Thursday, February 27, 2014

Pacquiao, muling namayagpag bilang ‘top taxpayer’ ng BIR

‘Give BIR what is due to BIR’ – Ito ang mga katagang binitawan ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos muling mapili bilang ‘top taxpayer’ ng Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) sa gitna ng opisyal na pagbubukas noong araw ng Lunes (Pebrero 24) ng ‘RFP (Register, File, Pay) o 2014 tax campaign kick off’ ng naturang ahensiya sa pangunguna ni BIR Deputy Commissioner Nelson S. Aspe sa Phela Grande Convention Center, General Santos City. For more information, visit malungon.blogspot.com (Isagani Palma- MIO).



MP is BIR's 'top taxpayer' – Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Nelson Aspe (2nd – left) sa isinagawang press conference na kung siya lamang ang gagawa ng ‘arithmetic,’ malamang na di mahuhuli si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa hanay ng mga top taxpayers ng bansa. Samantalang ayon naman kay BIR district 110 Revenue District Officer Venerando Homez (left) ay aabot umano sa halagang P420 million ang naging tax remittances ni Pacquiao noong taong 2012. Makikita din sa larawan sina (from 3rd L-R) Lucita G. Rodriguez, ACIR Client Support Services at BIR rr-18 OIC regional director, Thelma S. Milabao. For more information, visit malungon.blogspot.com (Isagani Palma-MIO).



A gesture of professionalism – Si Sarangani Rep. Manny Pacquiao kasama sina (from left) BIR rr-18 OIC regional director Thelma S. Milabao at Gensan (BIR-110) Revenue District Officer Venerando Homez sa isang souvenir shot matapos tanghalin na isa sa mga ‘top taxpayers’ ng lungsod ang kongresista noong Lunes (Pebrero 24). Ginawa ang naturang parangal sa gitna ng paglulunsad ng Kawanihan ng Rentas Internas ng ‘RFP (Register, File, Pay) o 2014 tax campaign kick off’ sa Phela Grande Convention Center, General Santos City. For more information, vist malungon.blogspot.com (Isagani Palma-MIO).
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Pacquiao, muling namayagpag bilang ‘top taxpayer’ ng BIR

Updated last Wednesday
by Isagani Provido Palma


GENERAL SANTOS CITY – ‘Marami man ang naguguluhan’ ay muling hinirang ng Kagawaran ng Rentas Internas si Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao bilang isa sa mga nangungunang taxpayers ng lungsod sa isinagawang pagbubukas ng kampanyang ‘RFP (Register, File, Pay) o 2014 tax campaign kick off’ ng naturang ahensiya noong araw ng Lunes (Pebrero 24) sa Phela Grande Convention Center, General Santos City.
        Gayon pa man ay ipinaliwanag ni BIR Deputy Commissioner Nelson S. Aspe na wala naman umanong dapat na ipagtaka ang sambayanan sa muling pagkapili kay Pacquiao para sa nasabing titulo dahil 'di ito kunektado sa mga kinu-kuwestiyong buwis ng ahensiya sa naturang Kongresista.
            Matatandaan na kamakailan lamang ay sinabi ng BIR na naging kwest'yonable ang mga naging tax remittances ni Pacquiao lalo na sa mga kinita nito sa Estados Unidos noong taong 2008-09. Bagay na mahigpit namang ikinaila ng huli.   
         "Malinaw naman na kung ang pagbabasihan ay ang tax remittances ni Rep. Pacquiao noong 2012 ay talagang isa siya sa mga nagungunang taxpayers ng lungsod, o kung ako pa nga ang gagawa ng arithmetic ay masasabi ko pa na maaring kahit sa buong Pilipinas,” ani Aspe.
           Sa isinagawang press conference ay sinabi ni BIR district 110 Revenue District Officer Venerando B. Homez na aabot umano sa may P420M ang ibinayad na buwis ni Pacquiao sa BIR kung saan malaking bahagi nito ay napunta sa BIR national office, samantalang mahigit-kumulang naman sa P23 milyones ang napunta sa lokal na distrito. Si Pacquiao ay pinarangalan bilang ‘nangunguna sa remittances ng non-value added tax at individual taxpayers’ dito sa lungsod’.
           “Give BIR what is due to BIR.” Ito ang mga katagang binitiwan ni Pacquiao sa gitna ng naturang pagtitipon na sinalubong naman ng malakas na palakpakan ng may mahigit-kumulang sa 'sanlibo kataong (taxpayers) dumalo, kasama na ang mga matataas na opisyales ng BIR mula sa Central Mindanao Region sa pangunguna ni BIR rr-18 OIC regional director, Thelma S. Milabao.
            “This is an affirmation of our commitment to nation building. To the officials of the Bureau of Internal Revenue, that I and my better half, Vice Governor Jinkee Jamora-Pacquiao are conveying the Filipino people that it is our duty and responsibility to pay our taxes. While on the other hand, we will do what we can to see to it that the government will be more accountable in spending the taxes that are being collected from every Filipino people,” ang pahayag naman ni Pacquiao.
            Maaalala na minsan na ring hinirang si Pacquiao ng BIR Region-18 bilang 'top taxpayer' noong mga nagdaang taon.
      Sinabi ni Pacquiao na sa likod ng mga kontrobersiyang dumaan sa buhay nilang mag-asawa ay lalo lamang naging matibay ang kanilang pananalig sa katotohanan, at sa kakayahang malampasan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay.
         Kasama sa naturang programa ay nakiisa din si ‘Pacman’ sa paglagda ng ‘pledge of support and commitment’ sa BIR, at sa pagpalo ng gong bilang hudyat sa opisyal na pagbubukas ng massive tax campaign ng naturang ahensiya, lalo na sa nalalapit na April 15 income tax returns payment deadline.
          Samantala, buong pagmamalaking pinarangalan din ni Aspe ang BIR district 110 dahil sa sunod-sunod na paglipon nito ng malaking koleksiyon ng buwis sa mga nagdaang taon, lao na sa kasalukuyang administrasyon ni RDO Homez.
           Ayon kay Homez, matapos ang isinagawang kick off ng BIR ay asahan ng lahat ang mas pinaigting na pamamaraan ng BIR District-110 sa pangagalap ng buwis sa pagnanais nitong maabot ang may P2B tax collection goal na itinalaga ng nakakataas na tangapan para sa taong ito. (MALUNGON INFORMATION OFFICE.)

No comments:

Post a Comment