Marriage indemnities – Matapos ang may ilang taon na pagsasama ay walang
pangigimi na ipinamalas ng may 60 na pareha ang umano’y ‘walang pagbabago’ nilang
pagmamahalan sa harap nina Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, Brgy. Captain
Virgilio Asgapo at maging sa buong madla sa gitna ng ginanap na kasalang bayan
sa Brgy. Tamban, Malungon, Sarangani. Sa ginanap na Pacquiao-LGU weekly “Lingap
sa Barangay program” noong araw ng Huwebes (Oktobre 25, 2012) ay tumangap din
ng kani-kanilang mga philhealth cards mula MHO sa pamumuno ni Dra. Rafaida
Garay-Hernandez, ang daan-daang residente ng naturang pook. For more information,
please visit malungon.blogspot.com (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
MALUNGON, Sarangani – NAKATUON ngayon ang pansin ng Municipal Health
Office sa pamamahagi ng may 8, 942 Phil Health cards kaugnay sa pinagisang
hangarin nito at ng administrasyong Constantino na mabigyan ng sapat na
proteks’yon sa pangkalusugan ang mga mahihirap, lalo na yaong naninirahan sa
mga malalayong pook at matataas na bahagi ng kabundokan.
Sa isinagawang Pacquiao-LGU weekly “Lingap sa
Barangay” pogram sa Brgy. Tamban noong araw ng Huwebes (Oktobre 25, 2012 ay
tumangap ng kani-kanilang Phil Health cards ang daan-daang residente na kung
saan karamihan nito ay mula sa tribo ng
mga Blaan at Tagakaulos, kaalinsabay sa isinagawang lingohang pamimigay ng
lokal na pamahalaan ng iba’t-ibang serbisyo publiko, na sinasabing ‘natatangi’
sa buong lalawigan ng Sarangani.
Ayon kay Dr. Rafaida Garay-Hernandez, ang Brgy. Tamban
ay ika-apat na sa mga pook na nakatangap ng naturang benepisyo mula sa Tangapan
ng Pangkalusugan matapos ang magkasunod na pamamahagi ng MHO ng philhealth
cards sa Brgys. Nagpan, Poblacion at Malalag Cogon nitong mga nakaraang lingo.
“Ato kining ginahimo para mahatagan ug insaktong pagtagad
ug hinabang ang mga pobre o poorest of the poor families sa atong distrito upod
sa suporta sa atong lokal nga pangamhanan sa ilalum sa liderato ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino,” ani Hernandez.
Sa hangarin ni Constantino na mapasailalim sa naturang
programa ni Pangulong Ninoy Aquino ang mga higit na nangangailangan ay
ipinagutos ng naturang alkalde ang pagbigay ng mga libreng ‘membership’ sa
philhealth para sa lahat ng mga nararapat na maging benepisaryo nito.
“Ginatagaan ko sang daku nga prebiliheyo nga magin
m’yembro sang philhealth ang kada isa sa inyo (local residents) gani yara na sa
inyo nga pagdumala ang pagpadayon sini para sa kaayuhan kay proteks’yon sang
inyo nagkadaiya nga pamilya,” ani Constantino, na una nang nagpalabas ng
iba’t-ibang programa sa gobyerno sa pamamagitan ng flagsip program nito sa
agraryo bilang suporta sa pangkabuhayan at pagkakakitaan ng mga mamamayan.
Sa isinagawang pulong-pulong ay agad ding binigyan ng
kalutasan ni Constantino ang ilang mga hinaing na inilapit sa kanya ng mga
sitio leaders tulad ng problema sa inuming tubig at kakulangan ng midwife sa
naturang barangay, na ikinatuwa at pinasalamatan naman ng labis ni Tamban Brgy.
Kapitan Virgilio Asgapo. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
|
No comments:
Post a Comment