Tuesday, March 27, 2012

A gesture of fulfillment

Speechless – Sarangani Gov. Migs A. Dominguez (right) silently looks on as Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino and better half Roselyn, in a very momentous occasion, speechlessly  hem in  their daughter, Atty. Theresa D. Constantino during the latter’s thanksgiving party in Malungon, Sarangani. Of the 5, 990 hopefuls, the young Constantino is among the 1,913 BAR passers in the November 2011 professional licensure test held at the University of Santo Tomas, Manila. (Isagani Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE)

New Lawyer - Atty. Theresa Dadivas Constantino (center) happily pose with parents, Mayor Reynaldo F. Constantino and mom Roselyn during a thanksgiving gathering in Malungon, Sarangani. Thessa or cute, as what her close friends and schoolmates at the Ateneo De Davao University used to call her, recently passed the 2011 BAR examination in Manila. (Isagani Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Rep. Pacquiao, nag-bubu P11.4M para sa infra-projects sang Malungon

Sarangani Army and Navy reserve commands –  ARMY reservist LTC Manny D. Pacquiao, Mayor Reynaldo F. Constantino and Navy reservist Commander Migs A. Dominguez shares light moment shortly after the closing ceremony of the first 1205th Community Defense Center-12RCDC ‘Class-MATATAG’ special basic citizen military training (SBCMT) in Malungon, Sarangani. (Jojo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Pacman infra-projects – Engineering dep’t staff Ignacio Cartojano unveils the press Wednesday, a posted list of Rep. Manny Pacquiao’s (PDAF) infra-projects for CY-2012 worth P11.4M in Malungon, Sarangani. (Jojo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Former bandits’ lair goes ‘high tech’ – Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino and Periodico Banat (tabloid) publisher Jong Gorgonio, in support of Sagittarius Mines Inc., gleefully turns over Datal Batong Brgy. Captain Pido Saldivia, a brand new computer set and an ES9 Samsung digital camera amid a weekly ‘Lingap sa Barangay’ outreach program of Rep. Manny Pacquiao and Mayor Bong Constantino in Brgy. Bo. B’laan, Malungon, Sarangani. (Isagani Palma/MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani – GINKUMPERMA sang Municipal Engineers Office (MEO) ang pagbubu ni Rep. Manny D. Pacquiao sang may P11.4-M nga pundo para gamiton sa pagpatindog sang mga nagkalain-lain nga mga proyekto sang Congressional Office kag  lokal nga pangamhanan sang sini nga banwa.
 
                Sa pakig-estorya kay municipal Engr. Rodrigo Palec, ginsiling sini nga ang amo nga pundo bahin sang may P52M priority development assistance fund ukon PDAF ni Rep. Pacquiao nga ginpang-amud-amud sini sa pito (7) ka mga munisepyo nga yara sa sulod sang distrito.
                Siling ni Engr. Palec, upod sang sini nga mga proyekto amo ang pag-instalar sang kuryente sa sitio Malinis pakadto sa sitio Ambang sang Brgy. Tamban (P600, 000); paghimo sang may 580 metros nga concrete pavement sa Brgy. Malandag (P3M); pagpanday sang terminal building kag roadway sa Brgy. Poblacion (P2.7M); P1M nga bili sang technical and vocational school building sa Brgy. Banate; P3M-worth school buildings para sa Brgys. Malalag Cogon kag Malandag; kag P1.1M nga bili sang (186 meters) concrete pavement umpisa halin Nat’l Highway pakadto sa Mc’ Kenjay Mini Mart sa Brgy. Poblacion. 
  
            Luwas sini, ginasiling nga may ara pa gid sang iban nga pundo nga mahimo mabaton ang banwa sang Malungon halin sa P30M ‘soft fund’ ni Congressman.    
  
            Hambal ni Contantino, amo na ini ang resulta sa ginpakita nga paghiliusa sang tanan nga mga opisyales sang gobyerno diri sa Sarangani. Ginasiling nga namuldi ang may P52 milyones nga PDAF tungod sa ‘counter-parting’ o pagbinuligay sang mga opisyales halin sa 7 ka munisepyo, provincial officials kag sang halangdon nga Rep. Pacquiao. 

                “I think this is now the result of our congressional, provincial and municipal officials’ collective planning, and an amalgamation of everybody’s active participation in a bid to sustain, develop and strengthen the socio-economic condition of the underprivileged poor in far flung villages,” ang siling ni Constantino nga amo ang kasamtangan nga president sang Liga sang mga Mayores sa (LMP-Sarangani Chapter) probinsiya sang Sarangani. 

                    Tungod sang maayo kag maabtikon nga klase sang pangobyerno, dako ang pagpati sang mayor nga indi na magdugayan kag kilalahon gid sang tanan ang Sarangani bilang isa sa pinaka-progresibo kag pinakamatawhay (peaceful) nga istaran sa bilog nga Central Mindanao Region. 

 ‘Ang maayo nga klase sang liderato nila Cong. Pacquiao, Gov. Dominguez kag Vice Gov. Solon amo ang magaplastar para makalingkawas kita sa gusto nga ipatik sang mga taga iban nga lugar sa aton nga mga Sarangan. Ini amo ang bilang mga pumuluyo sang isa sa napulo (10) ka mga pinakapobre nga lugar sang aton nasyon,” ang siling ni Mayor Constantino. (Isagani P. Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Thursday, March 1, 2012

Community-Based Monitoring System, binuksan sa Malungon

Monitoring  Center – Makikita sa larawan si MPDO Nonito Nunez habang matamang pinagmamasdan  nito ang mga encoders ng may 32 computer sets worth P960, 000 na ginagamit sa kabubukas pa lamang na Community-Based Monitoring System (CBMS) ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).   
 
MALUNGON, Sarangani – MALAKI ang paniniwala ni Mayor Reynaldo F. Constantino na sa pagbubukas ng Monitoring Center  ay magkakaroon nang direktamenteng kaalaman ang kanyang administrasyon sa totoong katayuan sa buhay ng mga nasa malalayong barangay, kasabay nang sapa’t na kaalaman kung paano gagamitin ng LGU ang may P160-M na pondo nito sa bawat taon.
Ayon kay Constantino, sa pamamagitan ng mga computer sets na nasa pangangalaga ng mga computer encoders na mula sa 31 mga barangays ng naturang bayan ay magkakaroon na ng sapat na kaalaman ang LGU para tumbokin kung ano ang mga kinakailangang proyekto para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan.
“Amo gani nga kinahanglan nga makaparihestro gid ang kada tawo sa kada panimalay para mahibalan naton sa pagahimuon nga survey evaluation kujng ano ang ila mga prioridad nga mga kinahanglanon. Because the Community-Based Monitoring System (CBMS) was designed to assess poverty, and detect the needed project and program implementations in a bid to enhance the living condition of our local populace specifically those living in our far flung sitios and villages,” ani Constantino.
Ayon kay Nonito Nunez, Municipal Planning and Development Coordinator, ang mga detalyeng makukuha ng CBMS ay siyang magsisilbi na opisyal na basihan hindi lamang ng LGU, kundi maging nang mga national at foreign agencies, NGOs at iba’t iba pang sangay ng pahahalaan na nagbabalak maglagay ng proyekto sa bayan.
Gayon pa man ay sinabi ni Nunez na hindi pa rin magiging epektibo and nasabing proyekto kung hindi makikiisa dito ang mga mamamayan.
Kasama sa mga benipesyo na makukuha mula sa proyekto ay ang malaya’t mabilis na pamamaraan para maipararating ng mga taongbayan ang ninanais na mga proyekto para sa mabilis na progreso.   
“This project includes community participation in the development preparation and monitoring processes, fortification of existing LGU database, improvement in the preparation of socioeconomic profiles, development and investment plans, determining shortages on food and supplies in the local level, and in identifying resource allocations and eligible beneficiaries for the proposed government undertakings,” ani Nunez. (Isagani P. Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE)

LGU, AFP nakiisa sa PNP symbolic torch run para sa kapayapaan

Peace Torch – Mayor Reynaldo “Bong” Constantino (3rd – L) led local gov’t officials in accepting ‘peace’ torches from Tacurong, Sultan Kudarat Province during a symbolic torch run for peace activity in Malungon, Sarangani. Also in photo are (L-R) Municipal Councilors Edmund Pangilan, Joseph Calanao, Vice Mayor Benjamin Guilley, the Army’s 1002nd Brigade Commander Col. Gloriouso Miranda, and Police C/Supt. Rolly Octavio. (JoJo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Run For Peace – Contingents from group ‘Matatag’ of Arescom’s Community Defense Center ushers the long-way run for (center left-right) Mayor Reynal ‘Bong’ Constantino, Vice Mayor Benjamin Guilley, municipal councilors Joseph Calanao and Edmund Pangilan during a symbolic torch run for peace activity in Malungon, Sarangani. The torch relay which started from Tacurong, Sultan Kudarat was spearheaded by the Philippine Police led by P/Supt Rolly Octavio, and Col. Gloriouso Miranda of the Army’s 1002nd Brigade in Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano/ MALUNGON INFORMATION OFFICE). 

MALUNGON, Sarangani – DALA-dala ang liwanag na umano’y simbulo ng kapayapaan, masiglang nakibahagi sa isinagawang ‘Torch Run for Peace” ng Philippine National Police noong araw ng Miyerkules ang mga lokal na opisyales nitong bayan, Armed Forces, non-government organizations, Philippine Boy Scouts at iba pang sektor para sa pagbabandila ng pinagkaisang hangarin na makamtan ang tunay na kahulugan ng kapayapaan dito sa Rehiyon 12.

Ayon kay Police Supt. Rolly Octavio, ang ‘torch run for peace’ ay masiglang tinagap at sinabayan ng mga mamamayan ng bayan ng Malungon at ng Armed Forces sa pamumuno nina Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino at Col. Glorioso Miranda, 1002nd Army brigade commander, sa pagdating nito mula sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Timog Kotabato at lungsod ng Heneral Santos para maiparating sa lahat ang tunay na kahulugan ng mapayapa at tahimik na pamumuhay sa panig na ito ng Mindanao. 

“This is a sort of advocacy to figuratively show that we could attain lasting peace in Mindanao not through guns and violence but through unity as peace-loving citizens,” ani Octavio.
Samantala, matibay naman ang kasiguruhan na ipinarating ni Col. Miranda na ayon pa’y laging bukas umano ang hukbong sandatahan para sa anomang usapin para sa kapayapaan.
“We are maybe bounded by different faith and occupation but all in one, I believe we have of same objective. This is to live in peace, security and stability. That is why we are very supportive in the peace development outreach program or PEDOP of our government. Because it is a philosophy in the AFP to offer supplemental support to the LGU, in order them to extend more ample services to our poor brothers that are living in the isolated villages,” ani Miranda.

Sinabi naman ni Constantino na dapat lamang na pahalagahan ang programang ito ng pulisya dahil malaki umano ang paniniwala nito na sa pamamagitan ng isang seryoso’t makatutuhanang usapin para sa kapayapaan ay makakamtan ng sambayanang Pilipino ang minimithing progreso. 

Matatandaan na mula sa pagiging “Haven of cattle rustlers” o “ sanctuary of lawless elements” noon ay naitaguyod ni Constantino na maging isa sa pinakatahimik at progresibong bayan sa boong lalawigan ng Sarangani ang Malungo kasunod sa pagsuko ng mga kilalang bandido sa kanyang administrasyo noong 2007.  

“Nagapati ako nga indi lamang pinaagi sa g’yera naton makuha ang simpatiya sadtong aton mga kauturan nga padayon nga nagapanago sa mga kabukiran. Kundi yara ini sa matuod-tuod nga pamaagi sang rekonsilasyon, upod sang seryoso nga pagbulig sang aton nga pangamhanan. Gani, daku ang akon pagpasalamat sa sini nga mga aktibidades sang aton Philippine National Police tungod kay tungod sini, maipaabot naton sa tanan kung ano kaseryoso ang aton gobyerno sa ginatawag nga programa sini para sa rekonsilayon kag panag-hiusa, para sa kaayuhan sang tanan,” ani Constantino.
 
“I hope that this undertaking will reach and inspire each and everyone to unite and work as one, for us to attain what we desire in terms of progress and development. And enjoy the tranquility of living in a peaceful community,” dagdag pa ni Constantino. (Isagani P. Palma/ MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Wednesday, February 15, 2012

COYUGG mass feeding, isinagawa sa MCES

COYUGG nourishes the children– More or less 290 pupils in Malungon Central Elementary School (MCEL) savor the great taste of “arroz con caldo” (otherwise known as Spanish chicken soup) during a mass feeding stressed by the Concern Youth United for Good Governance (COYUGG) in Malungon, Sarangani. The group, led by founder Thessa (2nd daughter of Mayor Reynaldo F. Constantino), was also assisted by (L-R) Malungon town first lady Roselyn D. Costantino, COYUGG Board of Trustee Mark Henson Villareal and MCES principal Leah Farnazo Tingson during the said activity. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE). 

MALUNGON, Sarangani – AABOT sa mahigit-kumulang 290 na mga batang ma-aaral ang 
masayang nakibahagi sa isinagawang “mass feeding” activity noong araw ng B’yernes ng 
grupong Concern Youth United for Good Governance o COYUGG sa Malungon CentralElementary School dito sa naturang bayan.              
Ayon kay COYUGG founder Thessa Constantino, pumapangalawa sa apat na anak ni Mayor Bong Constantino, ang adhikain ng kanilang samahan ay ‘di lamang nakatuon sa pagbigay-daan para sa mga angking kakayahan at talento ng mga kabataan sa entablado, kundi maging sa pagtaguyod na rin ng tunay na kahulugan ng unidad at wastong pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.             
Matatandaan na noong nakaraang taon ay isa ang mga COYUGG Dancers sa mga naging ‘finalists’ ng programang Showtime ni Vice Ganda sa ABS-CBN giant television network na naka-base sa kauluhang Maynila.    
Maliban dito, noong mga nagdaang araw ay unti-unti na ring nakilala ang COYUGG dahil sa ipinapakitang pagpapahalaga sa mga kabataan, lakip na sa pamimigay ng mga used clothing, laruan, medisina at iba pang bagay na nakakapagpasaya sa mga dukha’t walang-wala tuwing kapaskuhan.  
Ayon kay Thessa ay kasalukuyan din nitong pinag-aaralan ang pagpapatayo ng isang talent studio sa lokalidad.
“Sana po ay kaawaan pa ako ng ating mahal na Poon nang sa gayo’y mas lalo ko pang matulungan ang mga naghihikahos kong mga kababayan,” ani Thessa, na sa kasalukuyan ay nananalangin din na sana’y mapabilang ito sa mga palaring makapasa sa BAR Exams para sa kurso nitong Abogasiya. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma)

Tuesday, January 31, 2012

Granada para kay ABC chair, na recover!

Unwanted ‘gift’ - MAKIKITA sa larawan sina Mayor Bong Constantino (2nd L) at  Sr. Insp. Alvin Martin, Malungon PNP station chief  (2nd R), habang hawak-hawak naman ng isang taga Explosive Ordinance Disposal (EOD) team ang  na-defuse na M-26  grenade kahapon sa ABC Hall ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON Sarangani - ISANG Granada na nakasilid sa maliit na kahon ang matagumpay na na-recover ng pulisya kahapon matapos ihatid ng isang 11-taong gulang na bata mga bandang 12:45 p.m. sa tangapan ng Associations of the Barangay Captains (ABC Hall) dito sa naturang bayan.
 
Una umanong tinangka ng suspek na iwan o ipa-receive ang kahon ng ‘goldilocks cake’  sa Sangguniang Bayan ngunit ng mapagalaman nito na nasa di kalayuan lamang ang tangapan ni ABC president Delia F. Constantino, ina ni Malungon town Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, ay agad na umalis ang suspetsado.  Ayon pa sa mga nakakita, ito ay nasa wastong gulang, may taas na 5’6-5’7”, moreno at nasa katamtamang laki ang pangangatawan.
Makalipas ang ilang sandali, isang bata ang umano'y dumating sa ABC Hall para ihatid sa nakakatandang Constantino (na noo’y kalalabas lamang para mananghalian) ang nasabing kahon.  
“Nagduda kami dahil sa bigat nito (kahon) at wala naman kaming alam na okasyon o kaya’y selebrasyon para may magpadala ng gift kay Mama Del. Saka may butas ang kahon, kaya’t naglakas loob kami na silipin ito,” ang sabi ng mga empleyado na tumanging isulat ang kani-kanilang mga pagkakilanlan.   
 
Sa pakikipagpanayam kay Sr. Insp. Alvin Martin, hepe ng Malungon Police Station ay sinabi nito na agad na tumawag ang lokal na pulisya ng Explosive Ordinance Disposal (EOD) team kung saan na-recover ng mga ito mula sa kahon ang isang M-26 grenade.
 
“Nakakabit sa safety pin nito (Granada) at takip ng kahon ang isang tali na kapag binuksan ay malamang na sasabog ito agad sa lakas na 15 meter radius,” ani Martin na sa kasalukuyan ay naniniwala na maaring personal o pulitika ang dahilan ng pagtatangka.  
Agad naman na nagbigay kautusan ang alkalde para sa pagsagawa ng mas mahigpit na security plan. Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Constantino ang lahat na maging maingat sa pagtangap ng kahit na anong bagay lalo na yaong mula sa mga di kilala o inaasahang panauhin.
“Ini tanan isa na ka warning sa aton. Gani nagapasalamat gid ako sa aton D’yos kay wala sang malain nga nahitabo indi lamang sa akon pinalanga ng inahan kundi sa atong tanan,” ani Mayor Constantino.
Samantala, isinabi ni Martin na pansamantala nang pinauwi ng pulisya ang bata dahil lumalabas sa inbestigasyon na nagmagandang loob lamang ito na dalhin sa ABC Hall ang .kahon matapos mapag-utosan ng suspek.   (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
 

Saturday, January 21, 2012

Problema sa SarGen border, tututukan nina Custodio at Constantino

Gensan-Sarangani BORDER –  Sina Malungon town Mayor Reynaldo F. Constantino at City Mayor Darlene Antonino-Custodio sa isang seryosong paguusap sa City Hall noong Martes kung paano mabigyan ng magandang solusyon ang matagal ng nakabinbin na usapin hingil sa wastong hanganan (border) sa may Hilaga at Katimogang bahagi ng Sarangani at Lungsod ng Heneral Santos. Makikita din sa kanang bahagi ng larawan si municipal assessor Honnelyne J. Gilley-Toyogon ng LGU-Malungon. (MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – ISANG masigla’t seryosong pag-uusap ang namagitan kina Malungon town Mayor Reynaldo F. Constantino at City Mayor Darlene Antonino-Custodio noong araw ng Martes sa hangaring mabigyan na ng sapat na solusyon ang may ilang dekada na ring usapin hingil sa wastong hanganan sa may Hilaga’t Katimogang bahagi ng Lungsod ng Heneral Santos at nang bayan ng Malungon sa kalapit na lalawigan ng Sarangani.
Sa isang pribadong pag-uusap sa Bahay Pamahalaan ng Lungsod ay napagpasyahan ng dalawang mayores ang pagbuo ng grupo o survey team para sa isasagawang ‘actual ground survey’ sa darating na araw ng Martes (January 24) sa may Brgy. Upper Labay at Sitio Pulatana ng magkaratig na pook para matukoy kung saan ang totoong hanganan na ayon pa’y naging sentro na rin ng ilang kontrobersiya noong mga nagdaang dekada.  
Ayon kay Malungon municipal assessor Honnelyne J. Gilley-Toyogon, inaasahan din na kasama sa sinasabing survey team ang ilang personahe mula Department of Environment and Natural Resources at ahensiya ng pamahalaan.
“Nakita ta man kung gaano ka seryoso si Mayor Darlene Custodio gani nagapati gid ako nga sa pagbinuligay namon nga ini, mahimo na nga masolusyonan ang madugay na nga ginahulat sang tanan. Ini amo ang pag-locate naton kung asta diin gid ang boundary para madula na ang madugay nga nagapalibog sa ulo sang aton mga katawhan,” ani Constantino. (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)