Saturday, January 21, 2012

AFTERMATH – (left to right) Raul Factoran, president of The Philippine Eagles Club of Gen. Santos City and The Fraternal Order of Eagles nat’l president Salvador Ramos pathetically watches the debris caused by killer-typhoon ‘Sendong’ in Iligan City amid the 4-day (January 5-9) humanitarian mission of TFOE in Region-10. Ramos said, the mission was stressed through the active support of Malungon town Mayor Bong-Bong Constantino; KCC Mall of Gensan; Falgue Law Office; Mohamad Aquia Trading; Mindanao Media Services; Periodico Banat; The Southern Review; local entrepreneurs who refused to be named, and concerned citizens of Gen. Santos City and Sarangani Province.  (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)


STRONG BROTHERHOOD - Fraternal Order of Eagles secretary general Leody Armada drops off a portion of relief goods from Gen. Santos City and Malungon, Sarangani as local members of the Philippine Eagles Club took turns on the haulage toward the Tent City Evacuation Center during a humanitarian mission for victims of typhoon ‘Sendong’ in Tambo Terminal, Cagayan De Oro City. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)


TRUE COMPASSION – An elderly woman (left) patiently awaits her turn to receive a pack of relief goods from The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) in typhoon-hit Cagayan De Oro City. TFOE nat’l president Salvador T. Ramos said the 4-day (January 5-9) humanitarian mission to Northern Mindanao was made possible through the strong support and cooperation of Malungon town Mayor Bong-Bong Constantino; KCC Mall of Gensan; Falgue Law Office; Mohamad Aquia Trading; Mindanao Media Services; Periodico Banat; The Southern Review; local entrepreneurs who refused to be named, and concerned citizens of Gen. Santos City and the nearby province of Sarangani. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Agila at LGU, namahagi ng tulong sa sinalanta ni ‘Sendong’

MALUNGON, Sarangani – Bagama’t nababakas ang labis na pagod ay makikita naman sa pagmumukha ng mga nakilahok sa 4 na araw na relief operation ng grupong The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) ang labis na kasiyahan dahil sa pagkatupad ng hagaring makatulong sa mga sinalanta ng bagyong si ‘Sendong’ sa magkaratig na lungsod ng Iligan at Cagayan De Oro, Northern Mindanao Region.    
                                                                                                                                   
Sa isang eksplusibong pakikipagpanayam kay TFOE nat’l president Salvador T. Ramos ay inilarawan nito ang mga nakapanlulumong tanawin na dinatnan ng kanyang convoy, lakip na ang nakakaawang katayuan ng mga biktima dahil sa biglaang pagtaas ng tubig na siyang itinuturong dahilan sa pagkamatay ng may dalawang libo katao sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglobo sa bilang ng mga nasawi, kung saan may mangilan-ngilan pa ring bangkay na umano’y natatagpuan sa mga karatig na pook ng nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, ang mga bangkay na ito ay ‘maaring’ napadpad sa malalayong lugar dahil sa malakas na agos-baha sa kasagsagan ng bagyo.     

Kaugnay nito ay labis na pinasalamatan din ni Ramos ang mga nagbigay ng donasyon para sa isakatuparan ng nasabing humanitarian mission. Illan sa mga ito ay ang lokal na pamahalaan ng Malungon sa pangunguna ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino (P200, 000 relief goods), KCC Mall of Gensan (medicine worth P120, 000), Davao Eagles Club (various relief goods worth P100, 000), Periodico Banat, Mindanao Bulletin at Sapol News Bulletin newspaper publications (coverage and assorted dry goods) at sina Atty. Tomas Falgui at Bong Aquia ng Mohamad Aquia Trading.

Sa inilaging apat na araw ng grupo ay pinuntahan ng mga ‘Agila’ ang mga pook na labis na napinsala tulad ng Xavier Heights Covered Court; Emily Subd; Villa Nena P1 Subd; Tent City sa Brgy. Tambo; Erlinda Ville Subd; Bry.  Del Carmen at Lanville Subd sa lunsod ng Iligan at Cagayan De Oro. Ilan sa mga pook na ito ang ayon pa’y halos winalis ng baha na kung saan nagmula ang may ilang daan na bilang ng mga namatay sa trahedya.

Bago lumisan ang convoy ay nagbigay naman ng kanyang suhistiyon si Mayor Constantino sa Philippine Eagles, na kung maari ay personal na maiparating ng grupo sa mga ‘tunay’ na sinalanta ng bagyo ang tulong na pinagtulungan na ipunin ng kanyang mga maliliit na mamamayan mula sa 31 barangay na bumubuo ng  kanyang bayan.

“Nakita naman naton kung ano kapait ang sitwasyon sang aton nga mga kauturan sa Northern Mindanao. Gani ginapangayo ko nga mapaabot gid ang amo nga bulig dito sa mga direktamente nga mga biktima para bisan ano man ini ka gamay (relief goods), makabulig gid kita sa aton mga kautoran didto sa Iligan kag Cagayan,” ani Constantino.

Kusa umanong lumaan sa pamamagitan ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Malungon ng may P.4M na pondo para sa Norte. Gayon pa man ay nilinaw ni Constantino na sa paunang P200, 000 na halaga ng relief goods ay nakahanda pa rin umano ang LGU para sa pagpadala ng karagdagang tulong sa gitna ng nauulat na patuloy na pagbuhos ng ayuda mula ibang bayan.      

Sinabi din ni Ramos na malaki ang naitulong ng mga nakabase na ‘Agila’ sa isinagawang relief operation.

Kaugnay nito ay pinasalamatan din nito (Ramos) ang KCC Mall di lamang dahil sa ibinigay nito na mga medisina, kundi maging sa pagpagamit ng mga sasakyan lakip na ang isang 10-wheeler wing van na siyang kumarga ng lahat ng mga relief goods patungo sa naturang lalawigan. (Isagani P. Palma/ MIO Malungon, Sarangani

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete