Sunday, July 6, 2014

DA12, magsasaka ‘magsasaya’ sa araw ng Malungon

Under new management? – From left, Mayor Reynaldo F. Constantino gestures a point amid the recently held close door meeting with ranking Agriculture and World Bank Int’l Finance Corporation officials in Malungon town. Sarangani's agri-program coordinating officer Jocelyn S. Misterio (2nd –L) said the meeting was centered on the proposed WBFC taking over of NABCOR's Corn Postharvest Processing and Trading Center (CPHPTC) building, facilities and equipment in Malungon, Sarangani Province. Also in photo is (L-R) DA 12's Zaldy Boloron, LGU GSO Noel Ramos, Julie Bayking of IFCWBG, and DA legal officer Atty. Jero B. Librojo. (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani Province – Sa kabila ng milyon-milyong halaga ng mga proyektong naibigay at patuloy na binubuhos ng Kagawaran ng Agrikultura sa mga lokal na magsasaka ay sinasabing 'magbibigay-ulat ' pa rin ito kasabay ng diretsahang pagdinig sa iba't-ibang suhestiyon na magmumula sa mga taongbayan sa darating na araw ng Lunes (Hulyo 14). 

Ayon kay LGU-Admin Officer IV Bennie Llego, ang ulat sa bayan ay ibabahagi umano ni Department of Agriculture Regional Office-12 director Amalia Jayag-Datukan sa gagawing selebrasyon ng ika-45 na taong anibersaryo ng pagkatatag ng bayan ng Malungon sa lalawigan ng Sarangani.

"Ito ay di lamang para maipaabot sa lahat ang mga naibigay na tulong ng departamento, kundi nang sa gayo'y diretsahan ding marinig ng mga kinauukulan ang mga kumento't ninanais pang mga ayuda ng ating mga magsasaka,” ani Llego.

Sinabi nito na maliban sa pagbigay-ulat ay muling mamamahagi ng samot-saring kagamitan sa pagsasaka, binhi at ebpa ang DA-12 sa mga mapipiling indibidwal o grupo sa gagawing pagtitipon sa loob ng municipal gymnasium. 

“Considering Agriculture as our flagship program, nakita ta naman kung ano na ang nahimo sini (DA-12) nga mga kabag-uhan sa pagpanginabuhi sang indi lamang aton nga mga mangunguma, kundi amo man yadto sa mga nagailistar sa mga malagyo kag matag-as nga lugar sang aton banwa. Gani I think it is also imperative for our people to know what the department did in its aim to change and uplift the living condition of Malungonians,’ ang sabi ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, na nakatakda ring magbigay ng kanyang ‘ulat sa mga mamamayan’ na siyang magsisilbing highlight para sa pagtatapos ng kapestahan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment