Saturday, January 21, 2012

Unang representante ng IP, swak na sa SB!

IP Representative – Saksi ang matataas na opisyales ng lokal na pamahalaan, DILG, NCIP, Association of the Barangay Captains (ABC) at Tribal chieftains sa panunumpa ni Datu Edmund Pangilan (gitna), Malungon Municipal at Sarangani Provincial Tribal Chieftain, sa harap ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino bilang bagong ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng Malungon, Sarangani. Si Pangilan ang itinuturo na pinakaunang representante ng IPs sa konseho dito sa SOCSARGEN area sa ilalim ng ‘mandatory representation’ na ipinapatupad ng Department of the Interior and Local Government, sa bisa ng R.A. 8371 o IPRA Law of 1997. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – KASUNOD ng maiinit na ‘pagsalang’ nito para sagutin ang ilang maiinit na katanungan mula sa Sangguniang Bayan at sa tulong na rin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay matagumpay na hinirang  si Malungon Municipal Tribal Chief at kasalukuyang Provincial Tribal Chieftain Edmund Pangilan bilang ‘pinakaunang’ SB ex-officio representative para sa grupo ng mga indigenous peoples sa bahaging ito ng SOCSARGEN Growth Area.
Ayon kay DILG provincial director Flor Limpin, sa bisa umano ng R.A, 8371 o 1997 IPRA Law ay si Pangilan ang maiging pinakauna na manunungkulan sa SB bilang representante ng indigenous peoples dito sa Sarangani, at maging sa mga karatig na lungsod ng Heneral Santos, Koronadal at lalalawigan ng South Cotabato.
Sinabi n Limpin na una umanong nabigyan ng pagkakataon para sa kahalintulad na katungkulan si Pastor Tito Isla ng bayan ng Maasim ngunit sa di inaasahan ay maaga itong namayapa bago pa man opisyal na nakapagsimula ng kanyang katungkulan noong nakaraan na taon.
Ipinaliwanag ni Limpin na sa bisa umano ng ‘mandatory representation’ ay manunungkulan si Pangilan bilang ex-officio na kung saan ay legal na maari itong makikibahagi sa lahat ng mga usapin at diskusyon sa loob ng Sangguniang Bayan.
“He has now the right to fully participate in all levels of decision making in a bid to ensure that the indigenous peoples shall be given the right to present their voice in policy-making,” ani Limpin. 
“The Republic Act 8371 or Indigenous Peoples Right Act mandates the right for the IPs to take part fully, if they choose, at all levels of decision-making in matters which involve their rights, lives and destinies through procedures determined by them, as well as to maintain and develop their own indigenous political structures,” ang paliwanag ni Limpin.
Ayon kay Constantino, ang pagkakaroon ng representate mula sa tribo ay isang kasiguruhan para sa mas lalong mapatibay ang mga karapatan ng mga ito.
“Kinakabig ko nga isa ka dako nga prebelihiyo ang pagkabutang sang isa ka m’yembro sang tribo sa konseho para magin’ tingog pakadto sa kaayohan sang aton nga mga utod nga Blaan, Kalagan kag Tagakaulo. Gani sa bulig man sang mga kauturan ta nga mga kosehiyales nga halin man sa tribo, nagapati ako nga mas magin’ masanag na ang b’was damlag sang mga kabataan kag umaabot nga henerasyon satong mga nagapangabuhi sa aton mga kabukiran,” ani Constantino.
Si Pangilan ay kasamang inindorso nina Atty. Joel Jumalon, NCIP legal officer for Central Mindanao at NCIP provincial director Luciano Lumancas. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment