Sunday, November 4, 2012

Food terminal, binuksan ng DA-12 sa Sarangani

Malungon Food Terminal – Bai Dido F. Samama, Agriculture Department’s Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) Chief for Central Mindanao inspects a variety of newly harvested vegetables from Barangay Alkikan during the recent opening of a DA-funded Malungon Food Terminal in Sarangani. Also in photo are (from right) Jocelyn S. Misterio, Sarangani Agri-Program Coordinating Officer, a representative from the Federation of Vegetable Growers Association, and Regional Agri-fisheries information division chief for Region-12, Nelly Yllanan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Fresh from the farms - Vegetable growers display their produce to (2nd – left) Sarangani Agri-Program Coordinating Officer Jocelyn S. Misterio and Bai Dido F. Samama, DA-12 Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) Chief, amid the recently held opening of a DA-funded Malungon Food Terminal in Sarangani Province. Also in photo are (from right) Nelson Sadang, LGU Agri-flagship program coordinator and OPAG provincial marketing division chief, Nieda Ramos. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

MALUNGON, Sarangani – NAGING makulay hindi lamang para sa bawat m’yembro ng Federation of Vegetable Growers Association kundi maging sa mga maliliit na magsasaka ang ginawang  pagbubukas kamakailan lang ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA12) ng isang ‘bagsakan’ Food Terminal sa bayan.
Ayon kay Nelson Sadang, itinalagang Agri-flagship coordinator ng lokal na pamahalaan, maliban umano sa pag-establisa ng isang ‘buying station at display center’ na magsisilbing bagsakan at pamilihan ng produkto ng mga magsasaka ay magbibigay din ng karagdagang pundo na P200, 000 at isang heavy-duty weighing machine ang DA-12 para maging puhunan at magamit ng mangangasiwang asosasyon sa pagbili ng lahat ng uri ng mga produkto ng mga magsasaka na magmumula sa 31 barangays ng nasabing pook.
“Kahit pa man sabihin na may kalayuan ang pagmumulan ng ating mga produkto ay nakakasiguro naman ngayon ang ating mga magbubukid na hindi na ito malalanta o tuluyang masisira dahil sa pagkatatag ng naturang pamilihan,” ani Sadang.
Ayon sa mga magsasaka ay umaasa rin ang mga ito, lalo na yaong mula sa tribo ng mga Blaan at Tagakaulos na magkakaroon din ng isang prize control and monitoring system ang LGU para sa proteksiyon ng mga magsasaka mula sa mapagsamantalang negosyante na kung saan, iilan dito ay halos gusto na lamang na hingiin ang mga pinaghirapang pananim.
Sa kanyang mensahe ay sinabi naman ni Bai Dido F. Samama, DA-12 Agriculture Department’s Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) Chief na ang pagtayo ng Food Center ay isa lamang sa mga adhikain ng kagawaran sa hangaring mabigyan ng sapat na proteksiyon at pagkakakitaan ang mga magbubukid sa ilalim ng programang “Agri-Pinoy” ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino.
Kamakialan lamang ay namigay din ang DA-12 at lokal na pamahalaan sa ilalim ng Agri-flagship program ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ng mga kinakailangan sa pagtatanim tulad ng seeds, sprayers, plastic drums, abono at iba pa para sa umano’y mas ikakatatag ng agrikultura na  siyang pangunhaing pinagkikitaan sa panig na ito ng lalawigan.
“Ginahimo ko ang tanan para sa kaayuhan sang aton nga pagpanginabuhi diri sa banwa sang Malungon. Gani sa luyo sang akon pagpaninguha, ginapangabay ko man ang tanan nga himua man ninyo ang inyo parte para sa kaayuhan sang inyo bwas-damlag kag kabataan,” ani Constantino, na malaki ang paniniwala na sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtatanim ay makakamtan ng mga taongbayan ang kaluwagan sa buhay, lakip na ang wastong pagpapa-aral sa kani-kanilang mga anak.  
                Samantala, sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) ay matiwasay na nabuo din kamakailan lang ng DA-12 ang may P9M-worth na Poblacion-Pangyan-Kalunbarak farm-to-market road na inaasahang malaki ang maitutulong sa mga magsasaka, lalo na sa paghakot ng kani-kanilang mga produkto mula sa mga liblib na pook patungo sa kabisera ng bayan. Ayon din sa ulat ay kasalukuyan na rin umanong pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang pagbukas ng karagdagang anim na farm-to-market roads sa naturang munisipalidad sa pagpasok na taong 2013.
                Ayon naman kay Arnold Mabalo, presidente ng Federation of Malungon Vegetable Growers Association (FMVGA), ang ipinapakitang dedikasyon ng LGU, Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Miguel Alcantara-Dominguez at ng naturang Kagawaran ay isang malinaw na indikasyon lamang ng isang mabuti, tapat at seryoso sa tungkulin na klase ng  liderato ng kasalukuyang adminstrasyon.
                Dahil dito ay nangako din si Mabalo na gagawin umano ng FMVGA ang lahat para mabuhay, lumaki at mapakinabangan ng mga mamamayan ang bawat butil na ibinahagi sa kanila ng pamahalaan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment