Unwanted ‘gift’ - MAKIKITA sa larawan sina Mayor Bong Constantino (2nd L) at Sr. Insp. Alvin Martin, Malungon PNP station chief (2nd R), habang hawak-hawak naman ng isang taga Explosive Ordinance Disposal (EOD) team ang na-defuse na M-26 grenade kahapon sa ABC Hall ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON Sarangani - ISANG Granada na nakasilid sa maliit na kahon ang matagumpay na na-recover ng pulisya kahapon matapos ihatid ng isang 11-taong gulang na bata mga bandang 12:45 p.m. sa tangapan ng Associations of the Barangay Captains (ABC Hall) dito sa naturang bayan. Una umanong tinangka ng suspek na iwan o ipa-receive ang kahon ng ‘goldilocks cake’ sa Sangguniang Bayan ngunit ng mapagalaman nito na nasa di kalayuan lamang ang tangapan ni ABC president Delia F. Constantino, ina ni Malungon town Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, ay agad na umalis ang suspetsado. Ayon pa sa mga nakakita, ito ay nasa wastong gulang, may taas na 5’6-5’7”, moreno at nasa katamtamang laki ang pangangatawan. Makalipas ang ilang sandali, isang bata ang umano'y dumating sa ABC Hall para ihatid sa nakakatandang Constantino (na noo’y kalalabas lamang para mananghalian) ang nasabing kahon. “Nagduda kami dahil sa bigat nito (kahon) at wala naman kaming alam na okasyon o kaya’y selebrasyon para may magpadala ng gift kay Mama Del. Saka may butas ang kahon, kaya’t naglakas loob kami na silipin ito,” ang sabi ng mga empleyado na tumanging isulat ang kani-kanilang mga pagkakilanlan. Sa pakikipagpanayam kay Sr. Insp. Alvin Martin, hepe ng Malungon Police Station ay sinabi nito na agad na tumawag ang lokal na pulisya ng Explosive Ordinance Disposal (EOD) team kung saan na-recover ng mga ito mula sa kahon ang isang M-26 grenade. “Nakakabit sa safety pin nito (Granada) at takip ng kahon ang isang tali na kapag binuksan ay malamang na sasabog ito agad sa lakas na 15 meter radius,” ani Martin na sa kasalukuyan ay naniniwala na maaring personal o pulitika ang dahilan ng pagtatangka. Agad naman na nagbigay kautusan ang alkalde para sa pagsagawa ng mas mahigpit na security plan. Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Constantino ang lahat na maging maingat sa pagtangap ng kahit na anong bagay lalo na yaong mula sa mga di kilala o inaasahang panauhin. “Ini tanan isa na ka warning sa aton. Gani nagapasalamat gid ako sa aton D’yos kay wala sang malain nga nahitabo indi lamang sa akon pinalanga ng inahan kundi sa atong tanan,” ani Mayor Constantino. Samantala, isinabi ni Martin na pansamantala nang pinauwi ng pulisya ang bata dahil lumalabas sa inbestigasyon na nagmagandang loob lamang ito na dalhin sa ABC Hall ang .kahon matapos mapag-utosan ng suspek. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE). |
No comments:
Post a Comment