SMI help soothe educational need of broods
– Mayor Reynaldo F. Constantino (3rd - L) and Admin Officer IV
Bienvenida Llego, together with local-based provincial and municipal
officials, receive late last week from SMI education program supervisor
Lerita Malayon and local stakeholder engagement officer Anne Zee Luz
Laguerder, two checks amounting to P1.610M as part of Sagittarius Mines
education support and corporate social responsibility program. The said
amount will be use for the enhancement of local schools facilities, and
hiring of additional teachers for Malabod, a remote village then known
to be as ‘haven of cattle rustlers and lawless groups’ in Malungon,
Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ngayong araw ng B’yenes (Hunyo 14) ang tuluyang pagkatangal ng may 368 na mga trabahante ng gobyerno sa naturang bayan dahil sa naiulat na mga pagbabago sa fiscal management system o pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino, basi sa isinagawang pagpupulong ng Local Finance Committee ay kinakailangan nang maghigpit sa bilang ng mga trabahante ang LGU, lakip na ang masusing pagsusuri sa kakayahan ng bawat mangagawa para masiguro na nasa angkop na kaalaman at kakayahan nga ang bawat aplikante sa pinapasukan nitong trabaho.
“I have already directed administrative officer Benie Llego to issue a memorandum to make my pronouncement official. Kag indi ko man gusto nga pangunahan ako sang bisan sin-o sa akon pagahimuon nga desisyon kag pagpili sa kada aplikante sang sini nga munisepyo. On june 17, bisan mag report pa kamo, that will no more be considered as a working day for you as all are considered resigned by June 15. So masakit man ini sa akon pero tungod sang resulta sa ginhimo nga meeting sang Local Finance Committee, I am not already expecting anybody from casuals and JOs to report, without further notice,” ani Constantino sa malungkot na pakikiharap nito sa mga empleyado kamakailan lang.
“I will study all applications based on the recommendations that will be submitted by every department heads. This will include all applicants corresponding job descriptions, para maibalwesa ko man maayo kung sin-o pa ang dapat nga magpadayon sang ila obra diri sa munisepyo,” ani Constantino.
Inamin din ng alkalde na dahil sa dami ng mga JOs at contractual workers ng lokal na pamahalaan ay nahihirapan na rin ito noon pa man, na mapunan ang lahat ng mga kinakailangang sahod para sa mga nasabing mangagawa lalo na pagsapit ng mga huling buwan ng bawat taon.
“Sadto, may ginasaligan pa ako amo ina nga every yearend ginasalum ko gid ang tanan kag ginatinguhaan ko nga makapangita sang kwarta bisan wala na sang budget ang aton munisepyo. Amo nga kon kis-a madamo ako sang ginapanghimo para madugangan lang ang aton resources - tungod kay palanga ko gid kamo tanan. Gani sa subong, I hope nga maitiendihan nyo man ako because as I have said, I will be focusing on fiscal management before my term of office ends by 2016,” ang dagdag pa nito.
Ayon kay Llego ay nasa 183 ang kasalukuyang bilang nga mga casual employees ng naturang munisepyo, samantalang nasa 185 naman ang wastong bilang ng mga tinaguriang job orders ng gobyerno. “ Sa ngayon ay magpapatuloy ang natural na daloy ng serbisyo ng ating pamahalaan, na pagsisikapang gampanan ng mga maiiwang 123 regular workers, lakip na dito ang ating mga elective local officials.” (Isagani P. Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment