Friday, May 20, 2011

Pacman, darating sa Sarangani Bay Fest ngayon!



Cheerful Sarangans – Matamang kinumperma ni world eight (8) division boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang pagdalo nito sa opisyal na pagbubukas ng Sarangani Bay Fest ngayon (Huwebes) sa bayan ng Glan. Makikita sa larawan sina Cong. Pacquiao, Chavit Singson, at Gov. Miguel A. Domiguez, board members, municipal at provincial officials kasama ang mga mayores ng iba’t ibang bayan na sina (R-L) Mayor Elsie Perrett, Tata Yap, Bong Constantino at Alfonso Sincoy sa isinagawang press conference sa Capitolyo kasunod ng isang heroes welcome sa bayan ng Alabel, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ Ippalma).      

----------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – Bagama’t di diretsahang ibinigay ni Mayor Reynaldo F. Constantino ang tamang oras ay kinumperma naman nito ang ayon pa’y pagdating ni Rep. Manny D. Pacquiao para sa opisyal na pagbubukas ng “Sarangani Bay Festival 2011” ngayong araw (Huwebes) sa bayan ng Glan ng naturang lalawigan.


Sa natangap na tawag sa telepono mula kay world eight (8) division boxing champ at Sarangani Rep. Pacquiao kasunod sa pagsa-ire nito ng ilang mga katanungan (interpolate) hingil sa kontrobersiyal na pagsa-batas ng RH bill sa Kamara kahapon ay sinabi ni Constantino na siniguro naman ng kongresista ang pagdating nito para kasamang makisaya sa mga Sarangans.


Ayon sa mga naunang ulat ay inaasahan di umano ng mga opisyales ng probinsiya  ang pagdagsa ng mahigit-kumulang sa may 30, 000 turista para makisaya sa nasabing bay fest ng naturang lalawigan.


 “Ayon sa ating Kongresista ay darating ito ngayon para sa isang mahalagang pagpupulong sa kanyang mga opisyales and to grace the official opening of this big event,” ani Constantino.


Sinabi ni Glan Mayor Tata Yap na talagang pinaghandaan ng buong lalawigan ang pagdating ng naturang selebrasyon dahil sa inaasahan nito ang pagdatingan ng 'di laman mga pilipinong turista kundi maging  mga  dayuhan na mula pa sa ibang bansa.


Sa isinagawang press conference kamakailan lang ay sinabi rin ni Sarangani Gov. Miguel A. Dominguez na inaasahan na ang pagdatingan ng mga dadalong turista sa 3-araw ng selebrasyon na ayon pa’y tatagal hangang sa ika-21 ng Mayo.


“Everything are set for this great celebration including our security and health care providers kaya wala tayong dapat na ikabahala lalo na doon sa mga makikiisa’t makikisaya  sa ating bay festival. And besides, noon pa naman ay talaga namang napatunayan na natin na lagi itong nagtatapos sa kasayahan with no other untoward incident na nangyayare even during and after the event,” ani Dominguez.

Kasama sa mga malalaking kasiyahan sa unang araw ng Sarangani beach festival ay ang Sarangani fun run, Launching at oath taking ng provincial TB board, Culinary  competition, Integrated eco-system resource management, Bay fair opening; Sayaw Sarangan hataw sa tag-araw; Acoustic night at ang Wacky night na gagawin sa Coco Beach at Isla Jardin del Mar Resorts. Ayon sa inpormasyon ay aabot umano sa P2M ang paghahandang ginawa para sa pinakahihintay na kasiyahan. (Isagani Palma/ MIO-Malungon).

No comments:

Post a Comment