MALUNGON, Sarangani - HANDANG-HANDA na umano ang mga kakailanganing dokumento para sa gagawing pag-endorso ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng Brgy. Malandag sa Kamara para maging ika-8 bayan ng lalawigan ng Sarangani.
Sa pagdalaw kamakailan lamang nina DENR-12 Land Management Bureau (LMB) dir. Morakie Domanday at congressional office chief of staff Brend Evangelio kay Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ay hayagan namang ipinaabot ni Domanday ang isang matibay na suporta para sa nasabing proyekto, kaalinsabay ng kahilingan nito na dapat maging komplet ang mga isusumiteng mga papeles ng LGU sa tangapan ng Land Management Bureau na nakahimlay sa karatig lalawigan ng Timog Kotabato.
“Naniniwala kasi ako na dumaan na ito sa masusing biripekasyon at pag-aaral ng lokal na pamahalaan. And besides, our agency is always ready to support such kind of endeavor, in its noble aim to boost the living condition of the common tao. Kaya’t asahan po ng lahat ang aming suporta dahil naniniwala din ako na sa tulong at pagsusumikap ng ating iniidolo (Rep. Pacquiao) ay lalong mapapabilis at tuloy-tuloy na po ang takbo ng mga nararapat na proseso,” ani Domanday.
Buo naman ang paniniwala ni Constantino na wala ng magiging hadlang sa paging ganap na bayan ng Malandag dahil sa nakikita nitong pagkakaisa ng mga opisyales mula probinsiya, LGU at maging sa hanay ng mga ordinaryong mamamayan na kaytagal na rin umanong naghihintay para sa pagkabuo nito.“
“Parti pamulitika, siguro nagapati ako nga daku ang pwede magin epikto sini sa akon. This is considering Brgy. Malandag that lays the Southern part of town as my birth place and since then deemed by many as a political stronghold to the Constantino family. Pero nakita ko ambi nga may ara pa gid sang mas maayo nga bwas damlag sa ngalan sang progreso kag nagkadaiya nga benipisyo nga nagahulat indi lamang sa mga ordinaryo nga mga tawo diri sa kapatagan, kundi hilabi na sa mga gagmay nga tribo sang mga Blaan kag Tagakaulo sa kabukiran, amo nga daku ang akon handum nga maendosar na gid ini nga proposisyon sang amon halangdon nga Rep. Pacquiao didto sa hawanan sang Kongreso para ginaplano nga pagpatindog sini nga banwa on or before 2013,” ani Constantino.
Kasama sa mga dokumento na nakatakdang isumite ni Pacquiao sa Kamara ay ang integrated income, population, total land area ng 13 mga baranagy na dati’y kabilang sa 31 na mga barangay ng Malungon, lakip ang kasiguruhan na maari na itong tumayong mag-isa at umunlad bilang ika-8 munisipalidad ng nasabing probinsiya. (Isagani Palma/ MIO-Malungon).
No comments:
Post a Comment