S’LANG Fest ’11 - Matamang nakikinig sina (L-R) Malandag Network Bank manager Revel Riano at Amelia “Beng” Constantino-Zulieta, bagong tagapamahala ng Municipal Tourism Council (MTC), habang nagbibigay ng ilang paalala’t kaalaman hingil sa kahalagahan ng nalalapit na selebrasyon ng week-long 4th Slang’ Festival kahapon si dating MTC deputy chairperson at kasalukuyang Sarangani Board Member Eleanor Constantino-Saguiguit sa may Tree Park ng bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
-------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani - MAHIGPIT na suporta at pagtututok tungo sa ikatatatag ng turismo ang ipinaabot ni Sarangani Board Member Eleanor Constantino-Saguiguit sa gitna ng isinagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan hingil sa nalalapit na ‘san lingong selebrasyon ng S’lang Festival at 42nd Year Foundation Anniversary ng naturang bayan.
Sa gitna ng pagtitipon ay muling pinaalalahanan ni Saguiguit ang mga magiging tagapamahala ng samo’t saring kaganapan na lalong higpitan umano ang pagtututok at dedikasyon sa mga nakaatang na tungkulin para sa patuloy na pamamayagpag ng turismo’t tunay na kahulugan ng “S’lang Festival.”
Ang salitang “S’lang” ay naglalarawan ng isang tradisyonal na pagtitipon ng mga tribo para sa sayon pa’y sina-unang sestima ng “barter trade” o palitan ng kani-kanilang produkto mula sa kabukiran.
“Tulad ng mga nakaraang taon ay dapat lamang na panatilihin o higitan pa natin ang pagkakaisa para sa ikakatagumpay ng ating S’lang Festival ngayong taon. Dahil isa ito sa mga susi para lalong makilala’t malaman ng lahat ang mga nakatagong kagandahan sa likod ng ating simpling pamumuhay, tradisyon at kultura dito sa bayan ng Malungon,” ani Saguigui na siya rin may haak ng Provincial Tourism Committee.
Maaalala na magkasamang pinatatag ni Mayor Reynaldo F. Constantino at ng matalik na kaibigan nito na dating MTC chairman at kasalukuyang representante ng Sarangani sa Kamara na si Rep. Manny D. Pacquiao ang turismo ss bayan. Sa tulong na rin ni Saguiguit ay unti-unting nabuksan ang mga nakatagong kagandahan ng kalikasan sa mga kabundokan, lakip ang masigla’t walang patid na pagbuhos ng tubig mula sa mga nakatagong batis at waterfalls sa marangyang kapaligiran.
Sa isinagawang pagpupulong ni Mayor Consatntino sa 31 barangay kapitanes ng bayan ay buong sigla rin nitong ibinalita ang bagong hirang na MTC chairman na si Amelia “Beng” Constantino-Zulieta, na nakababatang kapatid nito.
Ayon kay Zulieta, dating chief executive secretary ng namayapang bise gobernador ng Sarangani na si Hon. Felipe K. Constantino ay gagawin nito ang lahat para sa patuloy na ikasisigla ng turismo sa naturang pook.
Sa kasalukuyan ay matamang pinaghahandaan ng MTC ang pagsagawa ng mahigit-kumulang sa dalawanpu’t limang (25) naglalakihang kaganapan sa S’lang Fest ‘11. (With reports from Malungon Information Office).
No comments:
Post a Comment