Applauded Congressman – Umani ng papuri si world eight (8) boxing division champ at Rep. Manny Pacquaio mula sa mga matataas na opisyal ng lalawigan sa ginawa nitong pagtatanong (interpolation) sa Kamara kay minority floor leader Albay Rep. Edcel Lagman hingil sa isinusulong na RH Bill sa Kamara. Makikita sa larawan sa isinagawang pagpupulong sa Bahay Pamahalaan ng Glan noong araw ng Huwebes sina (seated from L-R) Glan town Mayor Tata Yap, Rep. Manny Pacquiao, Sarangani Gov. Miguel Dominguez, Malungon Mayor Bong Constantino (standing), Malapatan Mayor Alfredo Singcoy and Alabel town Mayor Corazon GRafilo. Also standing (far right) is Pacman’s legal officer, Atty. Jeng Gacal Jr. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ Ippalma).
---------------------------------------------------------------------------------------
GLAN, Sarangani – Masaya’t naging aktibo ang mga opisyales ng probinsiya at iba’t-ibang bayan sa pagsalubong sa unang araw na pagbubukas ng Sarangani Bay Festival noong araw na Huwebes sa bayan ng Glan ng naturang lalawigan.
Umani ng papuri si Pacquiao mula sa mga naturang opisyales hindi lamang dahil ayon pa, sa mga ipina-abot nitong katanungan kay reproductive health (RH) author at House Minority leader Rep. Edcel Lagman ng Albay, kundi dahil na rin sa ipinakita nitong katapangan para tumayo sa gitna ng Kamara’t repasuhin ang isinusulong na batas ng isa sa mga beteranong mambabatas ng Kamara.
“Alam naman ng lahat na isang baguhang Kongresista si Rep. Pacquiao so there is no much question about that or on how much he could knock out the honorable Rep. Lagman who authored the controversial RH bill. Ang sa atin ay ang ipinakita nitong katapangan at muling paglagay ng Sarangani sa mapa ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga dileberasyong ginawa nito na ‘di natin nasilayan sa loob ng napakahabang panahon. Dahil dito ay ipinakita na naman ng ating fighting kongresman ang kakayahan nitong makiisa sa Kamara na noo’y nilalait ng mga nagsasabing mas matatalino sila kaysa kanya. After such a long time of silence, at least muli na naman nating narinig ang tinig ng isang Sarangan sa Kongreso,” ang sagot ni Mayor Constantino sa gitna ng ilang mga katanungan na ipinaabot sa kanya ng media.
Sa gitna ng sinasabing pulong-pulong ay napag-usapan din ang ilang magiging prioridad na mga proyekto ng mga municipal at provincial officials ng lalawigan sa pangunguna ni Gov. Dominguez at Rep. Pacquiao.
Kasama dito ay ang pagsaayos ng ilang programa hingil sa PhilHealth, GSIS at Medical outreach.
Samanatala ay patuloy ang pagbuhos ng mga turista sa bayan para makiisa sa mga nalalabing kasiyahan ngayong araw ng Sabado.
No comments:
Post a Comment