Saturday, January 5, 2013

Sarangani Health Summit, gaganapin sa Gensan

Zero Mortality – The Municipal Health Office here, due of its consistency in conducting the weekly ‘Lingap sa Barangay’ and  for scoring ‘zero’ mortality in its maternal health care program, was tagged as best health group and will contour a model  in the upcoming 2nd province-wide Health Summit on January 8-9, 2013 in General Santos City. Provincial Health Officer Dr. Arvin Alejandro, speaking in behalf of Gov. Migs Alcantara-Dominguez, stressed the announcement before the presence of local government officials led by Mayor Bong Constantino (left) and a vast crowd of health workers during the celebration of Health Workers Day Year-2 in Malungon, Sarangani Province. For more information, please visit malungon.blogspot.com (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE)

BHW Awardees – (2nd L-R) Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, Provincial Asst. Health Officer Dr. Arvin Alejandro, and Municipal Councilors Jessie Dela Cruz and Mariano Escalada lead the ceremonial distribution of prizes, gifts and certificates of recognition to over a hundred Barangay health workers and MHO supporters during the celebration of Health Workers Year-2 in Malungon, Sarangani.   For more information, please visit malungon.blogspot.com (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani –INAASAHAN ang pagdagsa ng daan-daang health workers sa karatig na lungsod ng Heneral Santos sa ika 8-9 nitong buwan ng Enero, 2013 kung saan gaganapin ang dalawang araw na “2nd  province wide Health Summit” ng lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino na isa sa magiging tagapagsalita sa pagbubukas ng naturang okasyon bilang presidente ng Liga ng mga Mayores sa Sarangani o League of the Municipal Mayors – Sarangani Chapter,  kasama umano sa mga inaasahang dadalo sa naturang Health Summit ang lahat ng mga mayores ng iba’t-ibang bayan ng nasabing lalawigan, municipal health officers, government nurses, midwives, pribadong health partners ng pamahalaan at nang 140 kapitanes na magmumula sa mga barangays na bumubuo ng nasabing distrito. Ito aniya ay basi na rin sa inbitasyon na ipinadala sa kanyang tangapan noong araw ng Huwebes (January 3, 2013) ni Sarangani Gov. Miguel Alcantara-Dominguez.   

“The provincial government of Sarangani, thru the Provincial Health Office will conduct the 2nd province wide Health Summit on January 8-9, 2013 at Family Country Homes Hotel in General Santos City, with the theme, “Usapang lokal para sa kalusugang pangkalahatan.”  The activity will illustrate the local health situation wherein Health Data based on the LGU Score Card are disaggregated per barangay officials to discuss, plan, and address recognized imperative gaps and deficiencies in achieving  our common health goals,” ani Dominguez.

Kaugnay nito ay inaasahan ang masiglang pagdalo ng buong pwersa ng mga mangagawa ng lokal na ahensiya ng Kagaran ng Pangkalusugan kasunod sa inpormasyong ipinaabot ni Provincial Asst. Health Officer Dr. Arvin Alejandro sa kasagsagan ng isinagawang Health Workers Year-2 celebration kamakailan lang, na nangunguna umano sa pagiging ‘best’ MHO ang bayan ng Malungon sa buong lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na implimentasyon ng weekly ‘Lingap sa Barangay’ program nito, at matagumpay na pagkakamit ng ‘zero’ mortality rate sa maternal health care na programa ng gobyerno.

Sa isinagawang pakikipagpanayam sa telepono kay Municipal Health Officer Dr. Rafaida Garay-Hernandez ay sinabi nito na ang kasalukuyang pamamayagpag ng sestima ng MHO ay kaugnay sa mahigpit na kautusang ipinalabas ni Constantino, na mabigyan ng sapat na pansin at kasiguruhan ang kalusugan ng bawat mamamayan lalo na yaong mga naninirahan sa mga malalayong bahagi ng bayan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFICE).

No comments:

Post a Comment