RFC with ABS-CBN news team - Mayor Reynaldo F. Constantino stresses a bird's eye view to the Monday (October 13) visit of ARMM delegates lead by Gov. Mujiv Hataman, to a television reporter during a mid-afternoon interview at the Municipal Hall of Malungon town in Sarangani Province. (Isagani Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE).
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – Mismong si Autonomous Region for Muslim Mindanao Gov. Mujiv Sabbihi Hataman ang nanguna sa isinagawang tour visit ng mga matataas na opisyales ng ARMM noong araw ng Lunes (Octobre 13) dito sa bayan, sa pagnanais na umano’y makakalap ng mahalagang kaalaman at pamamaraan para mapagtibay ang sestima ng edukasyon sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Hataman ay pinili ng kanilang delegasyon ang Malungon hindi lamang dahil sa napabalita na magandang samahan ng lokal na pamahalaan at ng Departmento ng Edukasyon, kundi maging sa aktibong pagsuporta nito sa hangarin ng lalawigan na lalong mapagtibay ang pamamaraan ng pagtuturo, na malaki umano ang naitulong sa sunod-sunod na pamamayagpag nito (Sarangani Province) sa mga isinagawang National Achievement Test (NAT) noong mga nakaraang taon.
Isa din sa mga binigyang pagtanaw sa ginawang pagtitipon ay ang pagkatangap ni dating Gob. Migs Alcantara-Dominguez ng prestihiyosong “Galing Pook Award” mula sa mismong presidente ng bansa na si Pres. Benigno Aquino III, dahil sa magandang pagtutulungan ng mga LGUs, DepEd officials, at nang mga bumubo ng programang QUEST o Quality Education for Sarangani Today na unang hinubog ni Dominguez noong taong 2007, sa hangaring mabigyan ng tamang sestima ng edukasyon ang lahat ng mga kabataan sa naturang lalawigan.
Si Dominguez ay isa sa mga itinalagang tagapagsalita para sa naturang okasyon ngunit hindi ito nakadalo dahil sa di pa rin nalalamang dahilan.
“Now I think we have that enough gen on the importance of best practices in education, which will serve as a challenge to every ARMM official to work harder for the betterment and stabilization of our educational system in the Autonomous Region. For if Malungon that lays right at the core of a mountainous area could have able to establish it, how much more for Basilan that is strategically located in a much advantageous place and coastline,” ani Hataman sa gitna ng isang roundtable discussion na isinagawa sa loob ng Mayor’s Office conference room ng nasabing bayan.
Ayon naman kay Malungon town Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, maliban sa tamang pamamaraan ng pagpasigla ng educational system ng bawat pook ay kinakailangan pa rin ang sapat na ‘political will’ para maipatupad ito na sangayon sa mga nakaplanong programa ng gobyerno.
“We are giving stern emphasis in our educational programs for I am certain that it is only through proper education that our poor constituents could able to combat the major causes of poverty,” ang dagdag pa ni Constantino.
Sinasabing sa pamamagitan ng educational assistance program ng administrasyong Constantino ay inaasahan na naman ang pagtatapos ng iba’t ibang kurso ng may 115 na college students ngayong taon, maliban doon sa may 306 na una nang nakapagtapos mula ng maupo sa pwesto ang alkalde. Kabilang sa mga nagtapos ay ang 2 doctor na kasalukuyan ng naninilbihan sa MHO ng naturang munisepyo. Di pa kabilang dito ang may 30 college students na una na ring pinagtapos ng LGU at ng provincial government sa ilalim naman ng administrasyon ng kasalukuyang gobernador na si Gov. Steve Chiongbian-Solon, at sa tulong na rin Mindanao State University program for education baccalaureate degree, para sa taong 2013-14.
Ayon naman kay ARMM education secretary Jamar Kulayan ay gagamitin ng mga bumubuo ng delegasyon ang mga nakuhang kaalaman para mapaganda ang sestima ng edukasyon sa Autonomous Region, at makakalap ng sapat na interes ng mga mag-aaral para tuluyang makapagtapos ng kolehiyo.
Matapos ang pagpupulong sa Mayor’s Office ay tumuloy ang convoy sa Malandag Central Elementary School para personal na masilayan ng mga sumama ang sestima ng pagtuturo, maging ang kapaligiran at mga bumubuong pasilidad ng nasabing paaralan.
Maliban kina Hataman at Laluyan ay binubuo din ang nasabing delegasyon nina: ARMM DepEd directors Shuaib Maulana (Bureau of Elementary Education), Nur A. Pulong (Bureau of Alternative Learning System), at Dir. Marjuni Maddi ng bureau of planning services. Ang mga bumubuo ng iba’t-ibang LGUs ay sina: Vice Mayor Alex Handang, Mayor Rustam Ismael, Mayor Jomar Maturan, Mayor Ingatun Istarul, Lamitan City Vice Mayor Roderick Purigay, at ilang mga kumakatawan para sa ibat-ibang bayan ng ARMM. (MALUNGON INFORMATION OFFICE).
|
No comments:
Post a Comment