Thursday, November 15, 2012

“Tribal Day, ” aarangkada na sa Sarangani

Ethnic street-dancing set to open Malungon’s 5th Tribal Day celebration – Students’ in ethnic costumes dances their way toward the Sunken Arena during opening of the recently concluded 43rd –year Foundation Anniversary celebration of this town. On Monday (November 19), student-participants from different schools will once again compete into street-dancing to highlight the 5th –year Tribal Day celebration of Malungon town in Sarangani. For more information, please visit malungon.blogspot.com (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
Tribal Day street-dancing – A contingent from (1st –placer) Banate National High School gracefully gestures with a winning poise during a street-dancing competition that highlighted the celebration of this town’s 43rd – year Foundation Anniversary last July. This upcoming Monday (November 19, 2012), students from various schools in the locality will again perform a much bigger street-dancing competition to signal the official opening of Malungon town’s 5th-year Tribal Day celebration dubbed as “Garbo ko, Tribu ako” in Sarangani. For more information, please visit malungon.blogspot.com (File photo by JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Search for most beautiful tribal women – Blaan and Taga-Kaulo ladies who won in the 1st ethnic beauty pageant dubbed as “Manenggeya na Libun,” meaning most beautiful girl, pose for memento at the municipal gymnasium. On Monday evening (November 19), title possessor Ms. Angelica Pane (2nd –R) will turn over her crown to the next ethnic beauty queen of Malungon in Sarangani Province. For more information, please visit malungon.blogspot.com (File photo by JoJo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).


-----------------------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ang muling pagdagsa ng mga nais makibahagi’t makisaya sa gaganaping selebrasyon ng ika-5 taong “Tribal Day” sa darating na araw ng Lunes (Nobyembre 19) dito sa naturang bayan.

Ayon kay Mayor Bong Constantino, ang buong araw ng pagsasaya sa ilalim ng temang “Garbo ko, Tribu ako” ay isang pagbigay pugay at pagbalik tanaw sa kultura’t tradisyon ng mga nitibong Blaan at Tagakaulos na unang namuhay at nagbigay halaga sa nasabing pook na nakahimlay sa may pinakamataas na bahagi ng lalawigan ng Sarangani.


“Upod sang amo nga pagselibrar ang akon daku nga handum nga ma-preserba kag matagaan sang nagakaigo nga pagtagad ang mga ginhimo sang aton mga katigulangan nga amo ang nag-umpisa sang tanan nga aton nakita sa pagka-karon. Gani upod sang sini nga selibrasyon ang nagkadaiya nga pamaagi sang aton kultura nga gusto ko nga matagaan sang insakto nga bili kag importansiya, hilabi na sang aton mga kabataan sa sini kag umaabot pa nga mga henerasyon,” ani Constantino.


Ayon din sa alkalde, mula sa orihinal na selibrasyon ng Tribal Day o “Slang Festival” na dati’y pinag-isa sa kasiyahan ng Foundation Anniversary ay sadyang hiniwalay ang araw na ito para sa mga Lumads. Ito ay para mabigyan umano ng nararapat na pagpugay at kahulugan ang mga sakripisyong ibinuhos ng mga Indigenous Peoples na siyang unang namuhay at nagsilbing protektor ng kagubatan laban sa mga mapang-api’t mapagsamantalang mga tao na mula sa kabihasnan.


Sinasabing inaasahan din ang pagdalo ng mga matatas na opisyales ng probinsiya sa pangunguna ni Gob. Miguel Alcantara-Dominguez at ni Atty. Reuben D. Lingapeng na siyang Chairman ng Mindanao Indigenous People’s Conference for Peace and Development.


Maliban sa makulay na street-dancing competition ay magkakaroon din ng ilang kompetisyon sa larangan ng “Sambuno” o wrestling, at nang parada ng mga nagagandahang kabayo  sa pamamagitan ng “Fyu Kura.”


Sa gabi ay gaganapin din ang second year search for “Ms. Manenggeya na Libun,” na ang ibig sabihin ay nagagandahang dilag na magmumula sa tribung Blaan at Tagakaulos, dito sa municipal gymnasium. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

No comments:

Post a Comment