursday, March 1, 2012

Community-Based Monitoring System, binuksan sa Malungon

Monitoring  Center – Makikita sa larawan si MPDO Nonito Nunez habang matamang pinagmamasdan  nito ang mga encoders ng may 32 computer sets worth P960, 000 na ginagamit sa kabubukas pa lamang na Community-Based Monitoring System (CBMS) ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).   
 
MALUNGON, Sarangani – MALAKI ang paniniwala ni Mayor Reynaldo F. Constantino na sa pagbubukas ng Monitoring Center  ay magkakaroon nang direktamenteng kaalaman ang kanyang administrasyon sa totoong katayuan sa buhay ng mga nasa malalayong barangay, kasabay nang sapa’t na kaalaman kung paano gagamitin ng LGU ang may P160-M na pondo nito sa bawat taon.
Ayon kay Constantino, sa pamamagitan ng mga computer sets na nasa pangangalaga ng mga computer encoders na mula sa 31 mga barangays ng naturang bayan ay magkakaroon na ng sapat na kaalaman ang LGU para tumbokin kung ano ang mga kinakailangang proyekto para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan.
“Amo gani nga kinahanglan nga makaparihestro gid ang kada tawo sa kada panimalay para mahibalan naton sa pagahimuon nga survey evaluation kujng ano ang ila mga prioridad nga mga kinahanglanon. Because the Community-Based Monitoring System (CBMS) was designed to assess poverty, and detect the needed project and program implementations in a bid to enhance the living condition of our local populace specifically those living in our far flung sitios and villages,” ani Constantino.
Ayon kay Nonito Nunez, Municipal Planning and Development Coordinator, ang mga detalyeng makukuha ng CBMS ay siyang magsisilbi na opisyal na basihan hindi lamang ng LGU, kundi maging nang mga national at foreign agencies, NGOs at iba’t iba pang sangay ng pahahalaan na nagbabalak maglagay ng proyekto sa bayan.
Gayon pa man ay sinabi ni Nunez na hindi pa rin magiging epektibo and nasabing proyekto kung hindi makikiisa dito ang mga mamamayan.
Kasama sa mga benipesyo na makukuha mula sa proyekto ay ang malaya’t mabilis na pamamaraan para maipararating ng mga taongbayan ang ninanais na mga proyekto para sa mabilis na progreso.   
“This project includes community participation in the development preparation and monitoring processes, fortification of existing LGU database, improvement in the preparation of socioeconomic profiles, development and investment plans, determining shortages on food and supplies in the local level, and in identifying resource allocations and eligible beneficiaries for the proposed government undertakings,” ani Nunez. (Isagani P. Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE)

1 comment:

  1. Magandang hapon.Tuloy pa ri po ang ang operasyon ng CBMS ng Malungon? Nais sana naming makahingi ng listahan ng bawat barangay ng mga tahanang may mga batang edad 1-4 years old para basehan ng Supervised Neighborhood Play ng ECCD Program ng govenrment. Thanks

    ReplyDelete