MALUNGON, Sarangani – TINATANTIYA na aabot P400, 000 ang halaga ng bigas na ipamamahagi ni Rep. Manny D. Pacquiao sa may 250 na mga kabataang nakiisa sa taonang “Sagip Bata” program ni Mayor Reynaldo F. Constantino sa Malungon, Sarangani.
Ayon sa ulat ay di umano inaasahan ng mga bata ang biglaang pagsulpot ng kongresista sa pagtitipon na sadyang inilalaan ni Constantino para sa mga paslit, lalo na yaong mga nanininirahan sa mga matataas na kundokan tuwing Kapaskuhan.
Ani Pacquiao, ang aginaldong tig-isang (1) sakong bigas sa may 250 na batang kasapi ng programang “Sagip-Bata year-II” ng lokal na pamahalaan ay bahagi lamang ipinangako nitong suporta para sa kalusugan ng mga batang Sarangans.
“Wala gyud ko nakalimot sa inyo tanan hilabi na sa atong mga kabataan. Gani akong ginasiguro nga magapadayon ang tanang programa namo ni Mayor Bong hilabi na katong para sa kaayuhan sa panglawas dinhi sa atong banwa sa Malungon. Ug kauban sa sini nga kasiguruhan ako pud nga ginapaabot sa inyo ang daku nakong pagpasalamat sa tanang suporta nga gipakita ninyo sa akong administrasyon,” ani Pacquiao.
Sa ilalim ng temang:“Kalusugan ay kayamanan, kabataan ay alagaan tungo sa maunlad na baya” ay iniipon ni Constantino ang mga paslit at mga batang may kapansanan para umano’y makapagdiwang ng Kapaskuhan sa loob ng Municipal Gymnasium taon-taon.
“The presence of our beloved Congressman Paquiao today is of lucid proof that he (Pacquiao) has never renege to his promise sa aton nga magapadayon nga yara permi sa aton ang presensiya kag pagpalanga sang aton kongresista despite of his hectic schedule to serve the whole people of Sarangani,” ani Constantino.
Sa gitna ng naturang okasyon ay magkasama ring namigay sina Constantino at Pacquiao ng mga pamaskong wheel-chairs sa dalawang polio o infantile paralysis victims, kung saan personal na pinangko ni Rep. Pacquaio ang bawat isa patungo sa kani-kaniyang upuan. Kalakip nito ay namahagi din ng gift packs na may kasamang bigas, assorted health-care items, t-shirts, at apples ang lokal na pamahalaan sa gitna ng isang masaganang kainan at entertainments ng mga clowns.
This undertaking was conceptualized because of Mayor Constantino’s desire to let poor children feel the essence of love and giving during the special celebration of the Yuletide season,’ ani Dra. Rafaida Garay-Hernandez na siyang Municipal Health Officer ng bayan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon)
No comments:
Post a Comment