MALUNGON, Sarangani – HALOS ‘di magkamayaw sa saya ang mga opisyales at m’yembro ng Senior Citizens Federation nitong bayan dahil sa maagang pamasko at salo-salong inihanda ng lokal na pamahalaan nitong nakaraang lingo.
Ayon sa mga bumubuo ng Senior Citizens Federation of Malungon, ang patuloy na pagkilala ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ng kahalagahan ng mga nakakatanda ay patunay lamang ng isang matatag na administrasyon na marunong lumingon sa mga naitulong at kontribusyon ng mga matatanda tungo sa pinakakaasam ng lahat na progreso’t pamamayagpag ng bayan.
Noong lunes ay masayang nag-caroling sa mismong tangapan ni Constantino sa loob ng Bahay Pamahalaan ang mga kumatawan sa may 510 na m’yembro ng SCF, na sinundan noong araw ng Martes ng isang simple ngunit puno ng kasiyahang Christmas Party para sa mga nakakatanda sa loob ng Sunken Arena sa pamumuno nina Constantino, Bise-Mayor Benjamin Guilley at municipal councilors Joseph Calanao at Jessie Dela Cruz.
“Gusto ko lang ipa-abot sa tanan nga mga ginikanan nga kung ano kamo kapalanga sang akon amay (Late Malungon Mayor and Sarangani Vice Gov. Felipe K. Constantino), wala sang bisan gamay nga nagbag-o sini tungod kay palanga ko man kamo tanan. Kag ginapasalamatan ko man ang inyo (senior parents) ginhatag nga pag-intiende sang akon nga mga nagin kakulangan hilabi na gid sadtong yara pa ako sa akon madulom nga mga kagahapon sang akon kabatan-unan,” ani Constantino.
Kaugnay nito ay nagbigay naman ng matibay na kasiguruhan para sa kanilang suporta sa lahat ng mga programa ng gobyerno ang naturang grupo sa pangunguna ni SCF Pres. Albina Sequito.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay pinarangalan din ni Constantino ang grupo ng mga matatanda sa gitna ng isinagawang selebrasyon ng Elderly Fil-Week sa ilalim ng temang:” Nakakatanda: Gabay, tulay, kaagapay at bantay tungo sa kaunlaran.” Ayon sa alkalde ay gagawin umano nito ang lahat para sa kapakanan at ikabubuti ng mga senior citizens na siyang ugat ng halos lahat nang mga masasayang kaganapan ngayon dito sa bayan. (Isagani Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE)
No comments:
Post a Comment