Saturday, August 2, 2014

3 NPA sumuko; NDDU, AFP umakyat sa Tamban!


Let grow tress to ‘armor’ the future – Philippine Drug Enforcement Agency regional director Aileen Tan Lovitos, with legal officers Atty. Marife Alegre and Atty. Tessa Constantino, lead PDEA-12 operatives, soldiers of AFP’s 1002nd infantry brigade, Malungon LGU and barangay officials, NGOs and tribal chieftains in planting some 300 seedlings of ‘Nabol’ or otherwise known as Pacquiao or Duguan tree, Thursday (July 24) in Brgy. Datal Batong, Malungon, Sarangani. The PDEA asst. legal officer Constantino said the tree planting activity was part of the upcoming commemoration of the anti-drug agency’s 12-year Foundation Anniversary on July 30, 1014 dubbed as … “ Pinag-ibayong laban kontra droga.” (Isagani Palma/ Mio-Malungon).



Let ‘hope’ a realistic vision of today. Plant trees..! – Army Sergeant Harry Magrubang and a Blaan tribe leader brace in planting hardwood ‘Nabal’ tree seedlings (Otherwise called as Pacquiao, if not Duguan tree) amid a Philippine Drug Enforcement Agency-led tree growing activity in Brgy. Datal Batong, one of Malungon town's most farthest villages that is located at the southernmost part of Sarangani Province. PDEA12 asst. regional legal officer Atty. Tessa Constantino, said the Thursday (July 24) event was held in preparation to the upcoming 12-year founding anniversary celebration of the anti-drug agency in July 30, with its theme dubbed as  – “Pinag-ibayong laban kontra droga. (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Malungon, Sarangani Province – Bitbit ang kani-kanilang mga sandata, tatlong (3) m’yembro ng makakaliwang grupo na New People’s Army ang nagbalik-loob sa pamahalaaan, samantalang nagsagawa naman ngayong araw (Hulyo 27) ng isang ‘community involvement services campaign' ang mga estudyante ng Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) at Armed Forces sa Brgy. Tamban ng nasabing pook.
            
Ayon kay Army Capt. Rey Balibagoso na siyang civil military operations officer ng 1002nd Army Infantry Brigade, ang grupo ng mga College of Arts and Sciences students na pinapangunahan ni Mr. Danilo Gasicas ng NDDU ay magkasabay na umakyat kasama ng mga sundalo sa Brgy. Tamban, para sa magkaisang layunin na makapag-serbisyo publiko sa mga malalayo’t matataas na bahagi ng Malungon.
                
“Ang programa pong ito ay mahigpit na pinapatupad ngayon  ng ating  pamahalaan, at isa rin po sa mga pangunahing adhikain ng bagong liderato ni Army brigade commander, Col. Ronnie Villanueva,” ang mabilis na itinugon ni Capt. Balibagoso sa isinagawang pakikipagpanayam sa kanya kahapon sa telepono.
            
Sinabi din nito na ang patuloy na pagpalaganap ng AFP community relations sa mga liblib na pook ay isinasagawa ng militar upang maliban sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga sibilyan, maipaabot din sa mga ito ang tunay na alituntunin ng pamahalaang Aquino na mabigyan ng magandang pamumuhay ang mga mamamayan, lalo na yaong mga naninirahan sa mga liblib at matataas na bahagi ng nasyon.  
            
Matatandaan din na noong ika-22 nitong buwan ng Hulyo ay tatlong mga NPA guerrillas na mula din sa naturang barangay ang nagbalik-loob sa pamahalaan.
            
“Daladala ang kani-kanilang M-16 rifle ay muling niyakap ng mga ito ang batas sa hangaring makapag-bagong buhay, muling makasama ang kanilang mga minamahal, at makababa sa kapatagan,“ ani Balibagoso, na idinagdag pang agad naman umanong nagbigay ng cash at livelihood assistance  ang gobyerno sa mga ito sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP ng pamahalaan.
            
Agad namang kinumperma ni Vice Mayor Erwin Asgapo na tagaroon mismo sa Brgy. Tamban, ang nasabing ulat.
                
“Wala pa talaga akong alam kung magkano ang kanilang natangap mula sa CLIP na programa ng ating pamahalaan. Pero ang siniseguro ko po ay may inilaang separate support din para sa kanila ang ating lalawigan mula kay Gov. Steve Chiongbian-Solon,” ani Asgapo.  
                
Ayon dito, sa isinagawang pakikipagusap sa mga dating rebelde ay sinabi umano ng mga ito na ang kanilang pagbaba sa kabundokan ay hindi lamang dahil sa pera, kundi sa matinding pagod sa matagal nang pakikibaka, at pagnanais na muling makapamuhay ng tahimik sa piling ng kani-kanilang mga pamilya.
                
“Malaki rin ang paniniwala ko na isa sa mga pangunahing dahilan ng kanilang pagsuko ay dahil sa nakitang magandang pagbabago sa ilalim ng liderato ni Mayor Bongbong Constantino, lakip na ang pakakaisa’t magandang serbisyo na ipinapakita din ngayon ng mga lokal na opisyales ng ating lokal na gobyerno,” ang dagdag na pamamahayag ni Asgapo.
                
Ang mga sumuko sa Army 73rd IB na ayon pa’y mula sa  hukbong YUMIL (Yunit Malisya) ng NPA-GF75 ay sina:  Buroy Bato a.k.a. Dante, Fernando Mananga @ Lawaan, at Meon Tamba alias Joseph. (Isagani Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment