-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – ISANG masigla’t seryosong pag-uusap ang namagitan kina Malungon town Mayor Reynaldo F. Constantino at City Mayor Darlene Antonino-Custodio noong araw ng Martes sa hangaring mabigyan na ng sapat na solusyon ang may ilang dekada na ring usapin hingil sa wastong hanganan sa may Hilaga’t Katimogang bahagi ng Lungsod ng Heneral Santos at nang bayan ng Malungon sa kalapit na lalawigan ng Sarangani.
Sa isang pribadong pag-uusap sa Bahay Pamahalaan ng Lungsod ay napagpasyahan ng dalawang mayores ang pagbuo ng grupo o survey team para sa isasagawang ‘actual ground survey’ sa darating na araw ng Martes (January 24) sa may Brgy. Upper Labay at Sitio Pulatana ng magkaratig na pook para matukoy kung saan ang totoong hanganan na ayon pa’y naging sentro na rin ng ilang kontrobersiya noong mga nagdaang dekada.
Ayon kay Malungon municipal assessor Honnelyne J. Gilley-Toyogon, inaasahan din na kasama sa sinasabing survey team ang ilang personahe mula Department of Environment and Natural Resources at ahensiya ng pamahalaan.
“Nakita ta man kung gaano ka seryoso si Mayor Darlene Custodio gani nagapati gid ako nga sa pagbinuligay namon nga ini, mahimo na nga masolusyonan ang madugay na nga ginahulat sang tanan. Ini amo ang pag-locate naton kung asta diin gid ang boundary para madula na ang madugay nga nagapalibog sa ulo sang aton mga katawhan,” ani Constantino. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
No comments:
Post a Comment