|
Star Studded Fest - Sinasabing isa lamang sa listahan ng mga inaasahang panauhin na darating sa kap’yestahan ng bayan ng Malungon, Sarangani Province (July 11-15, 2014) ang kilalang young movie at television actor na si Daniel Padilla. Tulad ng mga lumipas na selebrasyon ay muli na naman umanong magiging ‘star studded’ ang selebrasyon ni Mayor Bongbong Constantino dahil sa inaasahan na pagdatingan ng mga kilalang artista na kasapi ng All Stars Basketball team, na dadalhin ng matalik nitong kaibigan at kasanga sa pulitika na si Sarangani Rep. Manny D. Paquiao. Matatandaan na kabilang sa mga batikang artista na pumunta’t nakisaya sa Foundation Anniversary ng bayan noon ay ang mga bigating sina movie actors/actress at director Christopher De Leon, Philip Salvador, Ian Veneracion, Tirso Cruz III, Jackie Rice, Glaiza De Castro – atbp. (MALUNGON INFORMATION OFFICE). |
|
Last year’s All Stars Basketball team in Mal’ngan – Makikita sa larawan sina Rep. Manny Pacquiao at Mayor Bong Constantino (magkatabi sa gitna), Philip Salvador, Ian Veneracion, Tirso Cruz III at iba pang mga batikang actor na nakipaglaro’t nakisaya sa nakaraang selebrasyon ng kapistahan sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE. |
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MARAMI nag nagsasabing t’yak na liliwanag ang kalangitan sa kapiyestahan ng bayan ng Malungon (Hulyo 11-15) dito sa lalawigan ng Sarangani ‘di lamang dahil sa malaking preparasyon ng LGU para sa gaganaping ‘fireworks display,’ kundi sa mga magdadatingang young artists at samahan ng All Stars Basketball Team sa naturang okasyon.
Maliban sa mga naunang naiulat na mga palaro’t pagsasaya ay magkakaroon din umano ng masaganang kainan, karera ng mga profession dirt bike racers, ‘Gabi ng Turismo’ at iba pang malalaking kaganapan sa nasabing pagtitipon, na kung saan ay kabilang na dito ang pinakahihintay ng lahat na pagbibigay-ulat ni Mayor Reynaldo F. Constantino.
Inaasahan ding dadalo ang ilang mga matataas na opisyales ng pamahalaan sa pangunguna ni Gob. Steve Chiongbian-Solon, DepEd officials at mga kilalang personalidad sa bayan sa darating na kulminasyon.
Maliban dito ay personal din umanong dadaluhan ni Sarangani Rep. Emmanuel ‘Pacman’ Pacquiao ang sinasabing selebrasyon ng mga Malungonians na pangungunahan ng kaalyado nito sa pulitika’t matalik na kaibigang si Bong Constantino. Si Pacquiao ay siyang magiging ‘keynote speaker’ sa ika-a 15 ng Hulyo.
No comments:
Post a Comment