MALUNGON, Sarangani Province – NAGING madamdamin ang ginawang paglipat ng mga labi ni dating bise mayor-turned Mun. Councilor Benjamin Guilley sa Bahay Pamahalaan noong Sabado (Augusto 16) para sa huling dalawang araw na lamay, pag-alala at pagbigay-pugay sa mga nagawang pagserbisyo publiko ng naturang opisyal bago pa man ito tuluyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa ika-walo ng umaga sa darating na araw ng Lunes, sa may Gulleys' Farm, Barangay Banahaw nitong bayan.
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino ay inaasahan umano ang pagdatingan ng mas maraming makikiramay sa pamilya ng sumakabilang buhay sa huling dalawang araw ng pagbibigay-pugay ng pamahalaang lokal sa lahat ng mga nagawa’t naidulot ni Guilley sa bayan, sa loob ng may 29 na mahabang taon na paglilingkod nito sa pamahalaan.
“Masubo man nga isipon nga ang isa ka tawo nga nakita naton ang iya seryoso nga pagpangserbisyo sa katawhan magapahuway na upod sang aton mahal nga D’yos sa pihak nga kinabuhi pero wala gid kita sini sang mahimo kundi ang pagabatunon sang hugot sa aton tagipusuon ang desisyon sang aton mahal nga Makagagahum. Gani, kaupod sang aton nga mga opisyales sang banwa, lideres sang tribo kag bilog nga mga katawhan sang Malungon, ginapaabot gid namon ang amon daku nga kasubo sa pagkadula sang isa sa mga nagin haligi sang aton nga pang-gobyerno sa sulod sang madugay nga panahon,” ang madamdaming pamahayag ni Constantino sa isang eksplusibong pakikipagpanayam.
Inilipat si Guilley sa Mun. Hall matapos ang may mahigit isang linggo na pananatili ng labi nito sa Baptist Church kung saan una nang nagbigay ng kanya-kanyang mga pamahayag at pakikiramay ang mga malalapit na mga kamag-anak, opisyales ng bayan, kaibigan at tribal chieftains ng kinabibilangan nitong tribo ng mga Taga-Kaulos, sampu ng mga lideres ng tribong Blaan noong mga nakaraang gabi ng pagdadalamhati.
Ayon sa anak nitong si Honnelyne J. Guilley-Toyogon na siya ring hepe ng Municipal Assessor’s Office ay pumanaw ang kanyang ama noong Ika-walo ng Agosto sa edad na 64, sa GSC Doctors Hospital dahil sa sakit na cancer.
Si Guilley ay naging Court interpreter sa loob ng may 9 na taon bago ito tumakbo’t sunod-sunod na nanalo bilang konsehal hangang sa magtapos ang 9 na taong termino nito. Muli itong nagpapili’t nanalo bilang Bise Mayor sa loob ng 3 termino (9 years), na siyang humirang dito bilang natatanging bise mayor na nakapagtapos ng kanyang buong tatlong termino bilang presiding officer ng Sanggunian.
Matapos ang termino nito noong taong 2010 ay muli itong tumakbo bilang SB member at muling nanalo bilang pumapangatlong konseho ng bayan. (Ippalma/ mio).
No comments:
Post a Comment