Thursday, August 28, 2014

P2.3m Early Child Development Center, itatayo sa Malungon

Child development project – Bracing the local gov’t in providing upland preschools with adequate school facilities and learning, Newell M. Magas, the Early Child Care and Development (ECCD) council program officer, turns over Mayor Reynaldo F. Constantino (4th right) the amount of P2.3M for the donation of a preschool day care center construction that will equipped with modern learning facilities in Brgy. Poblacion, Malungon, Sarangani Province. Also in photo are (L-R) Mun. Engr. Rodrigo Palec, ECCD project Engr. Cris Noel Isagan, MSWDO Mildred Dela Cuesta, Mun. Accountant Noel Ramos, Mun. Treasurer Nimfa Figueroa and Mun. Planning and Development Coordinator, Nonito Nunez. (Keen Pacheco/ Ippalma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MASIGLANG tinangap ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ang donasyon na nagkakahalaga ng P2.3million noong nakaraang Lingo mula sa pamunuan ng Early Child Care and Development Council bilang suporta sa pinag-isang layunin na patibayin at mabigyan ng mas-pulido at magandang edukasyon ang mga kabataan dito sa naturang bayan.   

Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, ang nasabing pundo ay gagamitin para sa pagpatayo ng isang day care center sa Barangay Poblacion na magkakaroon ng mga modernong kagamitan sa pagsasanay,  maluwag na bakuran, at matibay konstraksiyon ng mga silid-aralan para sa kasiguruhan ng magandang edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral.

“Daku ang aton pagpasalamat sa ECCD tungod sa kadaku sang mahimo sang sini nga suporta para sa handum kag pagpaninguha sang aton nga LGU, nga matagaan sang wasto nga klase sang preparasyon ang aton mga kabataan sa ila nagkadaiya nga edukasyon.  Kay pinaagi sa amo nga klase sang bulig, magin mahapos na para sa sini nga administrasyon nga makab-ot ang ginahandum nga paghatag sang kabaguhan sa aton nga banwa, hilabi na gid sa pag-edukar sang aton mga kabataan nga nagapati ako nga amo ang pinaka-epiktibo nga pamaagi para makatibawas ang tanan sa tuman nga kapobrehon, bisan pa man yadto sa mga inadlaw nga wala na ako sa puder sang aton pangamhanan,” ang sabi ni Constantino.

Ang naturang pundo ay personal na ipinaabot sa mga opisyales ng Lgu sa pamamagitan ng isang simpleng turnover na ginanap sa loob ng tangapan ng alkalde nina ECCD program officer Newell Magas at Project Engr.  Cris Noel Isagan.

Ayon sa ulat, dahil sa pagsisikap na maiangat ang sestima ng edukasyon ay nagawang madagdagan ng kasalukuyang administrasyon ang dating bilang ng  mga public at primary schools ng may sampung (10) paaralan mula ng manungkulan si Constantrno noong taong 2007. Maliban dito ay ang pagtayo ng 13 integrated institutions (over and above 10 national high schools).

Ayon kay Constantino, maliban sa sinasabing ECCD preschool, ay inaasahan din ng lokal na pamahalaan ang di malaong pagtayo ng 2 pang karagdagang satellite schools at isang prestihiyosong Unibersidad sa bayan. (With reports from Keen Pacheco/ Municipal Planning and Dev’t Office).

No comments:

Post a Comment