Wednesday, February 13, 2013

Mas pinahigpit na laban kontra ‘gutom,’ ikinasa sa Malungon


New malnourishment detection scheme – Municipal nutrition action officer Ms. Roselyn Dadivas-Constantino (3RD-L), better half of Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, demonstrate before over a hundred local health workers and barangay officials, new method in detecting malnutrition during a recently held 2-day Barangay Nutrition Staffs (BNS) performance enhancement seminar-workshop in Pangasinan Convention Center, Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

Municipal nutritionists conduct performance enhancement program – Municipal nutrition action officer Roselyn Dadivas-Constantino, better half of Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino require barangay nutrition scholars, members of the Association of the Barangay Captains (ABC) and barangay secretaries to submit new nutrition action plans to identify this year’s MNO areas of concern amid the 2-day Program Implementation Review (PIR) and nutrition action plan training and assessment seminar workshop held at Pangasinan Covention Center in Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MAHIGPIT na nagbigay ng direktiba sa lahat ng mga barangay nutrition staffs at barangay officials ang Municipal Nutrition Council na lalong palawakin ang kampaya laban sa malnutrisyon sa naturang bayan. 

Sa isingawa na dalawang araw na Program Implementation Review (PIR) at Barangay Nutrition Action Plan ay pinagtuunang pansin ng Municipal Nutrition Office sa pangunguna ni Ms. Roselyn Dadivas-Constantino, maybahay ni Mayor Reynaldo F. Constantino, ang pagsagawa ng masinsinang ebalwasyon sa mga naging kampaya laban sa malnutrisyon ng mga itinalagang Barangay Nutrition Staffs (BNS) at mga opisyales ng 31 barangays na bumubuo ng bayan ng Malungon, para umano'y masiguro ang pagiging epektibo ng mga pamamaraang ipinapatupad ng lokal na gobyerno para sa wastong kalusugan at pangangatawan ng mga mamamayan. 

“We are obliging nutrition workers and so with the barangay officials, to submit their accomplishment reports so that we could able to discuss the negative and positive impacts of our campaign. In this case, we could able to identify and provide immediate solution to different issues and concerns,” ani Ms. Constantino, na siyang dahilan para maging consistent awardee ng prestihiyosong Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Award and bayan ng Malungon sa buong Central Mindanao Region.

Sa kanyang mensahe ay sinabi din ni Mayor Constantino na dapat lamang na panatilihin ang masusing pagmamatyag at pagtupad sa mga itinalagang tungkulin para tuluyan nang maigupo ang malnutrisyon sa naturang bayan.

"Nakita man sang tanan nga wala gid nagkulang sang pagpaninguha ang aton lokal nga pangamhanan para sa sini nga programa. Gani ang ginapangayo ko lang amo ang padayon nga paghiliusa sang tanan para matagaan ko ini sang insakto nga kasulbaran. Yara sa mga kabataan kag sa umaabot pa nga mga henerasyon ang bwas-damlag kag pag-asenso sang aton nga banwa. Gani subong pa lang, ginatinguhaan ko na nga matagan sang maayo nga panglawas ang aton mga kabataan para sa mas mabaskug nga barog kag pag-isip pag-abot nila sa tama nga panahon,' ang sabi ni Constantino.


Sa patuloy na pagbabantay at pagpaabot ng tulong tulad ng mga masustansiyang pagkain, betamina at medisina sa mga bata o maging sa kanyang ina, malaki ang paniniwala ng mga Constantino na ‘di magtatagal at tuluyan ng ring mawawala ang problemang na dala ng malnutrisyon sa buong kabayanan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment