MALUNGON, Sarangani – MAINIT na sinalubong ng mga tribal Chieftains, local gov’t officials at mga residente sa pamumuno ni Mayor Reynaldo “Bong” Constantino ang pagdating ni Bise Presidente Jojomar Binay sa bayan noong araw ng Miyerkules (Octobre 8), kung saan ay iniabot nito ang paunang pundo na P5-milyon para sa pagpapatayo ng may 100-unit na pabahay ng National Housing Authority (NHA) para sa mga minoridad na m’yembro ng tribong Blaan sa sitio Kalonbarak, Malungon, Sarangani Province.
Ayon kay Constantino, ang naturang pundo ay bahagi ng ipinangakong proyekto ng Bise Presidente na siyang ring chairperson ng National Housing Authority, na 100-unit na pabahay na nagkakahalaga ng P10 milyon para sa mga pamilyang IPs sa naturang pook.
Ang desinyo ng nasabing proyekto ay unang ipinaabot sa lokal na pamahalaan ni Binay noong buwan ng Pebrero ng nakaraang taon (2013), sa pamamagitan ni NHA Region-12 (OIC) director Engr. Rolando Teves, na siyang nagpunta sa Malungon para iparating ang magandang balita sa alkalde.
“Dako gid ang akon pagpasalamat sa sinseridad nga ginapakita sang aton mahal nga Bise Presidente Binay, hilabi na gid sa paghatag sang amo nga proyekto sa mga minoridad nga sa sulod sang madugay na nga panahon, amo pa lang makatagamtam nga makapuyo sa subong sini nga klase sang panimalay nga pagabuhaton didto sa ginakunsidera naton nga mga matag-as nga kabukiran sang sini nga banwa,” ani Constantino na isa ring half-blooded Blaan.
Sinabi din ni Binay na maliban sa kasalukuyang proyekto, planong magpatayo din ng NHA ng kahalintulad na pabahay project para sa tribo ng mga Taga-Kaulos sa taong 2015.
Maliban sa pagbigay ng pundo ay kinumperma din ni Binay ang plano nitong pagtakbo sa paka-Presidente sa darating na 2016 synchronized elections.
Sakali man umanong manalo ito sa pilian ay sinabi ni Binay na may ilan itong prioridad o revisions na nais ipatupad sa sestima ng pamamahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) sa iba’t-ibang sangay ng mga local government units sa buong kapuluan.
Ayon dito, ang P500 thousand na National Funding ay deriktamente ng matatangap ng bawat LGUs, at hindi na ito daraan pa sa regional at provincial level na kadalasay "siyang dahilan ng ‘pagliit’ ng pundo bago pa man ito tuluyang matangap ng bawat lokal na pamahalaan."
Kaalinsabay din nito umano ay ang pagpasigla ng computerization system ng mga pamahalaang lokal.
“Plano ko rin na ‘wag ng bigyan ng IRA ang mga malalaking LGUs na tulad ng Makati na kumikita ng may P12 na bilyong local tax revenue collection at hindi na umaasa pa sa 25% na IRA na nagkakahalaga ng P800-million. Ito po ay ibabahagi ko na lamang doon sa mga maliliit na mga pamahalaang lokal na mas nangangailangan ng tulong at proyekto mula sa ating mataas na pamahalaan,” ani Binay. (Isagani P. Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment